Sunny Sumilip siya sa bintana. Ang tagal bumalik ng boss niya maghapon ito sa bahay ng kapatid nito. Tapos na rin niya ang ginagawa niya kaya aalis na siya bukas para humanap ng venue at gagawa ng invitaion ng kumpanya. Kumulo ang tiyan niya, nagutom siya bigla, kaya pumunta siya ng kusina at hahanap ng pagkain. Sa ref, kumuha siya ng softdrinks pero yung kakainin niya wala pa siyang gusto sa nakikita niya sa cabinet. Umupo siya habang nakahawak sa baso at sa bote ng softdrinks na sinasalin niya ay may biglang humawak sa likod niya, natapon tuloy yung softdrinks. Lahat ata ng balahibo niya sa katawan tumaas, pag lingon niya boss lang pala niya. "Sir naman! Bakit nanggugulat ka?! "Masyado kang seryoso sa pagsasalin ng softdrinks. Sakto meron akong binili, magmimiryenda ka pala. Tapos n

