Chapter 8

2126 Words
Chapter 8 Pagkatapos kong magbihis, busy pa ang anak ko sa paglalaro kaya nagpaalam na ako kay Papa. Nandon na din si Mama, nag uusap sila ni Papa. Nakisuyo nalang ako kay Mama na dalhin yung damit na susuotin ko mamaya. Suot ang maong palda at isang white statement shirt, bitbit ang mga kailangan ay lumabas na ako ng bahay. Papara na sana ako ng tricycle nang may bumusina sa likod ko. Pagharap ko kumakaway si Emoji sakin. "Huwag na." I said. "You're running late. For sure nandon na ang mga tauhan. Come on." Tumunog ang cellphone ko bago ko naisipang lumapit sa sasakyan nya. Agad na pinaandar ni Emoji ang pick up nya. Minutes later nakarating na kami sa Lausingco Hotels. Nga pala, hindi sa mismong main branch ng LH gaganapin ang event. Dito lang sa branch ng Lucena. Kaya paniguradong dadagsain at mas makikilala na ang Lausingco Hotels Lucena Branch. Madami na ngang tao doon nang iparada ni Emoji ang sasakyan nya. "Ikaw na bahala kay Zk mamaya ha. Baka di ko maasikaso." Bilin ko. "Okay. Goodluck." Kumaway na ako sa kanya at dire diretso ang lakad papasok sa loob. I saw Mrs. Verjes ang boss ko with her people. "Sinag! Finally! Ang tagal mo." Salubong nya sa akin. "Sorry Ma'am." Humalik sya sa pisngi ko. "Magstart ka na! Baka kapusin tayo sa oras." I immediately start doing what I should do. Almost three hours ang ginugul namin na oras para sa event na ito. Unang dumating si Emerald doon. She's smirking upon checking out the whole venue. "You know what? I bet Kuya Earl's sweating bullets now." Humarap sa akin si Emerald. "I like what you did to this venue. Ganda." "Thank you." "Anyway, bakit hindi ka pa nag aayos? Nung umalis ako sa bahay, lahat sila hilong talilong na." Tumawa pa sya. "Babagal kasi kumilos, hay naku." "Kailangan kong icheck kung ayos na ba talaga dito." "But I think this is beyond perfect." Hinawakan nya iyong kamay ko. "Come on! I'll do your hair!" "Emerald," pagpipigil ko sa kanya nung makita ko si Mrs. Verjes. "Akong bahala." She even winked. "Tita Verna! Tapos na kayo diba? Can I borrow Sinag na? I'll do her hair." Humarap samin si Mrs. Verjes. "Sure. Pagandahin mo nga iyan Emsi hija at ang plain ng mukha." "Ay wit, Tita! Naging model ito ni Adie!" "Yeah. I heard that. Pero nagtaka ako kay Adie na kumuha ng plain models." "Tita naman po." Mrs. Verjes chuckled. "Just kidding hija. I like you when your plain." "Thank you, Tita. Ako na bahala kay Sinag." Wala na akong nagawa nung hilahin ako ni Emerald sa nirentahan nyang suit. Di masyadong kilala ang Lausingco Hotel dito sa Lucena kasi nga medyo pricey pero I'm sure na worth it naman dahil talagang maganda at maayos ang magiging stay mo dito. Ako na gumawa ng make up ko while Emerald fixed my hair. Seryosong seryoso si Emerald sa ginagawa nya kaya hindi ko maiwasang titigan ang mukha nya mula sa salamin. Mula sa mata pababa ng mukha nya ay walang takang Lausingco ito at girl version ni Eris at Earl. "How did it look?" Kuha ni Emsi sa atensyon ko. "Gusto ko. Salamat." "Nah. Small things." Tumayo na ako at nilapitan ang paper bag ko para sa susuotin kong damit. Semi formal ang theme kaya dress ang akin. It is a black dress with a thin straps. Hapit na hapit sa katawan ko umabot ang haba hanggang gitna ng binti ko. Hindi naman sya mahalay tignan sabi ni Emsi pero para sa akin, ang halay halay nya. Ngumiwi ako at inayos ang buhok ko. Nagalit si Emsi nang makalas at malugay iyon. Kaya iniba nalang nya ang hairstyle. "Ayan! You so sultry." Tinawanan nya iyon. "Stop checking your armpit." "Nakakailang. Wala bang blazer or cardigan?" "Hay naku. Meron dito." Kinuha nya iyon doon sa closet. "Here. If you're not comfortable wear this." Nagpasalamat ako sa kanya at sinuot na iyon. Nang masiguro kong ayos na iyong itsura ko ay kinuha ko na iyong tablet ko. Tumili si Emsi. "Nandito na silaaaa! Dali. Aasarin ko si Kuya Earl!" Hinila na naman nya ako palabas sa mismong venue. Halos malula pa nga ako dahil dagsa na ang mga tao at halatang mga kilalang tao na naman ang bisita ng Lausingco. Iyong iba ay sadyang galing pang Maynila at ibang lugar. "There's Kuya Earl." Humagikhik pa si Emsi sa tabi ko. "Hey Family!" Bumaling samin sin Tita Merlie. Mabilis akong nahila ni Emsi doon. "Late kayo." Ani Emsi. "Anyway, how are you feeling now, Earl Javes?" "I'm cool, fine. Why'd you ask?" Pa-cool na sabi ni Earl. "Weh? Di ka tensed?" "Shut up." Humagikhik na naman si Emsi. "Where's Kuya Ej?" Tapos na akong magmano kina Tita Merlie nang itanong ni Emsi iyon. "Nasa parking na. Sinabay nya sina Aida." Sagot ni Tita. Giniya na sila ng isang attendee sa magiging table sa harapan. Ako naman ay inabangan ang pagpasok ni Mama. Di rin naman nagtagal ay nakita ko na sila. Nakahawak si Mama sa braso ni Kuya habang alalay naman ni Papa si Ate Sappahire. Si Emoji at Zk ang huling pumasok. I smiled when my son saw me. Lumakad na ako palapit sa kanila. "Hey there guys." I greeted them. "Mama!" Agad na inabot ako ni Zk. I went up to him and kiss his cheeks. "Ang gwapo ng baby ko. Huwag lang magaarte mamaya ha. Busy si Mama." "Ang bongga ng event. Never been heard this branch." "Di pa kasi masyadong kilala ang LH sa Lucena." Sagot ni Emoji na titig na titig sakin. Nakita ko pa ngang pinasadahan nya ng tingin ang kabuuanan ko. Tinaasan ko lang ng kilay. A moment passed by, the event started. Pinakita lang muna ang mga naging achievement ng Hotel since then hanggang sa mga pinasahan nito hanggang sa kasalukuyan. Nagbigay ng speech si Tito Elvis for the overwhelming welcome of this hotel. Pinakilala nya si Emoji sa madla bilang Acting CEO ng Hotel. At ang hinihintay ng lahat, ang pagdeklara kay Earl bilang bagong vice president ng hotel. I saw Rain who's clapping her hands happily. Proud na proud ang bruha sa achievement ng boyfriend. Nagkaroon din ng picture taking. Kasali kami nina Mama. Kasali ako noong silang magpipinsan. Basta kasali kami ni Zk lagi. Tuwang tuwa naman ang anak ko sa nakukuhang atensyon sa mga tao. Pagkatapos ay hinanda na ang pagkain. Tumayo ako para icheck ang mga kulang pa. Kampabte naman akong hindi pababayaan ni Eris si Zk. Buti din at tahimik si Zk ngayon at panay lang nakamasid sa paligid nya. Noong magkaroon ako ng break ay tyaka ko lang naalala ang cellphone ko. Halos sumabog ang text at tawag galing kay Cristian. Sinilip ko ang oras at nakita kong pasado alas otso na. Paniguradong nasa trabaho na iyon ngayon. Ako: Sorry. I got busy with the event. Call me when you're free. Tinabi ko na uli yung phone ko sa pouch at nilapit kay Mama. Kompleto ang Lausingco Clan. Kagulo sila sa isang table at ang tinutukso ay si Ramgiorel dahil sa babaeng nagngangalang Vexy. Maging si Zk ay nakikisiksik doon. "Zk." I called for him pero binuhat sya ng isang babae. If I'm not mistaken, si Primrose ito. Ang pinakabunso sa Lausingco. "Primrose, huwag mo nang buhatin si Zk. Mabigat na yan." Pigil ni Shinubo sa kanya. "Gusto nya kasi makigulo, Kuya. Okay lang. I can manage." Bumaling si Primrose sa akin and she waved Zk's hand. Naupo nalang uli ako at pinagmasdan sila doon. "Excuse! Pwede ba akong kumanta?" Si Emerald. Namula yung pisngi nya nang bumaling sa table ng mga pinsan. "This is just a dare. Pinagtulungan na naman ako ng mga Kuya ko." She pouted. Pumalakpak naman si Tito Elvis. "Go ahead, princess." Kumindat si Emerald at tumikhim. "Don't you know that we both belong baby.." Napaayos ako ng upo nang marinig ko ang boses ni Emsi. Hindi na ako magtataka kung bakit reporter yan. Maganda at tama lang ang timbre ng boses nya. "I knew it from the start.. we belong.." Unang pumalakpak si Emoji na sinundan ni Tito Elvis hanggang sa lahat ay pumalakpak na. Pulampula si Emerald na wari ko'y nahiya. Dapat ay sanay na sya dahil humaharap pa nga sya sa camera. "Sinag. Tumutunog iyong cellphone mo." Abot ni Kuya dun sa pouch ko. Dinampot ko iyon at nakitang may tatlong missed call na si Cristian. Binilin ko si Zk kina Kuya bago naglakad palabas sa event hall. Saglit kong pinasadahan ng tingin ang paligid. Madaming tao ngayong gabi. Siguro ay mga turista. Malapit kasi ang Hotel sa sinasabi nilang Kamay ni Hesus, isang sikat na lugar na dinarayo talaga ng mga Turista. Tinipa ko ang number ni Cristian at nilagay na ang earphone ko sa tenga ko. Malamig na hangin ang sumalubong sakin paglabas ko sa may garden doon sa gilid. "Hey.." bati ko nang sagutin na ni Cristian ang tawag. [Facetime nalang tayo baby.] I switch call to facetime. Ngumiti ako hustong makita ko si Cristian sa screen. "You have stubbles. Bakit hindi ka nagseshave?" [Walang gagawa sakin nun. Malayo ka eh.] He pouted kaya natawa ako. [I saw the pictures. How's the event going?] "Tiring. Masakit na ang paa ko." Pinakita ko sa kanya iyong paa ko. "Pero pinagbaon naman ako ni Mama ng slippers." [Uh-huh. I missed you.] "I miss you too. Umuwi ka na kasi." [Sayang ang contract baby. Malapit na to.] Hinalikan nya iyong screen. [I love youuu.] May sumilip na babae sa likod nya. I have no idea who is that. At mukhang nakita ni Cristian, kaya lumingon sya sa likod. [Yes Lindsay? -- tawag na tayo for the meeting.-- okay.] Pinakatitigan ko iyong Lindsay. Nagsusumigaw iyong acent nya kahit tagalog iyong binanggit nya. I don't know but I suddenly feel small. [Baby, mamaya nalang uli ha. Enjoy ka jan and behave always.] "Okay. Behave ka din. Bye." [Iloveyou.] Mabilis nyang sabi na may paghalik pa. "I love you too." I waved my hands before hanging up the call. Tinanggal ko ang earphone ko at pinatong sa gilid ang phone. Hinubad ko din iyong black blazer at agad na tumama ang malamig na hangin sa balat ko. Kumuha din ako ng wetwipes sa pouch ko at pinunas sa mukha ko. Nang gumilid ako ay halos atakihin ako sa puso nang makita ko si Emoji sa gilid na nakatayo at nakahalukipkip pa. Nakasampay sa braso nya ang coat nya at bukas ang na ang tatlong butones ng suit nya and his tie is a mess already. "Ano ba Eris! Nakakagulat ka!" He cleared his throat. "Kanina ka pa jan?" "Yeah. Enough for me to hear the 'I love you too'." Umirap ako at pinagpatuloy ang pagtatanggal ko sa make up ko. Naamoy ko ang perfume nya at naramdamang naupo na sya sa tabi ko. "Bakit mo hinubad yung blazer mo? You're showing too much skin, Sinag." "Why'd you care? Nababanasan na ako eh." "You look sexy." He murmured. Tinapon ko lang basta yung wet wipes at hinarap sya. "Anong ginagawa mo dito?" "Sinundan kita." "And?" "Gusto kitang masolo. Bakit ang daming tanong?" Umangat ang kilay ko. "Well, dapat ang binabantayan mo ay si Zk." Sumandal sya and he slightly spread his thighs. Tumikhim ako. "Our son is having fun already. Aliw na aliw sya kina Emerald." "Ow. Okay." Umayos ako ng upo at tinanaw ang tahimik na langit na puno ng bituin. Maya maya pa ay naramdaman kong umusog si Emoji and his arms wraps on my waist. Doon ako napaharap sa kanya. "Eris, your arms." "Five minutes please.." paos iyong mahina nyang boses. And by this time, I don't know why but I think I got lost in the depths of his eyes. Tulad dati kapag nagkakatitigan kami... Slowly, he grabs my right arm and place it in his chest, near his heart. "Eris, you have to stop doing this." Bulong ko. "We're friends right now because of Zk." "Kung walang Zk ngayon? Friends pa ba tayo?" Hina ng boses nya. I silently gasped when our eyes met. Daming sari saring emosyon ang nabasa ko doon. Umiwas ako ng tingin. "Ewan. Hindi ko masasabi." Emoji slowly kissed my cheeks. Pinigilan ko sya dahil nagsimula na namang magwala ang tanga kong puso. "Eris please... stop." Mahinang sabi ko. Titig na titig sya sa mata ko. "Hindi mo pwedeng sabihin na tigilan ko na itong nararamdaman ko sayo dahil hindi ganun kadali." Sabi nya. Humarap ako sa kanya. He smiled and close his eyes. "Staying in love is a choice, Sinag. Falling in love is risky. I'll risk falling inlove with you until I'm drop." My heart skip a beat. Bakit ngayon lang Eris kung kelan ayoko ng sumugal?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD