Jarix Humiga siya patagilid sa hospital bed. Tinitigan niya si Sunny hanggang sa mapunta ang paningin niya sa pulso nito na may nakapalibot na puting benda. Matagal pa bago makabalik ni Sunny bilang secretary niya, kailangan muna nitong magpalakas bago ulit sumabak sa puyat at sa tensyon ng trabaho. Kailangan niya muna siguro ng makakausap,pero sino? Biglang pumasok sa isip niya ang kapatid niyang si James. Oo tama, ibabaling niya ang stress niya sa kapatid para mawala ang mga agam-agam niya simula ng isugod niya sa hospital si Sunny. Aalis muna siya, pakiramdam niya habang nandito siya sa hospital ay parang pati siya ay kailangan na i-admit. "Aalis ulit ako, baka mabaliw ako kakaisip ng ginawa mo. Babalik ulit ako ulit pag okay na ang isip ko." Hinalikan niya si Sunny sa noo bago luma

