06

1031 Words
Hindi naman nagkadikit ang labi nila, pero mas malakas ang nararamdaman niya kahit ganun lang, muli siyang lumayo habang si Sunny ay nakatingin lang na parang nagtataka sa ginagawa niya, lumapit siya ulit sa mukha nito, pero this time mas malapit ang labi niya, yung isang tuldok na lang ang pagitan. Napakunot ang noo niya dahil doon. "May kuryente ka ba sa katawan?" "Wala." "Bakit parang nakakakuryente ka, pag lumalapit ako sayo?" Nagsalubong ang kilay ni Sunny. "Bitawan mo kaya ang braso ko ng makatayo na ako, at hindi ka na nakukuryente." "Wala ka bang dalang wire sa katawan mo?" Hinanap niya iyon sa likuran nito, wala naman. "Wala! Kaya bitawan mo na ako." "Sandali, isa na lang." Muli niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ni Sunny, pero sa pagkakataon na 'yon, sa huling lapit niya ay dinampi na niya ang labi niya, at doon siya napalayo ng todo, at tumingin muli sa mukha ni Sunny na gulat na gulat. "Naramdaman mo rin 'yon?" Tumango ito. "May kuryente ka nga!" Inirapan siya nito at tuluyan ng umalis sa pagkakakandong sa kanya. "Alam mo sir, parang may saltik ka sa utak no?" Masama naman niyang tiningnan ito. "Ano kamo?!" Lumikot ang mata nito at lumipat na ng puwesto pumunta na sa harap ng table niya. "Alis na ako sir, may ggawin pa ako sa labas." Hinawakan nito ang file sa ibabaw ng table niya. "Hindi ko matatanggap ang sinabi." Nahinto ito sa tangkang pag-angat ng file, kaya inabot niya ang mukha nito, at hinalikan na talaga ng tunay na halik. Gulat si Sunny sa ginawa niya, nakadilat kasi silang pareho kaya kitang-kita niya. Ngumisi sya sa pagitan ng labi nila, bago lumayo kay Sunny at umupo. Hindi ito nakagalaw na parang tinuklaw ng ahas. "Puwede ka ng lumabas, Sunny. Gawin mo ang trabaho mo ng maayos ha, mukhang nakakuha ka ng inspirasyon mula sa akin." Inis nitong binuhat lahat ng file, pero bago umalis ng opisina niya ay lumingon muna ito at sinamaan siya ng tingin habang siya naman ay nakangisi. Hinawakan niya ang labi niya, at mabuti na lang hindi niya pinatagal ang halik niya baka hindi na siya lumubay sa labi ng secretary niya, pero sa tapang ni Sunny baka hindi na siya maka-score. Baliw na ata siya para isipin ang maka-score ulit, halos dalawang araw pa lang naman nang nakilala niya ito. Ano bang nangyayari sa kanya ngayon lang niya nagawa iyon sa isang babae, at sa secretary pa niya talaga niya? Kinuha niya ang isang file niya sa isang drawer, pero habang binabasa niya iyon ay kusang tumataas ang labi niya, wala namang nakakakilig sa binabasa niya dahil puro tungkol lang sa kumpanya 'yon. Mukha siyang lalaki na inlove na inlove sa girlfriend sa itsura niya, tiningnan niya pa ang repleksyon niya sa pader ng opisina niya. Sinusuntok niya ang ere dahil hidi na siya makapag-focus, pero napahinto siya habang nakakuyom ang kamao niya sa ere. "Sir..." Unti-unti niyang binaba ang kamay niya. "Yes?" "May papapirmahan lang po ako." "Come in." Napailing na lang siya sa nadatnan ng empleyado niya, magpokus na nga siya sa trabaho baka may susunod pang makakita sa kanya sa ganung ayos. Lumipas ang oras na nakatitig lang ang mata niya sa papeles, nang may kumatok at sumilip, ang ulo ni Sunny. "Yes?" "Kakain ka ba sir? Bibili ba sko sa labas?" Tumingin siya sa orasan, isang minuto na lang bago mag-alas-dose. "Oo." "Ano pong klase?" "Kahit ano namang luto ay kinakain ko, ikaw na lang bahala kung ano." "Okay sige sir, pero nasaan yung pera?" Nagsalubong ang kilay niya. "Wala ba sayong sinabi ang dati kong secretary?" "Wala sir, baka nakalimutan." "Bumalik ka sa desk mo, nandoon yung pera sa drawer. Iyon ang budget ko sa pagkain, doon ka kukuha pag ibibili mo ako ng pagkain at miryenda." "Ganun ba sir, sige alis na ako." Sinarado pa ni Sunny ang pinto ng malakas, kaya nagulat talaga siya, masama nga ata ang loob nito sa kanya. Nagkibit-balikat na lang siya at nagpatuloy sa pagbabasa, pero napansin niya na may isang file na naiwan sa table niya. Kinuha niya iyon at binuklat, pero bio data iyon ni Sunny. Hindi siguro napansin ng dati niyang secretary, kaya napasama sa folder tungkol sa kumpanya.. Sumandal siya at binasa na iyon ng mabuti, hindi talaga niya iyon pinagtuunan ng pansin noong una. Single nga ang nakalagay sa status nito, sa experience talaga ay wala pa dahil first time nitong magtatrabaho, pero fresh graduate, kaya tinanggap niya. Mas mainam ng fresh kaysa sa matagal na na tengga, mas madali kasing maka-pick up ang tuloy sa trabaho pagkatapos mag-aral dahil active pa ang utak tungkol sa kursong kinuha ng mga ito. Wala naman ding kaso kung matagal bago humanap ng trabaho, pero hindi bilang secretary niya, kailangan bagong graduate ang kuhanin niya, pero sa ibang department ay okay lang kung matagal na hindi nakapagtrabaho as long as nagagawa nito ng matino ang trabaho na binigay niya. Lahat naman ng impormasyon na kailangan ng kumpanya ay nandoon sa bio data ni Sunny, talagang hindi lang niya napansin noon dahil kay Sunny siya mismo nakatutok, wala sa bio data nito, ang ganda rin ng pagkapirma nito sa pangalan, soon sa marriage contract na niya makikita iyon...natigilan siya at umiling talaga ng sobra dahil bigla na lang pumasok sa isip niya iyon. May gayuma talaga si Sunny, okay naman siya ng wala ito, pero nang dumating dito kung ano-ano ang naiisip niya, gusto na atang mag-asawa ng utak niya. Sinarado na niya ang folder at nilagay sa drawer niya, ibibigay na lang niya kay Sunny pagnaalala niya, pero napansin niya talaga na ang tagal nitong bumalik. Hindi pa siguro alam kung saan bibili ng pagkain sa labas ng kumpanya, pero sabagay marami naman doon, mamili na lang si Sunny kung saan, pero sana sa laging pinagbibilan ng dating secretary niya, masarap kasi ang mga niluluto nila na ulam maging ang dessert na puto. Tumayo siya at pumasok sa pantry niya, pero napangiti na naman siya ng maalala ang sinabi ni Sunny, dahil nagkamali ito ng dinig sa sinabi niya, kumuha siya ng baso at uminom ng tubig habang hinihintay ang secretary niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD