Sunny Maaga siyang nakatayo sa napili niyang venue. Ito talaga ang unang niyang nagustuhan, kaya ito ang susubukan niyang makuha para sa gaganapin na party sa kabilang buwan. Pumasok siya sa loob. Merong staff na bumati sa kanya agad. "Good Morning ma'am. May schedule po?" "Yes. I'm from Yela Company." "This way ma'am." Sumunod naman siya sa staff hanggang sa pumasok sila sa opisina ng manager ng venue. Nakita niya na busy ito sa binabasa na nasa table. "Excuse ma'am. Nandito na po ang employee ng Yela Company na may schedule po ngayon." Tumunghay naman ito sa kanila at ngumiti. "Okay. Thank you Celine, and you Sunny Flores come here to have a sit." Nagpasalamat siya sa staff bago lumapit at umupo sa tabi ng table ng ginang, pero hindi pa man sila nakakapag-umpisa may nagbukas na

