Chapter 4

1743 Words
Chapter 4 Tinapik tapik ko pa ang binti ni Zk habang pinagmamasdang natutulog nang mahimbing ang anak ko. Pasado alas nuebe na din sya binitawan ni Lola Yolly dahil halatang aliw na aliw si Lola sa anak ko. Buti at hindi nagliligalig ito ngayon at hindi na din hinanap si Emoji. Niyakap ko ng mahigpit si Zk bago ko binitawan. Pumayag nga pala si Mama na dito muna kami matutulog ni Zk sa mansyon ni Lola. Buti at nadala ko iyong ipod ko kaya bago matulog ay aayusin ko muna iyong schedule ng dalawang wedding ngayong buwan. Matapos kong kumuha ng tasa ng kape ay pinili kong maupo sa sala. Kaso nakaramdam ako ng hiya noong dumaan iyong mayordoma ni Lola. Kaya ang ending sa may labas nalang ako at binuksan ko ang ilaw doon. Humihip ang sariwang hangin dahilan para mayakap ko ang sarili ko. Nagsimula na din agad ako sa pagaasikaso habang sumisimsim sa kape. Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng busina. Inangat ko yung ulo ko at inaninag ang kung sino ang nasa labas. Bumukas ang gate at nakita ko ang isang bulto ng tao. Not sure kung sino kaya agad akong napatayo. Kinabahan ako ngunit nang makilala ko ang sasakyan ay doon lang na parang nabunutan ako ng tinik dahil pick up ni Emoji iyong pumapasok sa grahe. Iniwan ko ang mga gamit ko sa lamesang kahoy at lumapit sa gate para ako na ang magsara niyon. Pagbaba nya ng sasakyan ay nagulat syang makita akong nakatingin sa kanya. I smiled then he smiled back too. "Akala ko umuwi na kayo." Aniya. "Ayaw ni Lola mag isa ngayong gabi." He nodded. "And you already met my grandmother. Was she rude?" Pinindot nya yung lock nung sasakyan nya. "At first, pero siguro ganun lang talaga sya." Sagot ko sabay tawa. "How's your day?" "Need I to explain myself? I saw your bunch of texts." "Yeah, i think you need to explain yourself. Zk's been looking for you." Ngumiti sya bago nilahad ang lamesa kung saan ako nakaupo kanina. "So? Can we take a seat and talk. You know, I kinda miss you." Napailing nalang ako. Kaagad na may sumipang kung ano sa dibdib ko na pinili ko nalang ibalewala. Lumakad ako palapit doon sa may lamesa at naupo. Nang balingan ko syang nanatili syang nakatayo doon at mariing nakatitig sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay. He smiled before sitting next to me. Kumurap kurap ako nang hindi maalis ang ginawa nyang paninitig sa akin. Tumikhim ako. "So? Kelan ka pa nakauwi?" "Last week.." paos nyang sagot. "Gusto ko lang makita kung mamimiss m ko. And I guess you missed me. You sent me bunch of texts" "Si Zk ang iniisip ko." Pailalim nya akong tiningnan. "You didn't missed my presence?" "No." Mabilis kong sagot pero ang puso ko. Parang gusto nang kumawala. "Si Zk ang mas naka-miss sayo." "Stop draging our son here. Alam kong namiss nya ko. But I am asking you right now, Sinag." Paos na paos na ang boses nya. "Why do you have to ask me that?" "Because I missed you." My phone rang. Mabilis kong dinampot yun at nakitang si Cristian ang tumatawag. Tumayo ako pero agad na nahawakan ni Eris yung kamay ko. "Di pa tayo tapos mag usap." "Saglit lang." Kinalas ko ang kamay nya sakin. I hurriedly answered the call. Isang buntong hininga ang narinig ko sa kabila. "Hey.." [Did I wake you up?] "Hindi naman. May ginagawa lang ako." Sumulyap ako sa pwesto ni Emoji. Nakatitig lang sya sa akin. "I think kagigising mo lang? Kumain ka na ba?" [I'm cooking already. Matulog ka na. Don't stress yourself okay? I love you.] I smiled. "Okay. I love you." Cristian hang up the call. Pumihit ako paharap at bumalik sa pwesto ko. "Marami kang utang sa anak mo. Bilang ng bilang yun ng araw." "Where is he?" "Asleep. Hindi ko naman kasi alam na dito ka pala dumidiretso." "Nagpapamiss nga ako kaya dito muna ako kay Lola." Aniya. "Kaso baka umuwi na din ako sa mansyon at pinipilit ako ni Lola sa isang bagay na hindi pwede." "Kumain ka na ba? Gusto mong ipaginit kita ng pagkain? Nagluto si Lola ng maja kanina binigyan nya sina Ramgiorel at Vexy." "I want some maja. Thank you." Tumango ako. "Doon nalang tayo sa kusina." Binitbit ko na iyong ipod at tasa papasok. Sumulyap ako sa kanya at nakitang tahimik lang syang nakasunod sa akin. Nang makarating ng kusina ay binuhay nya ang mga ilaw. Dumiretso naman ako sa ref at kinuha ang tirang maja kanina at nilagay sa microwave oven. After mainit ay inabot ko sa kanya iyon. Pinagtimpla ko na din sya ng juice. And I know habang gumagalaw ako ay pinapanuod nya ako. "You look stressed." Puna ko. "Gawa siguro ng trabaho." Sagot nya. "Medyo may iniwang problema si Earl sa Hotel nagalit si Papa, ako na naman ang nadale." "What happened to Earl?" "Malay dun. Baka nageemote lang." Kibit balikat nya pa. Tumango ako at binigyang pansin ang ipod ko. Medyo bumagal ang data ko kaya nahirapan ako sa pagloading nung isang message. "May wifi dito ah." ani Eris. "May password naman." Natawa sya at inabot iyong ipod ko. "Amina. Baka ayaw ka pa-connectin ni Lola." Natawa pa sya uli habang sinasabi yun. "Ang damot din kasi minsan ni Lola." Tinipa nya ang password sa ipad ko bago binalik sakin. "Thank you, Eris." I got busy with what I'm doing. Kundi ko pa lilingunin si Eris, di ko pa makikitang tulog na sya sa tabi ko at ubos na ang maja. He's sleeping peacefully and I think he's also snoring. Automatikong napangiti ako habang nakatitig sa kanya. Mukhang mabait ang isang to kapag tulog, and from this side of him.. mas naging kamukha sya ni Zk. Xerox copy. Saglit ko lang syang natitigan pero iyong mga paru paru sa tiyan ko, tila parang nagparty na. I tried to ignore it kasi hindi na pwede. I should not consider this anymore. Tapos na ko sa part na nagpakatanga ako once kay Emoji. May mga bagay na kapag alam kong hindi na pwede, dapat ko nang bitawan. Kasi the more na ipipilit, the more na masasaktan both side. "Nandito na pala si Ej." Nasapo ko ang dibdib ko nang marinig ko ang boses ni Lola Yolly. Shemay! Nagulat ako dun ah. "Anong oras dumating yan?" Tanong pa uli ni Lola hustong makalapit sya. "Around ten pm po." "At hinayaan mo lang jan matulog?" Ayan na naman. Nagtataray na naman si Lola. "Pinakain ko po kasi muna. Tapos di ko po napansin na nakatulog na." "Ihatid mo na sa kwarto iyan para maayos na ang pagtulog. Ako nang bahala dito." Napatango ako agad sa sinabi ni Lola at tinapik ng marahan ang pisngi ni Emoji. "Eris.." I whispered. Kaso nanlaki iyong mata ko ng sapukin ni Lola Yolly si Eris. Ayan tuloy, mabilis na napabalikwas si Eris ng tayo. "s**t! Anong meron?" "Ej, sa kwarto ka na matulog." Lumukot ang mukha ni Emoji nang makita ang Lola nya at paniguradong alam nyang si Lola din ang sumapok sa kanya. "Halika na para maayos na ang pagtulog mo." Hinawakan ko na sya sa braso nya. "Humayo kayo at magpakarami. Nais na ni Zk magkaroon ng kalaro." "Lola naman." Suway ni Eris sa Lola nyang nakangisi habang naghahalo ng gatas. Umiling sya at naglakad na kasunod ako. Ilang hakbang ay binagalan nya nang maalala na nakahawak nga pala ako sa kanya. "Sa guest room kayo matutulog? Hindi ba sinabi ni Lola na may sarili akong kwarto?" "Dito ko kasi mas piniling magpahinga. Yaan mo na, madaming guest room dito." Pagpasok namin sa kwarto ay agad na bumungad sa amin si Zk na mahimbing na ang tulog. Bukas ang aircon kaya panatag akong hindi ito pagpapawisan. Eris immediately went up to Zk and softly kissed Zk's cheeks. "I'm sorry sa pagsapok ni Lola sayo. Tinatapik kasi kita pero hindi ako handa sa gagawin nya." Tumayo sya at hinubad ang sapatos. "It's alright. I'm used to it." "Teka!" Napapikit ako sa biglaan nyang paghubad sa polo nya. "Bakit n-naghuhubad ka?" "I'm preparing for sleep." "Sa.." nagmulat ako. I stop myself from gasping nang bumugad na ang mala-machete nyang katawan. "S-sa kwarto m-mo ikaw." Ngumisi sya. Siguro dahil sa paguutal ko. s**t naman Sinag, bakit ka kasi nauutal? Para namang hindi ka na sanay sa katawan ni Eris? "Hindi ba ako pwede dito?" "Eris." "Gusto ko kayong katabi." I blinked. Bakit ba ang kulit nitong Emoji na to ngayon? Bago pa ako makasagot ay dumapa na si Eris sa tabi ni Zk wearing only his boxer shorts. I took a deep sighed. Hayae na nga. Dala ang ipad ay muli akong naupo sa sofa na nandoon. I started working again. Kaso hindi pa nag iinit ang puwit ko sa sofa ay may umagaw ng ipad ko, ni-lock iyon at mabilis akong binuhat sa bisig nya. Agad din akong napahawak sa leegan nya sa bilis ng kilos nya. "Eris... I'm working." Dahan dahan nya akong hiniga sa kama. His eyes never leave mine. "Past twelve na. You should be sleeping, okay?" Paos na ang boses nya. Lumunok ako at tumango. Maingat kong inalis ang mga braso kong nakapulupot sa kanya. At bago nya ako tuluyang bitawan, naramdaman ko ang halik nya sa noo ko. I bit my lower lip to stop me from reacting. God! Sa mga oras na to, pakiramdam ko nagtataksil ako kay Cristian kaya dapat kong pigilan ang sarili kong magreact ng magreact sa mga ginagawa ng Emoji na to. "Sleep well.." Ako na mismo ang lumayo sa kanya dahil baka makagawa na talaga ako ng kasalanan. Think Sinag, may Cristian ka na. Tama na. Pinanuod ko ang muli nyang pagdapa sa kabilang side ni Zk. He smiled at me, ngumiti nalang din ako ng tipid at pumikit na. Kaso maya maya pa ay naramdaman ko ang paggalaw nya, bago pa ako makamulat ay naramdaman ko ng mabilis ang pagdampi ng labi nya sa labi ko. Agaran ang ginawa kong pagmulat. Sumalubong ang malalim nyang pagtitig sakin. "Anong ginawa mo Eris?" "I kissed you?" Nakataas ang kilay nya. "Di mo dapat ginawa yun!" Gigil kong bulong. Kumibit sya at bumalik sa pwesto nya. "Sa tingin mo ba iisipin ko pa ang iisipin ni Cristian? Wala naman sya dito kaya ako muna. Akin ka muna." Seryoso nyang sabi. Napaamang ako. Okay? Did I heard him right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD