Apollo Pabagsak niyang binuksan ang pinto ng bahay ni Sunny, dahil sa inis na hindi niya ito nauwi dahil nakatakas. Sa galit niya, sinira niya ang lahat ng gamit ni Sunny sa loob ng bahay, pati damit nito na natira sinunog niya, pero dahil ginagalit siya nito buong bahay ang nilagyan niya ng gasolina at inapuyan. Wala siyang pake kung may makakita man sa kanya sa ginawa niya, habang nasusunog ang buong bahay ay umalis na siya sa lugar na 'yon. Umuwi siya sa bahay niya habang may bitbit na alak na binili niya sa daan. Halos matanggal ang pinto ng bahay nang binukas niya, nakita niya ang babae niya na tulog sa lupa habang may kadena sa paa nito na may marka ng dugo sa paligid sa sobrang higpit. Hindi muna niya ito pinansin, kailangan niya munang uminom ng alak para mawala sa isip niya n

