05 Kuryente Sa Katawan

1018 Words
Jarix Masakit ang ulo niya ng nagising siya. Hindi siya nakatulog kaagad ng naka-uwi na siya galing sa paghatid niya kay Sunny kagabi. Kaya pumasok siya sa opisina na masakit ang ulo. Nakita pa niya ang secretary niya na nakatulala sa desk nito, mas maaga itong pumasok. Pero nang dinala nito ang lahat ng file sa office niya ay sumakit pa lalo ang ulo niya. "Maupo ka nga sandali." Umupo naman ito, pero habang hinihilot niya ang sintido niya ay napatingin siya sa mukha ni Sunny dahil mas lalong lumaki ang sugat nito sa labi. "Lagi bang bibig mo ang gamit mo sa tuwing magbubukas ka ng softdrinks?" Namilog ang mata nito, at hinawakan ang gilid ng labi, napangiwi pa ng masayad ang daliri doon. "Kagabi sir habang kumakain ako ng hipon, nasabit kaya mas lumala siya ngayon." "Hindi ko ata napansin 'yon kagabi?" "Busy po kayo sa paghihimay nung lobster." "Ganun ba." Napatingin siya muli sa file sa harap niya. "Bakit dala mo itong lahat? Wala naman akong sinabing dalhin mo ito." Pilit itong ngumiti. "Akala ko sir kailangan mo lahat 'yan, kaya mo ako tinawag para pumasok dito." 'No, ang file ng sales lang ang kailangan ko ngayon, pero mukhang pinaghalo mo kaya aayusin mo ulit 'yan." "Hindi nga?" "Oo dahil bago umalis ang dati kong secretary ay ayos na lahat 'yan, ginulo mo lang." Napangiwi ito at napahawi ng buhok. "Lutang ka ba at hindi mo napansin? Saka bakit mugto 'yang mata mo, natulog ka ba?" Matamlay rin kasi ang itsura nito ngayon, hindi katulad kahapon na masigla at kaya pang makipag-away sa kanya. "Okay lang ako sir, kahit mukhang hindi." Sumandal siya sa upuan niya. "Kaya kita pinapasok dito ay para hilutin ang ulo ko." Nagsalubong naman ang kilay ni Sunny. "Obligasyon ko pa ba 'yon, sir?" "Malamang, secretary kita." "Ang alam ko lang ay sa trabaho lang sir, hindi sa paghihilot ng ulo mo." Sumasagot na naman ito ng pabalang sa kanya. "Utos ko 'yon, at ako ang boss mo, kaya sumunod ka na, dalian mo ng makapag-umpisa na akong magtrabaho." Tumayo ito at parang nagdadabog pa. "Nagdadabog ka ba ha, Sunny?" Ngumiti naman ito kasama ang mata na alam naman niyang peke. "Hindi sir, dumidikit ang takong ng suot kong sandals sa sahig ng office mo kaya ganun." Hindi na lang niya ito pinansin. Muli siyang pumikit, at hinintay na hilutin nito ang ulo niya. Isang malamig na kamay ang dumantay sa sintido niya. "Ang lamig naman ng kamay mo, kabado ka ba?" "Hindi sir, malamig lang talaga ang panahon, kaya nakikisama ang kamay ko." Hindi na siya nagsalita pa at nag-relax na lang habang hinihilot nito ang sintido niya. Pero minsan ay napapadiin kaya sa halip na mawala ang sakit ng ulo niya nadadagdagan pa. "Galit ka ba? Kung makadiin ka ng kamay mo sa sintido ko parang hindi masakit ang ulo ko." "Para nga mawala sir, kailangan madiin." "Wala namang nakapagsabi ng ganun." "Ako ang nanghihilot kaya tumahimik ka." Palaban 'tong secretary niya, kaysa sa huli niyang secretary. Pero iba naman ang nararamdaman niya kay Sunny pag nasa paligid, at hindi niya alam kung ano. "Alam mo may alam akong paraan para mas mahilot mo ng mabuti ang sintido ko." "Ano?" Hinawakan niya ang kamay nito at hinila paupo sa kandungan niya ng paharap. Naka-pants naman ito kaya okay lang. Nanlalaki ang mata nito habang nakatingin sa kanya. "Ayan mas better 'yan, para hindi ka na rin mangawit." "Bakit hinidi ka na lang humiga sa sofa at uupo ako sa ulunan mo? Mas better pa 'yon sa better sir." Nagkibit-balikat siya. "Huwag na, ganito na lang, lalakad pa ko. Tinatamad na akong tumayo." Napapikit ito. "Alam mo ba sir na ang laswang tingnan na nakaganito ako." Tiningnan niya nag kabuuan nito. "Ikaw lang ang nag-iisip niyan." Inirapan siya nito. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Sunny at nilagay sa ulo niya. Sinandal naman niya ang ulo niya habang minamasahe iyon ni Sunny. Dumilat siya habang focus ito sa pagmamasahe sa ulo niya. Kahit mukhang may sakit ay maganda pa rin ang secretary niya, bagay dito ang wavy na buhok habang nakalagay sa harap, at ang hugis ng mata nito ay nakaka-akit kung tumingin. Napapikit siya ng bumaba ang mata nito sa mukha niya, pero nang ilang minuto na ang nakakalipas ay dumilat siya, masama na itong nakatingin sa kanya. "Bakit?" "Masakit pa ba ang ulo mo?" Pinakiramdaman niya ang sarili, bahagyang nawala na. "Oo." "Ang tagal namang mawala. Uminom ka kaya ng gamot." "Mabuti pa nga, kuha mo na lang ako sa pantry ko." "Panty?" Namilog ang mata niya. "Pantry, hindi panty, magkaiba 'yon!" "O... na bingi lang pala ako." "Oo kaya pumunta ka na doon." Sinukan nitong umalis pero nahihirapan. Naiipit kasi ito sa pagitan ng lamesa at sa kanya, kaya bahagya siyang lumapit para itulak sana palayo ang upuan. "Sir?" Narinig niyang nanginig ang boses nito. "Bakit?" Humawak siya sa table at tinulak palayo ang upuan doon. Napabuga naman ito ng hangin. "May sasabihin ka ba?" "Wala naman sir... akala ko lang..." "Ano? Yayakapin kita." "Hindi." "Alam kong 'yon ang na sa isip mo, Sunny, pero pasensya na hindi ko gagawin ngayon." Hinampas nito ang dibdib niya. "Hindi 'yon ang iniisip ko!" Ngumiti siya, at kinabig niya ito para yakapin, pero nawala ang ngiti sa labi niya sa naramdaman ng katawan niya. Hinigpitan pa niya lalo para alamin, pero ganun pa rin ang nararamdaman niya habang kayakap si Sunny. "Hoy! Ano 'yan, bitawan mo nga ako?!" "Sandali lang" "Bakit?" "Nahihilo ako kailangan ko ng makakapitan." "Puwede ka namang pumikit, kaysa yakapin ako." "Nahilo lang ako ng tinulak ko ang upuan." Nakatulala siya habang nakayakap kay Sunny, parang may magic ang paligid ng nayakap niya ang dalaga, may gayuma ata siya na dala, kaya ganun. "Gumagawa ka ba ng kakaibang gamot?" "Anong gamot?" "Yung mahuhumaling sayo ang isang lalaki." "Tsk, hindi ko kailangan no'n sir." "Pero bakit..." "Ano?" Nilayo niya ang katawan niya kay Sunny at tumitig naman sa mukha nito, bago dahan-dahan na lumapit sa mukha ntio at sa labi. Walang gumalaw dahil inaalam niya ang nararamdaman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD