Sunny
Naglalakad siya sa ilalim ng araw ngayon. Mainit pala, wala pa man din siyang dalang payong panang-galang sa nakakapasong init. Hindi pa niya alam kung saan siyang karinderya pupunta, ang dami kasi na nakahilera sa kabilang kalsada.
Bago siya tumawid ay tiningnan niya muna ang mga karinderya, at nang nakapili na siya ay tumawid siya at pumasok sa isang karinderya. Maraming putahe ng ulam ang nasa harap niya ngayon, lahat mukhang masarap, pero gulay ang gusto niya ngayon, siguro ang bibilhin na lang niya sa boss niya ay menudo at kaldereta, siya naman ay pakbet at chapseuy. Sa plastic labo nilagay ni ate, kaya bitbit niya habang papunta naman siya ng remittance ngayon. Mabuti na lang pagpasok niya sa loob ay wala ng ibang tao, siya na lang, kaya mabilis lang ang gagawin niya, pero nagkulang siya ng one hundred pesos, kaya kumuha muna siya sa sukli sa pera ng boss niya.
Nang natapos siya sa remittance ay bumalik siya kaagad sa building, grabe ang init sa labas, nasunog na ata ang mukha niya.
Kumatok siya ng dalawang beses bago binuksan ang pinto ng opisina ng boss niya. Wala ang boss niya sa table nito, baka nasa loob ng isang pinto dito sa opisina. Doon siya kumatok, nagbukas naman kaagad iyon at sumilip ang boss niya.
"Bakit ang tagal mo namang bumili?"
"Dumaan pa kasi ako ng remittance, para magpadala sa magulang ko."
"Ganun ba. Sige, tara na dito."
Kumunot ang noo niya. "Anong gagawin ko diyan sir?"
"Dito tayo kakain, dahil may lamesa dito, mas mabuting dito ka na kumain dahil baka magdumi ka pa sa table mo, mahirap na baka madamay ang mahahalagang papeles."
Nagkibit-balikat siya at pumasok na sa loob. Parang mini kitchen, pero ang ganda.
"Anong binili mo para sa akin?"
Habang binubuklat niya ang plastik ay natigilan siya. "Anong problema?"
"Hindi ako nakabili ng kanin sir. Nakalimutan ko."
"Meron naman dito."
Nagsalubong ang kilay niya na lumibot sa loob, meron nga sa isang tabi na rice cooker.
"Ikaw sir ang nagsasaing?"
"Oo, ako."
"Talaga? Kailan mo ginagawa 'yon? Hindi ka naman tumayo sa upuan mo."
"Pag malapit na ang tanghalian, saka ako tatayo para magsaing."
"Ang galing, akala ko puro papeles lang ang hawak mo, marunong ka palang magsaing."
"Madali lang naman, teka kuhanin ko lang."
Kinuha nito ang rice cooker na may mainit pang kanin, saka dalawang plato, kutsara, mangkok, at baso na may laman na tubig na malamig galing sa dispenser.
"Kain na tayo."
Umupo ang sir niya katapat ng upuan niya, kaya maging siya ay umupo na rin. Sinalin niya ang ulam nilang dalawa sa mangkok na bale apat.
"Puro gulay lang ang sayo?"
"Oo."
"Pahingi ako ha."
Natigilan siya at tumingin sa mukha nito. "Kumakain ka ba ng gulay?"
"Oo."
"Sige."
Tiningnan niya ang pagkuha nito ng ulam niya, saka kung paano ito kumain. Masarap itong kumain at magana rin.
"Kung gusto mong kumuha sa ulam ko, puwede naman."
Kumain sila parehas na kung saan-saan napupunta ang kamay nila sa pagkuha ng ulam ng isa't-isa, parang nabaliktad pa nga dahil mas marami siyang nakukuha sa ulam ng boss niya, ganun rin ito sa ulam niya.
Nang natapos silang kumain ay hindi muna sila tumayo para mag-umpisa ulit magtrabaho.
"Mukhang sa paborito kong karinderya ka bumili."
"Kabisado mo ang luto ng paborito mong karinderya?"
"Oo. Sa tagal kong nakakain ng luto nila ay kabisado ko na, doon kasi laging bumibili ang dati kong sekretarya."
"Mabuti pala ay doon ko napiling bumili."
"Nasaan bang lugar ang magulang mo at nagpapadala ka pa, hindi mo ba sila kasama sa bahay?"
"Hindi, nasa probinsya sila."
Tumango naman ito. "Kaya naman pala, so ikaw lang mag-isa sa bahay mo ngayon?"
"Oo." Nakatitig siya ngayon sa lamesa. Itanong kaya niya sa boss niya kung may alam itong paupahan na bahay para doon muna siya pansamantala. "Boss."
"Hmmp?"
"Baka meron kang alam kung saan puwedeng manirahan, yung paupahan lang."
"Bakit, okay naman yung bahay mo? Napapagod ka na bang mag-commute?"
"Hindi naman sir, pero mas mainam kung mas malapit."
Para na rin malayo siya kay Apollo, hangga't nasa bahay niya ito ay siguradong lagi siyang may pasa sa katawan sa tuwing papasok ng trabaho, ayaw naman niyang mapansin pa iyon ng boss niya dahil magtatanong ng magtatanong ang boss niya kung saan niya iyon nakukuha. Hindi naman puwede laging takip ng softdrinks ang lagi niyang dahilan.
"Mahal ang alam ko."
"Magkano?"
"Nasa twenty thousand a month."
Napangiwi siya sa halaga. Parang isang buwan na sahod na niya iyon, wala pa doon ang gastos niya sa pagkain, kuryente, at tubig.
"Wala bang mas mura pa doon."
"Meron sa bahay ko."
Tiningnan niya ang boss niya kung nagsasabi ba ito ng seryoso o pinagtitripan lang siya. "Seryoso kasi sir."
"Sa bahay ko nga, wala ka pang babayaran."
"Hindi nga?"
"Sa itsura ko bang 'to, nagbibiro ako?"
Umiling siya dahil seryoso naman ang mukha nito at walang bahid na niloloko siya.
"Hahanap na lang ako sir, baka meron na mas mura."
"Malaki ang bahay ko na bagong tayo lang, marami din kwarto doon. Kaya kung gusto mo talagang mas malapit na lang ang lalakbayin mo papunta dito ay doon ka na lang. Hindi kita sisingilin ng kahit piso, libre na rin pati pagkain mo."
Umiling siya. "Naku sir, labis na masyado ang libre pa pati pagkain."
"Ayos lang, ako lang naman ang naroon kaya okay lang sakin."
Nag-isip siya ng mabuti, mas pabor sa kanya dahil mas malapit na ang biyahe, saka libre pa pagkain.
"Ano?"
Ngumiti siya. "Sige sir, payag na ako."
Ngumiti din ang boss niya na mas malaki pa kaysa sa kanya. "Good. Kailan mo gustong lumipat?"
"Bukas na lang sir. Anong address ng bahay mo?"
"Sabay na tayong pupunta doon bukas, sakay ng kotse ko."
"Kukuhanin ko lang ang gamit ko na dadalhin doon, pag pasok ko bukas ay bitbit ko na, konti lang naman 'yon dahil lalabhan naman."
"Ikaw bahala, basta pag hindi mo kaya habang nag-co-commute ka, tawagan mo na lang ako sa numero na 'to."
Binaba nito ang isang calling card sa lamesa. May nakasulat pang pangalan nito na Jarix William.
"Sige sir, thank you."
"No, problem. Halika na, back to work na tayo."
"Mauna ka na sir, huhugasan ko lang 'tong ginamit natin."
Maliit naman itong napangiti. "Sige."
Lumabas ito habang inuumpisahan naman niyang ligpitin ang ginamit nila sa pagkain. Hinugasan na rin niya ng wala ng kalat, nakakahiya sa boss niya kung iiwan pa niya iyon. Baka kung ano pa ang masabi nito sa kanya, ang bait pa naman ng boss niya ngayon. Pero habang naghuhugas siya ng pinggan ay napahinto siya sa naalala nitong ginawa sa kanya, yung halik na ginawad ng boss niya sa kanya. Hindi talaga niya inaasahan na hahalikan siya ng boss niya dahil sa gilid lang naman nito nilalapit ang labi, pero gulat talaga siya ng dumampi na ang labi nito sa labi niya, ibang-iba ang pakiramdam talaga nang naglapat ang labi nilang dalawa. Hindi na niya naramdaman iyon kay Apollo, kaya nagulat siya.
Pagkatapos niyang itaob ang mga baso sa lagayan ay nagpunas lang siya sa tela na nakasabit malapit sa lababo, bago lumabas ng pantry. Nakita niyang busy na ang boss niya nang dumaan siya sa tagliran nito para lumabas ng opisina. Umupo siya sa puwesto niya at nagsimula na ring magtrabaho.