Tiningnan ko siya at inilayo ang phone ko. Kumunot ang noo ko pero nagkibit lamang siya. He’s acting too weird and I can’t help but point it out to him. Theo texted and I can see that Luke is also curious of who texted me. Nakatayo siya sa likuran ko sa hindi malamang dahilan. From: Theodore Patrick Navarro, MD Aura’s Diner. 8PM. See you. Nanliit ang mata ko sa text na iyon ngunit wala naman akong maisip na ireply kung hindi ang pagpayadg ko. Besides, it’s just for tonight. “Who’s that?” Bulong ni Luke sa akin habang nagtatawanan ang mga pinsan niya at pinsan ko. Naiwan kaming dalawa sa may hapag habang ang iba ay nasa pool side na. Tumingin ako sa kanya. “Wala.” Sagot ko at umiling. Nanliit ang mga mata niya sa akin at tumikhim. “Kung wala, dapat sinabi mo na sa akin.” Sabi ni

