Naging maayos ang pag hatid sa kanila ni Seth sa tinutuluyan nilang condo, kahit pa sigurado niyang hindi sila hinatid nito kung hindi isinabay lamang dahil ayos dito ay daraanan rin naman nito ang kanilang uuwian. Gusto mang itanong dito ni Izzy kung paano nitong nalaman ang tinitirhan nila ni Miya ay hindi niya magawa, at dahil hindi niya magawang mag tanong ay inisip niya na lamang na baka nabanggit lamang din dito ni Miss Miya bilang mag kausap ito kanina. Naging tahimik rin ang kanilang biyahe, wala itong kahit na anong sinabi, sa katunayan ay ang ingay lang mula sa radyo nito sa magara nitong sasakyan ang tangi nilang naging paraan upang hindi maburyo, naging pabor naman iyon kay Izzy dahil kahit paano ay hindi niya na ito kinailangan pang kausapin, ganoon pa man ay hindi niya pa r

