Chapter 7

1771 Words
Chapter 7 I woke up with a phone call. Galing kay Cristian. Pupungas pungas pa ako ng sagutin ko ang tawag. "Hello?" [Hi. Did I wake you up? Sorry baby, pagod ako kasi kakauwi lang from work. And I wanted to hear your voice to freshen up my tiring day.] Sinilip ko ang orasan sa side table ko. Past 7 am na din pala. [Baby?] "Ow. Sorry, lutang pa ko kagigising ko lang kasi. Have you eaten already?" [Nagpadeliver na ko. Tinatamad na akong magluto.] "Uhm. Huwag masyado sa fast food ha. Masama yun, drink more water." Uminat ako at sinilip ang katabi ko. Wala nang tao doon, siguro ay nasa labas na yun at kinekwentuhan na si Mama. [Aye aye. I really missed you now.] Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. "Uwi ka na. I need you here right now." Dahil sasabog na ang utak ko kakaisip kay Emoji. [Malapit na. Don't count, magugulat ka nalang na nandyan na ako sa tabi mo. Anyway, how's Zk?] "He's fine. Gusto na din mag aral dahil nakikita iyong ibang bata na kalaro nya." Kumunot ang noo ko nang mula sa kabilang linya ay may tumunog na doorbell. [Who is it? I'm kinda tired now.] Sagot ni Cristian. [May bisita ako baby. Check ko lang kung sino.] "Don't hang up the call." [I won't.] Narinig ko ang kalakas ng paglalakad nya at ang pagbukas ng pinto ng apartment nya. [Lindsay? Hi. Past 10 pm already. Anong atin?] Mas lalong kumunot ang noo ko nang may marinig na pangalan ng babae. Sino naman yung Lindsay na yun? "--Hi. I hope I don't disturb you. Dinalhan kita ng ulam, since pagod ka na nga kanina sa work. Have you eaten already?-- -Hindi pa pero nagpadeliver na ko.- --ow. Atleast tanggapin mo. Masarap yan.-- -Nakakahiya pero salamat.-] "Cristian. Who's that?" [Sige. Kakain ko. Salamat uli.] "Baby." Napatayo ako mula sa kama nang tila parang nalimutan ako ni Cristian. "Cristian, are you still there?" [I'm sorry baby. It was Lindsay co-photographer na pilipina. Nag dala lang ng sobrang ulam daw na niluto nya.] "And?" [Ito na muna kakainin ko. Since I'm really hungry. Wala pa iyong deliver.] "Baka may gayuma yan ha." Di nakatakas ang tunog bitter sa boses ko." Natawa sya. [Grabe Baby. Hindi naman siguro.] "Di natin sure." [Gutom na ko. Kakain na ko ha. Ikaw, mag almusal ka na. Mamaya na yung event sa Lausingco Hotels diba? Paabot mo kay Earl yung congrats ko.] "Sige. Mabulunan ka sana pagkain mo. Bye." Hindi ko na sya inantay pang sumagot. Basta ko nalang pinatay ang tawag. Lindsay, Lindsay. Hmp. Wala akong paki kung kutis amerikana yun. Baka nga hilaw eh. Hindi ko na pinansin iyong sumunod nyang tawag at lumabas na ng kwarto ko. Si Zk ang sumulubong sa akin sa sala kaharap ang mga laruan nya. Tapos umagang umaga, naririnig ko na naman ang pagiingles ng anak ko. Ayan, kakasama na naman kay Earl. Dumiretso ako sa banyo para umihi at maghilamos. Paglabas ko ay dumiretso ako kay Zk at niyakap ang anak ko. Naiinis ako dun sa bisita ni Cristian, mabulunan sana sya sa pagkain. Hmp. "Mama... san papa?" "Anak, kakauwi mo lang kahapon ah. Hinahanap mo na agad iyang magaling mong Papa?" "Dito kanina Papa. Dalang jabe." "Oh? Asan na?" "Wala na. Alis na." Sagot nya sakin bago binalikan ang mga laruan nya. Hinalikan ko lang sya bago tumayo at nagtungo sa kusina. Doon sa lamesa ay may paper bags ng jabe nga. Hay naku, isa pa tong mahilig sa fast food. Nagtimpla ako ng kape ko at nagsimula nang kumain. Hindi ko na hahanapin si Mama dahil nasa kwarto nya lang iyon kaharap iyong makina nya. Si Ate, baka nandyan lang din sa tabi tabi yun. Si Kuya, nasa trabaho nya yun. Matapos kong kumain ay tinambak ko lang dun sa lababo at si ate na ang bahala dun mamaya. Sinet up ko na iyong tablet para sa finishing touches ng event mamaya kay Earl. After lunch kami tutungo doon para ayusin ang venue. Actually tapos na itong lahat kaya nilipat ko na sa tablet para mas madaling dalhin mamaya. Sinilip ko pa nga si Zk at nakitang aliw pa din sya sa paglalaro. Humigop ako sa tasa ng panibagong kape ko bago nagscroll sa tablet. Ilang saglit pa ay may nagbukas ng gate. Mabilis akong napatayo at nakitang si Papa iyong pumapasok sa loob. "Pa!" Sinalubong ko sya. "Aba. Ang ganda ng anak ko. Mukhang nanay na nanay." Ginulo pa ni Papa yung buhok ko matapos kong halikan yung pisngi nya. "Asan ang apo ko?" "Papa!" Sigaw din ni Zk nang makita si Papa. Sinalubong ni Papa iyong anak kong pumapalakpak na. "Ay jusko. Ang bigat na nang bata." Ani Papa. "Mag iilang taon na nga ito?" "Pa-apat na." "Mas nagiging kamukha ni Ej ito. Walang tapon. Aba anak naman," Umirap ako. "Magtaka ka kung si Cristian ang kamukha eh hindi naman yun ang ama ni Zk." Sinundan ko ng tawa iyon. "Isa pa iyan. Hindi sa pag aano, Sinag anak. Pero hindi ko talaga gusto iyang nobyo mo. Tyaka nasa malayo iyan, baka magloko iyan ah." "Naku Pa. Nasuluhan ka lang ni Ej kaya mo nasasabi iyan. Pero mas babaero pa din ang Lausingco." "Pwedeng magbago ang isang tao kapag nahanap na ang magpapatino sa kanya. At kapag nagka-pamilya na." "Weh? Talaga ba Pa?" "Oo man, nak." "Kumain ka na ba? Musta trabaho? Tagal hindi nabisita ah. Yari ka kay Mama." "Ayun nga. May sahod na ako kaya nandito ako ngayon. Idedate ko ang Mama mo." Nagmake face ako. "Pa, tama na ha. Di na kayo mga bata." "Bakit kayo ba ni Ej? Di na din naman kayo mga bata. Tyaka may Zk na involve oh." Binaba ni Papa si Zk sa sahig. "Tyaka ayos na kami ni Mama mo sa magkaibigan." "Oh di ayos na din kami sa pagiging magkaibigan ni Eris. Huwag na nating ipush." Naupo si Papa sa tabi ko. Inabala ko naman ang sarili ko sa tablet. "Pero anak, wala na bang pag asa sa inyo ni Ej?" "Pa! Nakakalimutan mo atang may Cristian na ako. Ayos na din kami sa pagiging magkaibigan." "Nakikita ko ang laki ng pinagbago ni Ej simula noon." "Pa!" I groaned. "Bakit ba lahat ng tao sa paligid ay pinupush kami? Hindi ba pwedeng natutu na ako sa mga pagkakamali at pagiging tanga ko sa kanya? Ayoko ng maiwan uli." "Kalma. Hindi ko kayo pinupush." Umiling ako at tinuyo ang gilid ng mata ko. Nakita iyon ni Papa kaya hinila nya ako at niyakap. Lately, hindi ko maintindihan ang mga kinikilos ni Eris kaya ang ginawa ko, inabal ko ang sarili ko sa paggawa ng plano para sa Event mamaya. Binalewala ko ang mga pa-segway nya dahil ayokong maramdaman uli ito. Isabay pa iyong iba na sinasabing kailangan din ni Zk ng buong pamilya na huwag na daw akong magpabebe. Paano naman ako? Paano naman iyong ayoko ng masaktan? Oo alam kong kailangan ni Zk ng buong pamilya pero ginagawa ko naman ang lahat sa kanya! Kaya ko kahit wala akong asawa. Mas maganda nga iyon at marami kaming nagtutulungan para sa kanya. Hindi na naman kailangang ipakasal pa ako kay Emoji. Ayoko sa mukhang Emoji! "Ayoko ng bumalik sa dati Pa. Ayoko na iyong namamalimos ng pagmamahal sa kanya." Hinimas ni Papa iyong likod ko. "Naiintindihan ko." "Ayoko na Pa. Masaya na naman na ganito diba? Ayos naman kay Eris iyong set up. Hindi ko naman ipinagdadamot ang anak ko sa kanila." "Ssh.. alam ko. Mas mabuting ganito nalang. Ayokong nakikitang nasasaktan ka dahil anak kita." Tumango tango ako at sinubsub ang mukha ko sa dibdib ni Papa. Hindi ako umiyak pero humigit ako ng malalim na hininga. "Okay na ako. Iyong event mamaya. Pumunta ka ha." Pinanlakihan ko pa ng mata iyong papa ko. "May pinadalang mga damit ang Lausingco para sainyo este sa atin pala. Okay?" "Opo. Parang mas matanda ka sakin ah." Umismid ako at tinuon na uli ang atensyon ko sa tablet. Syempre may konting commercial din. Nagbrowse ako sa f*******: at IG ko. Pagkatapos ay pinasadahan ko ng isang check uli ang plano. "Papa!" Nagulat ako ng tumayo si Zk at tumingin sa pinto. Maya maya pa ay pumasok doon si Emoji. Anla, amoy na amoy ng anak ko ang magaling nyang Ama. "Buddy, namiss mo naman agad ako." Nakangisi sya sa akin kaya irap ang inabot nya. Namihasa na naman si Zk na buhat buhat ni Emoji, nalimutan nya nga bigla yung mga laruan nya na nakakalat. "Oh. Nandito pala si Ej." Ani Papa na lumabas sa kusina. "Tito, mano po." "Zk. Ayusin mo iyang kalat mo." "Ayaw." Iling iling pa ni Zk. "Isa. Nagkalat ka na naman." "Mama, ayaw ko." "Bilis na. Liligo na tayo." "Huwag mong panlakihan ng mata." ani Emoji. "Halika na anak. Help ka ni Papa." "Eris, iniispoil mo na naman." Buntong hininga ko. "Hayaan mo na anak. Magkamukha naman yung dalawa." Napatayo na ako. "Kayo ha. Kapag nag inarte yan mamaya, kayo magpatahan jan." tinuhod ko si Emoji kaya halos masubsub sya. Nagawa pa syang tawanan ni Zk. "Liguan mo na yan. Tutal hilig mong iispoil yan. Palibhasa rich kid." Emoji chuckled. "Ang sungit nito. Ako bahala dito sa anak natin mamaya. Gusto mo masahehin pa kita." "Tse!" Nagmartsa na ako papunta sa kwarto ko para kumuha na ng towel at damit. Paglabas ko sa kwarto. Nagkatinginan pa si Papa at Emoji bago sabay na tumawa. "Anong nakakatawa?" "Nak, may tagos ka. Kaya pala ang sungit mo." Agad kong sinilip yung puwitan mo. Shocks, meron nga. "Hala! Wala pa naman akong extrang pad ngayon." Tinaasan ko ng kilay si Emoji. "Hoy! Ibili mo ko ng napkin jan sa tindahan. Sama mo yang anak mo." "Alright. You don't need to shout." Tatawa tawa pa sya. "Hindi nakakatawa ha." Binalingan ko si Papa na halatang nagpipigil din ng tawa. "Pa!" Yamot na yamot akong nagtungo sa banyo. Pisti. Patapos na akong maligo nang kumatok si Emoji. Nakataas ang kilay ko kasi nakasilip pa ang gago. "Akin na! Akala ko natabunan ka pa ng napkin. Tagal mo ha." "Wala man lang thank you? Ang awkward bumili ng ganyan ha. Lalaki ako." I smiled sweetly. "Thank you, Emoji." Binangga ko iyong pinto sa noo nya matapos kong abutin iyong napkin. "Aray ko naman Sinag!" Hinimas nya iyong noo nya. "Sisilip ka pa! Tusukin ko yang mata mo." Ngumisi ba naman habang pikit ang isang mata. "Hindi ko na kailangang sumilip. Nakita ko na yan lahat." Binagsak ko iyong pinto at dinama iyong magkabilang pisngi kong nag iinit. Dameng alam ni Emoji. Nakuuu.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD