Jarix Biglang dumilat ang mata niya ng hindi niya alam kung bakit. Ang katawan niya ay parang gustong bumangon at lumabas. Hilo pa siya ng tumayo siya, hindi na rin niya alam kung ano ang nangyari ng nakauwi na siya, ang alam niya ay umuwi siya yun lang, pero sa sumunod doon ay hindi na niya alam. Lumakad siya para lumabas ng kwarto, bahagyang nanuyot ang lalamunan niya kaya iinom siya ng tubig. Sa kusina ang diretso niya ng hindi lumilingon sa paligid. Nang nakakuha na siya ay dala niya ang baso na may laman na tubig habang pabalik ng kwarto niya. Habang naglalakad pabalik ay napakunot ang noo niya, dahil nakabukas ang pinto ng kwarto ni Sunny. Gising pa ito ng ganitong oras? Lalagpas na sana siya, pero may nahagip ang mata niya sa loob. Nabitawan niya ang hawak niyang baso, saka nag

