Chapter 5

1812 Words
Chapter 5 Ako nalang naiwang mag isa sa kama noong magising ako kinabukasan. Uminat ako at tumayo pagkatapos ay niligpit ko ang kama. Humikab pa ako bago pumihit patungo sa banyo. Kaso hindi ko pa nahahawakan ang doorknob ay kusa na iyong bumukas at tumambad sa akin ang matigas na dibdib ni Emoji. He's only wearing a white towel that wraps on his waist. "Loving the view?" Kumurap kurap ako at nagiwas ng tingin. Godshit, at talagang tinitigan mo Sinag? "Alis jan. Maghihilamos ako." Tinabing ko sya kaso mabilis nyang nahuli ang kamay ko. Hinila ako ni Emoji palapit sa kanya. He had that smug face on. "Eris ano ba." "What? Where's my morning kiss?" Napaamang ako sa sinabi nya. Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko pero mabilis akong nakalayo. "Binigyan mo ko ng goodnight kiss kagabi tapos ngayon nagdadamot ka?" "This is not right." Sumeryoso ang mukha nya at hinapit na ang baywang ko palapit sa kanya. "Ano bang sabi ko kagabi?" "Stop it Eris. Irespeto mo naman ang relasyon ko kay Cristian." "Paano ko irerespeto kung alam kong naapektuhan ka pa din ng presensya ko?" Mayabang nyang sabi. He blow my ear before nibbling it. Napaawang ang labi ko bang bumaba ang haplos ng kamay nya sa may puwitan ko. Pero bago pa ako madala ay pinilit ko na syang itulak. Nakangisi ang gago. Tuwang tuwa sa ginagawa nya. Nung tagumpay ko syang natabing ay pumasok ako sa banyo. Kaso napatili ako ng pigilan nya ang tangka kong pagsara ng pinto. "Eris ano ba! Natatae na ako." Sabi ko na tinawanan nya lang. Hinila na naman nya ako kaso nagmatigas na talaga ako. "Isa!" "Isang halik lang naman talaga." "Eris!" Tili ko na talaga kasi nakapasok na sya sa banyo. Humapit ang kamay nya sa baywang ko at handa na sana nya akong halikan kundi lang ako umutot. Huminto sya at napatawa. "Nangyari na to dati ah. Iyang utot mo." Umirap ako at tinulak sya. Pero ang gago sinandal pa ako sa malamig na tiles ng banyo. "Eris! Isa!" "Dalawa... tatlo..." mahina nyang bulong sa gahibla naming labi. Umiling iling ako. Konti nalang at mararamdaman ko na ang labi nya kaya lang agad na pumitik ang utak ko. Si Cristian. Lumihis ang labi nya sa pisngi ko at sa noo. "Good Morning.." "Hindi nakakatuwa Emoji." "I know. But I really wanted to kiss you right now." Di ko na sya pinansin at naghilamos at toothbrush na. Nakatayo lang sya sa gilid ko at nakamasid. "Nasan ang anak mo?" Tanong ko sa kanya. Lumabas na ako sa banyo, sumunod naman sya. Amoy na amoy ang minty nyang shower gel. "Maagang hiniram ni Lola. Siguro pinapakain na yun ngayon." "Eris!" Tili ko na naman at mabilis na pumihit patalikod. Paano ba naman, walang sabi sabi na hinubad ang towel. Nakita ko tuloy yung puwit nyang mas maputi pa sa kili kili ko. He chuckled. "What now? Bakit ba nakatalikod ka? Para kang bago ng bago ah." "Lalabas na ko. Bahala ka na jan." Bago ko tuluyang maisara ang pinto ay rinig ko pa ang paghalakhak nya. Nakakainis na Emoji ha! Pababa palang ako sa hagdan ay naririnig ko na ang paghagikhik ni Zk. Halata mong sanay na sanay ang anak ko dito. "Taya si Zk! Ah taya!" "Daya. Ayaw Zk." "Hindi pwede. Ikaw ang taya." I paused and watch my son run around inside this bahay kubo. Di ko kilala mga kalaro nya pero siguro anak ng mga kasama ni Lola Yolly dito sa bahay. "Mama!" Napahinto sya nung napansin nya akong nakatitig sa kanya. Kita ko ang ginawa nyang pagpapaalam sa mga kalaro bago tumakbo palapit sakin. I smiled and bend my knees to catch him. "Good Morning Mama!" Aniya matapos halikan ang magkabila kong pisngi. "Masaya ako Mama. Nandito na si Papa." "Good Morning buddy." I heard Emoji's voice. Zk jumped in glee. "Morning Papa!" Inisang buhatan ni Emoji si Zk na ngiting ngiti ngayon. "San si Lola?" "Garden." "Kumain ka na ba, anak?" I cares his cheeks. "Opo Ma. Dame akong kain, busog tummy ko." Sagot nya habang hinihimas ang tiyan nya. "Magplay Zk. Magplay." "Oh! Go ahead anak. Kakain lang kaming breakfast ni Mama." Ngumisi iyong anak ko bago bumalik sa mga kalaro nya. Hinawakan naman ni Emoji ang baywang ko at hinila na ako papunta sa kusina. Kinurot ko ang tagiliran nya. Ang gago, nagmoan ba naman. "Huwag kang tumawa. Naiinis ako." Irap ko sabay lapit dun sa malaking lamesa. "Bakit ang sungit mo?" "Bakit ang gago mo?" Balik na tanong ko. Tumikhim sya at sumeryoso. "Hindi porke hinalikan kita kagabi ay gago na." "Kumain ka na nga baka maitarak ko sa dibdib mo yang mga kutsilyo dito." "Sinag.." Naputol ang dapat sasabihin nya ng pumasok ang dalawang kasambahay. "Ay. Iinitin ko lang po iyong mga ulam." Ani Ate Marites. "Huwag na po. Pahingi nalang pong kape." Sabi naman ni Emoji. Tumango si Ate Marites, inutusan nya si Jesusa na alisin na ang mga tapik ng ulam sa lamesa. "Ikaw po, Ma'am Sinag? Kape po." "Kape po ng may creamer. Salamat po." Tahimik akong naupo sa dinning table doon. Tumabi naman si Emoji sakin at hinayaan ko nalang. Kasalukuyan kaming kumakain nang pumasok si Lola sa dinning. "La, kain po." Alok ni Emoji. "Di. Ayos na ako. Iinom lang akong tubig." Pinanuod ko syang magsalin sa baso at ininum iyon. Maya maya pa ay... "Napag usapan nyo na bang kung kailan kayo magpapakasal?" Tila parang mabilis na bumara iyong kinakain ko sa lalamunan ko nang marinig ko iyong sinabi ni Lola. Mabilis din naman akong naabutan ni Eris ng tubig, hinimas nya din iyong likod ko. "Lola naman. Maghinay hinay ka nga." Tinaasan kami ng kilay ni Lola Yolly. "Aba! wala akong pakialam kahit mabulunan kayo jan. Ang sa akin lang bilis bilisan nyo na ha. Ayokong lumaki pa si Zk na hindi kayo kasal." Binaba ko ang kutsara't tinidor at hinarap si Lola. Iintindihin ko nalang at matanda na ito. "Lola nasabi ko na namam po na may nobyo po ako kaya po hindi pwede iyang gusto nyo po." "Diba't sabi ko din na hiwalayan mo iyang nobyo mo? Aba, ano bang wala sa apo ko na meron iyang nobyo mo?" Seryosong seryoso si Lola. "Mahal ko po si Cristian, Lola." Matagal tumitig si Lola sa akin bago sya nagbuntong hininga. "Zk! Apo ko, uminom ka ng tubig kanina ka pa takbo ng takbo." Sigaw nalang nya sa anak ko. Pinisil ni Emoji iyong hita ko kaya napatingin ako sa kanya. "Pasensya ka na kay Lola. Huwag mo nalang isipin iyong pagpipilit nyang ipakasal tayo." "Naiintindihan ko. Matanda na din kasi si Lola." Ngumiti sya pero sa tingin ko hindi umabot sa mata ang ngiting iyon. "Alam nating lahat na mahal mo si Cristian pero pwede bang kapag kasama mo ko, huwag mong banggitin?" Aniya. "B-bakit?" Kumabog ng mabilis iyong puso ko nang magsalubong ang paningin namin. "Nasasaktan ako." Walang abog nyang sabi. Nakagat ko ang ibabang labi ko at umiwas ng tingin sa kanya. Nasasaktan sya? Nasaktan din naman ako dati pero may Cristian na ako ngayon. "Mama, subo." Hila ni Zk sa damit ko. "Halika, dito ka kay Papa." Inupo ni Eris si Zk sa kandungan nya. "Nasan na mga kalaro mo?" "Alis na." Pinagpatuloy ko ang pagkain nang mapasulyap ako kay Lola Yolly. Titig na titig sya sa amin bago sya ngumiti sakin. "Lola, kain ka na po uli." "Sige lang. Papanuodin ko lang kayo." Malamyos nyang sabi. Pinunasan ko ang gilid ng bibig ni Zk. ** Bandang tanghalian nang kinailangan na naming umalis dahil tambak na ang trabaho ko. Nangako nalang kaming babalik sa weekends para makitulog uli. Ang higpit ng yakap ni Lola Yolly kay Zk bago nya ito inabot kay Eris. Si Eris din ay niyakap nya sabay hinalikan sa noo na may pagtapik pa sa likod. "Balik kayo ng apo ko dito ha." Ani Lola sa akin. Nagmano na ako sa kanya pero niyakap nya din ako. "Huwag mong masyadong saktan ang apo ko. Mahal ka niyan." Bulong ni Lola sa akin sabay halik sa pisngi ko. "Lola... salamat po." "Mag iingat kayo. Ej ang pagmamaneho ha." Sumaludo si Eris sa Lola nya na ginaya ni Zk kaya natawa si Lola Yolly. Buhat ni Emoji si Zk at ako na ang nagbuhat ng mga gamit namin. Nilagak ko iyon sa back seat at inabot na ang anak ko para sabay kaming maupo sa passenger seat. "Eris, una na muna kayo ni Zk sa bahay o sa inyo na muna sya." "Bakit? San ka pupunta?" "Kikitain ko lang sina Rain at Elizabeth sa mall." "Anong meron?" "Kasi may sasabihin daw sila. Tyaka pareho pareho kaming libre ngayon kaya sasamantalahin ko na to." He nodded. "Okay," "Idaan nyo nalang ako sa mall." Nagpaalam ako ng maayos kay Zk na panay ang tango. Gulat nga ako na hindi sya nagalburuto ngayon. Siguro naisip din ng anak ko na kasama naman nya ang papa nya kaya ayos lang na iwan ko sya. "Text mo ko mamaya kung magpapasundo ka." Sabi ni Emoji. "Huwag na. Solohin mo at bumawi ka sa anak mo ngayon." Ngumiti ako at inabot na si Zk para halikan. Pag angat ko ay natawa ako dahil ang gago nakanguso din. "Mama kiss din Papa." "Mag iingat kayo." Sinecure ko na ang seatbelt ni Zk bago sinaraduhan ang pinto. Panay pa ang kaway ng anak ko sa akin bago tuluyang lumayo ang pick up ni Emoji. Bago ako pumihit papasok sa mall ay tumunog ang cellphone ko. I automatically smiled when Cristian's name appeared on my screen. Bumuntong hininga ako at sinagot iyong tawag. "Hey.." [Hey baby, I miss you. Musta?] "I'm fine. Ikaw? Musta work?" [The ussual. Gusto ko na umuwi.] natawa ako sa ungot nya. [Nasan ka?] "Mall. May date kami nin Rain." [Kayong tatlo?] "Yep." Kinawayan ko na yung dalawa nang makapasok ako sa mall. "Actually nandito na sila." "Sino yan?" Tanong ni Rain matapos kong halikan ang pisngi nila. "Cristian. Mag-hi nga kayo." Tinapat ko iyong phone sa kanilang dalawa. "Hi Cristian!" Sabay na bati nung dalawa. Tumatawang Cristian ang narinig ko pagbalik ko nung phone sa tenga ko. [Sige na. Gonna call you back later. Baka makaistorbo ako sa date.] "Okay. Pahinga ka na muna." [Love you baby.] I was about to answered nang kusang maputol ang tawag. Siguro ay naputol ang signal. Tinext ko nalang iyong sagot ko sa kanya. Isang text ang dumating. I was all smile kasi akala ko si Cristian yung sumagot pero galing kay Emoji iyon. Emoji: Bahay na kami ni Zk. Text me later. May sumunod pa uling text na galing kay Cristian. Cristian: Behave baby okay? I don't know why but palaging ganyan ang text ni Cristian lately. Di ko alam kung duda ba o tamang duda talaga sya. Ako: Okay. Behave ka din. Update me always.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD