Chapter 6

1781 Words
Chapter 6 "Anong sabi mo?" Hysterical kong sabi nang mailapag ko iyong cellphone ko. "Bingi lang, Sinag?" Si Rain na may pagirap pa. "Ikakasal ka na? At kanino? Bakit biglaan?" Titig na titig ako kay Elizabeth. "Hoy! Pinagtitripan nyo ba ako?" "Totoo be." Ngisi pa ni Eli. "Pakita mo kasi. Daliiii." Halata ang excitement sa boses ni Rain. Elizabeth flashed her right hand. Agad na nakita ko ang palasingsingan nya. May bato. "Halaaa! Seryoso?" Tumango tango sya. "Ang busy mo kasi lately. Kaya si Rain unang nakaalam." "Kelan pa? Tyaka kay ano ba?" "Oo no. Last week lang sya nagpropose." Pinagsalikop ko ang mga kamay ko. "Patingin." Titig na titig ako dun sa singsing. Ang simple lang kasi pero halatang halata ang bato. "Sana all binigyan ng singsing." Si Rain. "Eh sinabihan mo na ba ng I love you si Earl? Di pa siguro kaya wala ka pang singsing." "Sinabihan ko na ha!" "Congrats be. Finally, nahanap mo na ang forever mo." Sabi ko nang ngiting ngiti. "Oo nga pala. Nagdesisyon kami ni John na ikaw ang kuning event organizer. G ka ba?" "Oo naman syempre! Pero ikwento mo ang main reason ng pagpapakasal mo." I demand. Well kahit walang kwento papayag talaga akong maging event organizer nila. "Kailangan pa ba nun, Sinag?" Tumawa si Eli. "Okay fine. Buntis ako." "Oh my god! Rain ikaw nalang walang anak sa atin." Turo ko pa kay Rain na inirapan lang ako. "Wit. Ayaw pa namin ni Earl. Tyaka nasa stage palang kami ng pagiging magjowa talaga." "Paano ang pabebe nyo kamo." Si Eli. "Ako pa daw? Sino kaya dito yung pilit sinasabi na wala ng epekto sa kanya si Emoji kahit alam naman nating meron pa? Hmm.." Kinurot ko si Rain. "Hoy. Namemersonal ka na ah." "Wala. I'm just stating the fact!" "Mahal ko si Cristian okay? Balik tayo kay Eli." Wala nang nagawa si Rain kundi umorder nalang. Habang ako ay nagpapakwento kay Eli nang tungkol sa kanila ni John. Naging busy nga kasi ako kay Zk at sa pagmomodelo noon kaya medyo wala akong alam sa kanilang dalawa. Nagbigay na din ako ng idea's para sa magiging reception ng kasal. Bale two months from now ang kasalan. Hindi ko nga maiwasang mapangiti habang nagbibigay din ng idea si Eli. Kasi finally, lalagay na sya sa tahimik. Well, as of Rain alam naman nating matagal ng lumagay sa tahimik yan kay Earl. Secured na ang future nan dahil next week ay opisyal nang gagawing Vice President si Earl ng Lausingco Hotels. Nalaman nga ni Tita Merlie ang tungkol sa pagiging event organizer ko. And she requested for my help. Balita ko din na palaki na nang palaki ang Lausingco Hotels. "Kita nalang tayo next week para sa final desicion." "Sure." Ilang saglit pa ay nakita ko na si John na pumapasok sa restaurant kung nasaan kami. Ngumiti sya at agad na inabot si Eli. Hindi pa halata ang tiyan ni Eli dahil pa-two months palang daw yun. Sabay sabay na kaming lumabas ng restaurant. Halos mapairap ako ng makita ko si Earl na naglalakad palapit din sa amin. Humalik sya kay Rain bago inabot din ang pisngi ko. "Mauuna na kami. Kita kita nalang tayo uli next week." Kaway ni Eli. Humalik kami sa pisngi nya bago namin sya binitawan. "Ikaw, sumabay ka na samin. Nasa bahay si Zk kasama ni Kuya." Kalabit ni Earl sa ilong ko. "Huwag nga iyang ilong ko." "Musta nga pala ang pagtulog sa mansyong kubo ni Lola Yolly?" "Maayos naman. Dumating doon si Emoji." "Tabi kayong natulog?" Makabuluhang sabi ni Earl. "Tabi kaming tatlo. Nasa gitna si Zk." "Ow!" Di ko nalang pinansin iyon. Nag aya na si Rain umuwi matapos bumili ng brownies para sa mga kapatid nya. Sa mansyon ng mga Lausingco kami dumiretso. Pagpasok namin ay natanaw ko agad ang malawak nilang swimming pool dahil nandoon ang anak ko kasama ang magaling nyang Ama. Kitang kita ang labis na pagkamiss ni Zk kay Eris dahil tila ayaw nitong mawala sa paningin nya si Eris. "Papa, dito lang." "Saglit nak, kunin ko lang yung toys mo." "Sup Zk?!" Tawag pansin ni Earl. "To Earl!" Mabilis at may ingat na tumayo si Zk mula sa gilid ng pool at tumakbo palapit kay Earl. Akmang yayakap na sya ng makita ako kaya ang nangyari, lumihis sya at sa akin pumunta. "Mama. Nimiss kita." "Mukhang ang sarap ng swimming ng anak ko ah." Hinawakan ni Zk ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa labi. Ngumiti ako at inulit uli yun. "Baby lika. May bibigay ako sayo." Tinawag ni Rain si Zk. "Rain chocolate yan." "Isa lang naman eh." Tinawag nya uli si Zk pero umiling sya. "Aww. Bakit baby?" "Nagkain na po si Zk ng cholates kanina. Gagalit Papa." "Aww. Pakiss nalang si Tinang." Bumitaw sakin si Zk at yumakap naman kay Rain. "Straw, huwag mo nang abutan ng chocolates ha." Paalala ni Eris. Bumaling sya sa akin at kumindat. Nagmake face ako. Kaso agaw pansin talaga yung dibdib nya. Pigilan mo, Sinag. May ganyan din si Cristian. "Balita? Di mo na ko tinext?" "Dumating kasi si Earl kaya nakisabay na ako." Isang tango ang ginawa nya bago inabot ang towel para punasan ang katawan nya. Lumunok ako at umiwas uli ng tingin. Isipin mo si Cristian, Sinag. Si Cristian lang. "Sinag?" "Ay pusaaa!" Napatili ako sa paghawak ni Emoji sa braso ko. Ang lamig ng kamay nya. "Ano ba! Ang lamig ng kamay mo!" He chuckled. "I'm talking to you pero mukhang natulala ka? Did I lost you again?" Kumurap ako. "Ano ba yun? Pasensya na." "Si Zk, dito daw muna sya tutulog. And he want's you to sleep here too. Pero sabi ko madami kang gagawin buti at hindi na nagtanong pa." "Hindi talaga yun mamimilit at miss na miss ka nun." Sabi ko. "Ako din, miss na miss din kita." "Saan ka nga ba galing? At kelan ka umuwi?" Sunod kong tanong na binalewala ang sinabi nya. "Visayas. Inasikaso ko iyong bagong branch ng Hotel dun. Two weeks lang ako dun at binuro ang sarili sa hotel. The Verdadero Corp wants to invest in our hotel. Pinag isipang mabuti ni Papa iyon pero sa huli sa akin daw ang desisyon." "Hmm.. okay. Mabuti kung ganun. Kilala ko din naman sila na kilala sa kalakaran ng paggawa ng gadgets." "Hoy. Kakain na daw sabi ni Mama. Mamaya na kayo maglambingan." Ani Earl. "Gago Earl!" Sabi naman ni Emoji. Agad kong tinakpan yung bibig nya. "Baka marinig ka ni Zk. Alam mo naman yun, idol ka." "Idol din naman kita boss." "Siraulo." Mabilis nya ding tinakpan yung bibig ko. Sinuway ko lang. "Bakit?" "Wala lang. Baka mahalikan kita uli. Dadagdag ang kasalanan ko kay Cristian." "Eris!" "Halika na. Kakain na." Si Zk at Eris ang panay na nagkukwentuhan sa hapag habang kumakain. Habang si Earl at Tito Elvis ang nag uusap para sa next week. Tungkol sa magiging pagpasa ng Vice President na posisyon kay Earl. Ngising ngisi naman si Rain. "Zk, behave ha. Huwag pupuyatin si Papa mo." Paalala ko kay Zk na binibihisan ko na ngayon. Nandito kami sa kwarto ni Emoji pero sya ay nasa library at may kausap lang saglit. Sumaludo ang anak ko matapos kong lagyan ng diapers. Bumukas ang pinto at nakita ko si Eris na pumasok. "Yes. Remind me that tomorrow. I can't work tonight, kasama ko ang anak ko. Okay yes, thank you Dada." Binaba nya ang tawag. Tumayo na ako at sinakbit ang bag ko at iyong duffle bag namin ni Zk. Madami namang damit iyang si Zk dito kaya hindi na ako namroblema. "Hindi na kailangan ni Zk ng diapers." aniya ng makita si Zk sa playmat. "He needs it. Baka paggising mo bukas naliligo ka na sa ihi ng anak mo." "Tinuruan ko na yang umihi at magsabi kaya tanggalin mo na. Nagkaka-rushes iyang anak mo sa diapers." "Yaan mo nalang muna. Ikaw na magtanggal mamaya. Dahil mamaya ay puno na ng ihi yan sa kalikutan." Sinuot ko na yung sapatos ko. "Uwi na ko. Ikaw ba bahala ha. Painumin mo ng vitamins bago matulog please Eris. Baka sipunin na naman at nagswimming kayo." Sa haba ng sinabi ko. Nakangiti lang sa akin si Emoji. "Hoy." Inihilamos ko ang palad ko sa mukha nya. "Yeah. I know. I just can't help staring at you." Umirap ako. "Sige na. Uwi na ko." "Hatid na kita." Umiling ako. "Huwag na. Diyan lang sa kabilang kanto ang bahay ko." "Okay okay." Tumawa pa sya bago huminto at pumatak ng isang halik sa pisngi ko. "Mag iingat." Pinigilan kong magreact pero ang puso ko, kusang tumibok ng parang tanga. Tumango nalang ako upang mabalewala iyon at lumapit sa anak ko. "Aalis na si Mama. Kiss ko na." Isang malutong na halik ang ginawad ng anak ko sa aking labi bago dinikit ang noo nya sa akin. "Babye Mama. Love Zk." "I love you anak. Behave may papa ha." Tumango tango na naman sya na may pagsaludo pa. Iyon ang natututunan nya kay Bryan at Earl. Pinagbuksan ako ni Emoji ng pinto na may paghimas pa sa baywang ko. Sinamaan ko lang sya ng tingin. "Sinag." "Oh?" Humarap ako nang hustong makalabas na ako ng kwarto. He mouthed the words. "I love you." But I stopped myself. Tumunog ang cellphone ko kaya kumaway na ako kay Eris. Cristian: Nakauwi ka na baby? I just woke up. Magreready lang para sa fashion show shot today. Dire diretso lang ang lakad ko matapos kong magpaalam kina Tita Merlie. At habang naglalakad papunta sa amin ay nakatitig lang ako sa message ni Cristian sa akin. Noong tumapat ako sa gate namin ay humugot ako ng buntong hininga. Ako: Cristian, uwi ka na please... I need you. Sumandal ako sa gate namin matapos kong isend kay Cristian iyon. I need him dahil ayoko nang nararamdaman kong ito kay Emoji. Erase na ito dati pa. Naghilamos at nagpalit lang ako ng pantulog bago humiga sa kama. Cristian: Can't call now. But baby pauwi na ako. Ako'y pauwi na. Hehehe. Malapit na. Wait for me. I love you. I closed my eyes as I recall Eris I love you earlier. I shouldn't be thinking about that. Ako: Please. Uwi ka na ha. Another text came. It came from Emoji. Emoji: Napainom ko na ng gamot. Sunod ay picture ni Zk na nakangiti at nakasaludo. At ang isang picture na sinend nya ay picture nyang nakapikit ang isang mata na halatang nakahiga na sa kama. Habang nakatitig ako sa picture ay nagrambulan na naman ang mg paru paro sa tiyan ko. Binawalan ko dahil mali. Ayan. ayan ka na naman Sinag. Awat na. May Cristian ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD