Chapter 9
We are both silent when we went back inside the event hall. Si Eris ang may dala nung blazer ko. Maybe cat got my tongue because I can find my words to say.
"Kuya Ej, Zk's been crying. I don't know what happened. Sorry." Salubong ni Primrose sa amin.
Mas lalong pumalahaw ng iyak si Zk nang makita na si Eris. Pilit nyang inaabot ang Ama nya.
"Sorry ate. Di ko po alam kung bakit sya umiyak." Hinging paumanhin pa ni Primrose.
"It's okay. Baka akala ay iniwan na naman sya ni Eris." I tapped Primrose shoulder.
"He's just sleepy. No need to worry about, Prim."
Tumango tango si Primrose bago nagpaalam. Binalingan ko si Eris at Zk. Nag uusap yung dalawa habang pinupunasan ni Emoji ang luha ng anak.
"Antok na?" I pinched Eris arms.
"Oo, may dala ka bang dede daw?"
"Alam ko si Mama iyong may dala."
"Tara, kunin na natin."
Sabay kaming lumakad pabalik sa table nina Mama. Naupo si Emoji sa tabi ni Mama at hiningi na ang feeding bottle ni Zk. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at nakitang abala pa din si Earl sa ginagawang pasasalamat sa mga tao.
Sumilip ako sa relo ko nakitang pasado alas nueve na. Unti unti na ding nag sisiuwian ang mga tao at ang natira ay iilan nalang na malapit sa Lausingco.
Maya maya pa ay nag akit na din ako dahil nakikita ko na ang pagod kay Mama. Nagpaalam na ako kina Tito Elvis at sa mga kapatid nito. Sunod ay kay Mrs. Verna Verjes ako nagpaalam. Nagpasalamat sya dahil sa isa na naman naming successful event. Huli kong nilapitan ang magpipinsan. Nagulat pa nga ako nung isa isa nila akong niyakap. Narinig ko pang sabi ni Shinubo na pinaiyak ni James Michael si Zk.
"Salamat sa pag aliw sa anak ko."
"Naku Sinag, nabalis ni Pio at JM si baby Zk." Tatawang tawa na sabi ni Ramgiorel.
"Kayo talaga." Napapailing kong sabi.
Kumaway na ako bago bumalik sa table.
"Si Zk, ako na magbubuhat." Sabi ko. Inamba ni Eris ang anak ko nang umiyak ito at humigpit ang yakap sa ama. Napakamot ako sa ulo ko.
"Kay Eris ka na sumabay. Ako na maghahatid kina Mama." Ani Papa.
"Sige po. Mag iingat kayo."
Si Mama na ang nagdala nung mga gamit namin ni Zk. Pinanuod ko silang magpaalam kina Tita Merlie bago kumaway sakin si Ate paalis.
"Mamaya lang tayo ha. Hindi pa himbing ito." Sabi nya.
"Sige, kakain lang muna ako uli."
He nodded. Iniwan ko ang purse ko sa lamesa at lumapit sa buffet table. Kumuha ako ng chicken at kanin tyaka chopsuey.
"Nagutom? Akala ko aalis na kayo?" Hila ni Rain sa baywang ko.
"Pinauna ko na sina Mama at hindi pa himbing si Zk. Alam mo na, ayaw bumitaw sa ama." Sagot ko. "Si Earl?"
"Nasa cr. Nagrereklamo ngang pagod na, tinawanan ko nalang."
Binitawan na din naman nya ako ng hilahin sya ni Primrose papunta sa table nila. Bumalik ako sa table kung nasaan si Emoji at Zk. Saglit akong tumigil sa paglalakad dahil nahuli kong matiim na pinagmamasdan ni Emoji ang munting anghel namin.
"Ikaw ba? Hindi ka nagugutom?" Tanong ko ng umupo ako sa tabi nya.
"Mamaya nalang."
Nagsimula na akong kumain pero siguro instinct ko na din yun na iumang ang kutsara sa kanya. Tinagilid nya ang ulo nya bago ngumanga para isubo iyon.
"Ang sweet." Puna ni Emerald.
"Shut up! Huwag ka dito at baka magising si Zk." Pagbabawal agad ni Emoji sa kanya.
Emerald pouted. "Ay ang sungit. Subuan mo pa nga iyan Sinag."
"Alis na Emerald."
Inirapan nya ang kuya nya bago tumalikod. Hinampas ko ang braso nya.
"Kukulitin lang ako nun baka magising si Zk."
Umiling nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Panaka naka ay sinusubuan ko naman sya.
"Are you done?"
I wipe the side of my lips with a table napkin bago tumango. "Tara na ba?"
"I guess, pwede na?"
"Okay. Let's go."
Tumayo na ako at binitbit ang blazer ko habang yung coat nya ay pinangtakip ko kay Zk at baka mahamugan.
Muli kaming nagpaalam sa mga magulang nya.
"Napagod ata si Zk kakalaro sa mga pinsan mo." ani Tita Merlie matapos halikan ang noo ni Zk.
"Sa bahay ba kayo o kina Sinag?" Si Tito Elvis naman ang nagtanong.
Nilingon ako ni Emoji. "Sa bahay po, Tito."
"Sige. Magiingat sa pagmamaneho, Ej."
Tinanguhan lang si Emoji iyon at muling nagpaalam sa mga Tito at Tita nya. Sinutsutan nya pa nga si Emerald. Mula sa pagkakasubo ni Emsi ay mabilis syang tumayo at yumakap sa Kuya nya.
"Ingat. Babye baby Zk." Mahina nyang sabi na may paghalik pa sa pisngi ni Zk. "Thank you for supporting Kuya Earl, Sinag."
"We'll be going now." Ngiti ko pa.
Kumaway si Emerald bago bumalik sa pwesto nya. Sumunod na ako kay Emoji palabas ng Hotel. Malamig na sa labas, iyon ang sumalubong sa aming hangin.
Pinatunog ni Emoji ang sasakyan nya. Doon umungot si Zk, maya maya ay umiyak.
"Papa. Papa ko."
Eris hushed him. Mga ilang segundo iyon bago tumahan si Zk pero mas lalong humigpit ang yakap nya kay Eris. Nagkatinginan kami ni Emoji and he sighed.
"Can you drive?" He asked.
"Medyo pero natatakot ako humawak ng manibela."
Tumango sya. "Maybe I should teach you how, next time para kapag ganitong emergency."
I nodded too, binuksan ko na ang passenger seat at umupo doon. Dahan dahan at may ingat na nilapag ni Emoji si Zk sa kandungan ko. Buti at hindi na naalimpungatan. Tinapik tapik ko nalang ang hita nya.
"Okay na?"
"Yes."
Sinarado na nya ang pinto at tumakbo papunta sa driver's seat. He started the engine and drove away. Pinagmasdan ko naman si Zk na tulog na tulog na at nakakunot ang noo. Humikab ako at sumandal.
Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Siguro nagising lang ako dahil nakaramdam ako ng pagka-ihi. Minulat ko ang mata ko at halos nakailang kurap ako nang mapagtantong hindi ito ang kwarto ko.
Tumayo ako at tunog ng aircon ang nakinig ko. From the gray curtains, I can cleary say that I am in one of the Lausingco's guest rooms. Bumaling ako ng mabilis sa tabi ko at nakita kong mahimbing na natutulog doon si Zk. Nakapagpalit na din sya ng onesies nya. While me, I'm still wearing my strap dress. Sa dulo ng kama ay may isang tshirt at cotton short doon, and new underwear.
Tuluyan na akong tumayo at dinampot ang purse ko sa side table. Deadbatt na ang phone ko kaya chinarge ko muna iyon sa gilid.
Sunod ay sinilip ko ang orasan. Past 12 am na. Kinusot ko ang mata ko at ipinuyod ang buhok ko. Dinampot ko na din iyong mga damit at pumasok sa banyo. Naghalf bath lang ako para matanggap ang lagkit sa katawan ko. Kaso pagkatapos ko ay nawala ang antok ko.
Drain na drain iyomg cellphone ko kaya hinayaan ko na muna. Pinalibutan ko ng unan si Zk at nagpasyang lumabas ng kwarto. Tahimik sa buong mansyon ng mga Lausingco. Pero akala ko lg tahimik dahil nung tumungtung na ako sa huling baitang ay nakita kong kahit patay ang ilaw sa salas ay syang may munting ilaw na nagmumula sa laptop na kaharap ni Emoji.
Seryosong seryoso syang tumitipa doon. Baka reports iyon ng Hotel.
Hindi ko alam pero naramdaman nya atang may nakamasid sa kanya kaya nag angat sya ng tingin. I smiled as our eyes met.
"Hey.." he cleared his throat.
"Work?" I asked. Humakbang ako palapit sa kanya.
Doon ko lang narinig iyong mahina nyang music. Statue.
"I'm like a statue, stuck staring right at you. Got me frozen on my tracks so amaze you take me back. Each and everytime our love collapse. Statue... stuck staring right at youuu."
"Yes. Reports perhaps." Paos iyong boses nya. "Naalimpungatan ka? Sorry. I'm really tired earlier. I wasn't able to drop you at your house. Kaya dito ko na diniretso sa bahay. Nagpaalam na din naman ako kay Tita Aida." Mahabang paliwanag nya.
And right at this moment, as he was speaking.. I just stared at him. Hindi ito yung kilala kong Emoji dati. Ang laki na talaga ng pinagbago nya nang dumating si Zachary Kristian sa aming dalawa. I guess, both us became matured enough to handle everyting. Pero... the love I saw in his eyes is just too much to handle for me.
"It's okay. Napahimbing na din kasi ang tulog ko." I shifted on my legs. "You want some snacks? Nagutom ako eh. I'll cook."
"Ikaw na bahala. But can I get a cup of coffee?"
"Sure."
Pumihit ako patungo sa kusina nila at binuksan ang ilaw. Kumuha ako ng pancit canton sa cup boards sa itaas doon. Tatlo ang niluto ko, na nilagyan ko ng nilabong itlog.
Gumawa na din ako ng kape para sa kanya at tsaa para sa akin. Inayos ko iyon sa tray bago lumabas ng kusina, hinayaan ko nalang na bukas ang ilaw doon para kahit papaano may liwanag kami.
Emoji's watching me as I placed the tray in the center table. Sinantabi ko talaga iyong laptop nya at ibang papeles sa gilid.
"You need a break." Inabot ko sa kanya iyong tinidor.
Nagsimula naman na ako sa pagkain nung pansit canton. I made a mental note to drinking water later.
"Eris, ano pang hinihintay mo? Kain na." Paano nakatitig lang sa akin.
He chuckled. "Hinihintay kong mahalin mo uli ako."
Muntik na akong mabulunan doon. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Why are you like that?"
Tinapos nya muna ang pagnguya. "Like what?"
"Vocal with your feelings."
"Sabi nga nila, marerealize mo na mahal mo ang isang tao kapag tuluyan na syang nawala sayo. So maybe that's why I'm vocal with my feelings."
"But you know that you're too late for that, Ej."
Sumubo uli sya. "I know. But you can stop me from still loving you, not now Sinag."
"Eris, you still have life outside Zk' world. Paulit ulit kong sinasabi sayong pwede namang hindi lang kay Zk iikot ang mundo mo. You're not getting any younger. Find someone."
"At this point, to be honest Sinag. Wala na akong ibang gusto pa kundi ikaw." Kumibit balikat sya. "And I guess, I should wait for you."
"Eris... I don't want to be unfair to you. Wal--"
"Ayokong marinig ang sasabihin mo. Defense mechanism mo lang iyan dahil takot ka nang sumugal. But me, I am willing to take risk over again just to have you this time."
Napasinghot ako. Hinampas ko sya nung tinidor.
"Cause there's no explination. Can't solve equation. It's like you'll love me more than I love myself..."
"Don't cry..." he whispered.
Di ko na halos namalayang napaiyak na pala ako. I hate it. I hate Emoji now and then. Hinawakan nya ang kamay ko. I pouted. Tumitig sya sa mata ko, and I can feel my heart fasten its beats.
"Remember this, Sinag. Kahit may Cristian sa picture, walang makapipigil sa nararamdaman ko para sayo..." he almost breathe that. "I'll stop loving you if an apple grows in the mango tree on the 30th date of February."
"Walang ganun."
"Kaya nga.." hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko. "Hangga't di nangyayari yun. Hindi ako titig sa pagmamahal sayo."
I blinked. "Bakit ngayon lang?" Bulong ko.
"I was asshole back then." He said straight to my eyes. "Tanga na hindi agad nakita to. At ngayon lang nakita ang halaga."
"You're late, Eris Jon."
"Am I?" He asked while cupping my face.
Tumango ako. Kumurap sya at umusog palapit sa akin. Kumabog ng malakas ang puso ko at tila para nalimutan ang paligid dahil sa malalalim nyang mata.
"Am I really late, Sinag?" He huskily asked.
Lumunok ako at binasa ang nanunuyo kong labi. His eyes move from my eyes down to my lips.
"If I'm really late this time. Can you... can you cheat with him and be with me for the meantime... cheat with me." Tunog desperado na sya at hindi ko akalaing manggagaling sa kanya iyon.
"Eris. Ano bang s-sinasabi mo?"
"I'm serious." Mataman nyang sabi.
Unti unting lumapit ang mukha nya sa mukha ko. Nataranta ako pero nang lumapat na ang labi nya, I lost it. I just sighed and let him kissed me fully on my lips.