Apollo Ilang araw ng nawawala si Sunny. Nang pumunta siya sa bahay nito nung nakaraan ay hindi na niya nadatnan sa loob ng bahay kahit gabi na, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita si Sunny. Sa tingin niya ay hindi na ito doon umuuwi dahil nabawasan ang damit nito sa cabinet. Subukan lang nito na tumakas sa kanya, pamilya ni Sunny ang babalikan niya. Tinapon niya ang sigarilyo sa damuhan bago pumasok ng bahay ni Joshua. Umupo siya sa bakanteng upuan habang nag-iinuman ang iba niyang kasama. "Ilang araw ka ng tigang, Apollo? Mukhang nilayasan ka na ng girlfriend mo." Tumawa ito ng malakas. "Manahimik ka! Ganitong hindi ko siya mahanap, gagatong ka pa." "Humanap ka na lang muna ng ibang babae diyan." Umiling ito. "Napakarami na willing makipag-s*x. Gwapo ka naman kaya easy lan

