Chapter 3

2183 Words
Chapter 3 "Mama," I heard Zk's soft voice near me. Sinarado ko ang laptop ko at nilingon ang anak kong may dalang feeding bottle while pouting his cute lips. "Yes anak? Anong gusto?" Lumakad sya palapit sa akin at agad na kinawit ang kaliwang braso sa leegan ko. I smiled and kissed his cheeks. "Gusto ko papa." I sighed. Heto na naman kaming dalawa. One week from now, nagpaalam si Eris Jon na mawawala sya ng one week daw para sa opening ng isa pang branch ng Lausingco Hotels sa Visayas. I don't know what's the exact place is, pero ayun miss na miss na sya agad ni Zk. Lalo na't hindi na nagpaalam ng personal si Eris dahil alam nyang magliligalig ang anak nya kapag ginawa nya iyon. "Nak, wala pa si Papa. Baka mga bukas pa, or sa susunod na bukas?" Ngumiti ako matapos kong ayusin ang buhok nya. "Nagcount na po ako ng three pero wala pa papa." Sinubsob na talaga ni Zk ang mukha nya sa leegan ko. "Gusto ko Papa, Mama." Sinulyapan ko ang laptop ko at inayos ang pagkakaupo ni Zk sa kandungan ko. "Susubukan nating i-video call si Papa ha?" At isa pa pala yun. Hindi ko ma-contact si Eris Jon nitong lumipas na araw. Almost three weeks na din simula ng huli kaming magkausap dahil nirequest ng anak nya. You do know that Eris Jon will drop everything for Zk. Tumango tango si Zk bago sinubo muli ang tsupon at tahimik na pinanuod ang pagtitipa ko sa laptop. I'm silently praying that Eris Jon is online kasi kung hindi, hindi ko na alam paano pa ieexplain sa anak ko ito. Kitang kita pa naman ang labis na pagkamiss nito sa tatay nya. And i was looking at my son. Nakakunot ang noo nyang nakatitig sa screen ng laptop. I can't help it but to smile. Seems like he really have Eris Jon looks. Kuhang kuha lahat, huwag lang sana ang pagiging babaero. But I doubt. Playboy runs in Lausingco's blood. Anyway, unfortunately... Eris is not online. Kitang kita ko ang ginawang pagtitig ni Zk sa screen. Maybe he's hoping that Eris is online. Naku Eris, sinasabi ko sayo magtatampo talaga tong anak mo sayo. "Baby, siguro busy pa si Papa sa pagsave ng world." "But.. gusto ko Papa." Nangilid ang luha sa gilid ng mata nya. "Ssh.. what do you want? Bibili tayo." Umiling sya sabay subsub sa akin. He even sobbed. "I want Papa.." mahina nyang sabi. Napakamot ako sa kilay ko. God Eris. I wanted to hate you right now! Bakit kasi sinanay mo si Zk sa presensya mo? Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone ko. Zk immediately lift his head up. Dinampot ko ang cellphone at sinilip ang tumatawag. I almost choked when I read Tito Elvis name appeared in the screen. "Papa!" Maligayang sabi ni Zk. "Hindi si Papito ito anak." I signaled him to keep his mouth shout. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag. Titig na titig na naman ang anak ko sa akin. [Sinag, hija.] "Hello po, Tito. Ano pong meron?" [May ginagawa ka ba? Pwede ba kayong sumama sa Domoit ngayon? Gusto kasing makita ni Mama si Zk.] "Wala naman po. Sige, Tito. Mag aayos lang po kami ni Zk." [Salamat. Daanan nalang namin kayo jan ni Tita Merlie mo.] "Sige po. Ingat." Pagkababa ko ng tawag ay agad kong binalingan si Zk. Kinurot ko ang pisngi nya. "Aalis tayo. Stand up na." "Punta papa?" "Nope. Pero si Papito at Mamita ang kasama natin. Let's go." Binihisan ko si Zk at pinaupo sa kama habang inaayos ko iyong bag ko. Nagpaalam na din ako kay Mama na sasamahan lang muna iyong mag asawa sa Domoit. Saktong dumating si Tito at Tita. Natuwa si Zk at agad na sumama doon sa mag asawa. Hinayaan kong tumabi si Zk kay Tita Merlie sa unahan at tahimik akong naupo sa likod. Dumaldal ang anak ko at panay na nagkekwento sa Papito at Mamita nya. Tila parang nalimutan nyang namimiss nya ang Papa nya pansamantala. Isa pa yun. Pinigilan ko din ang sarili kong itanong kung anong balita kay Eris Jon at hindi sya ma-contact lately. Pinabayaan ko nalang iyon dahil nakikita ko namang masaya na ang anak ko. Kaso nang pumasok na kami sa subdivison ay inusbungan na ako ng kaba. Sabi ni Tito Elvis, pupuntahan daw namin ang Nanay nya. Kilalang tao si Yolanda Lausingco. At minsan na din syang napadaan sa Lausingco Hotels noong kasagsagan ng ojt ko noon. Huminto kami sa pulang gate kung saan may malawak na lupain doon at sa gitna ay isang malaking bahay na gawa sa kubo. Hinayaan kong buhat ni Tita Merlie si Zk dahil dinama ko ang paghampas ng sariwang hangin. Ang aliwalas ng paligid, ang sarap sa matang titigan. Di ko akalaing may ganitong bahay sa kaloob looban ng isang subdivision. "Elvis!" Isang matandang babae na nakasuot ng neon pink na pang-sports wear, na i think terno. Naka-braid pa ang buhok nya. Kumakaway syang tumakbo, nakangiti naman si Tito Elvis na sinalubong ang matanda. "Ang tagal nyo. Kanina ko pa kayo hinihintay." Ani ng matanda. "Asan na iyong apo ko sa tuhod?" "Ma." Tawag pansin ni Tita Merlie. Doon napabaling si Yolanda Lausingco kay Tita Merlie kung saan nakayakap ang anak ko. "Merlie. Ito na ba ang apo ko sa tuhod? Ay namiss ko ito." Hinawakan ng matanda si Zk sa pisngi at hinalikan sa noo. "Lola Yoy." Ngumiti si Zk at niyakap si Lola Yolly. "Apple." "Like ni Lola ang Apple, apo." "Mama.." baling ni Zk sa akin sabay turo kay Lola. "Lola Yoy." Napaayos ako ng tayo dahil sa ginawang pagtitig ni Lola Yolly sakin. I even cleared my throat. Halata naman na kasing kilala na sya ni Zk dahil marahil ay bumibisita sila ni Emoji dito. "Magandang umaga po, Lola." Lumapit ako at nagmano. Thankful naman ako na hindi nya pinagkait iyon sakin thou feeling ko ang sama ng tingin nya sa akin. "Sinag, hija?" Tumango ako. "Opo, La." "Kailan nyo balak magpakasal ni Ej?" Tanong nya habang nakataas ang kilay. Buti nalang kamo wala akong iniinom kundi baka nasamid na ako nito. Kumurap kurap ako at hinintay na bawiin iyong sinabi ni Lola or sabihing joke lang pero seryoso pa din ang mukha nyang nakatingin sa akin. "Ah, Ma. Tara na sa loob, baka nagugutom na si Zk." Biglang singit ni Tito Elvis. Hihinga na sana ako ng malalim kaso... "Mauna na kayo sa loob at kumain. Nagpahanda na ako doon. Maiwan na muna si Sinag at mag uusap lang kami." Sa tono ng boses ni Lola feeling ko wala akong karapatang magreklamo. Sya na din mismo ang kumuha ng bag na dala ko at inabot kay Tito Elvis. "Sabay sabay na tayo ku--" "Sige na. Ayokong nagugutom ang apo ko." Ani Lola Yolly bago humawak sa braso ko. Lihim akong napalunok. Wala nang nagawa yung mag asawa kasi nagkakawag na si Zk at tinuturo ang loob. "Dito na tayo sa teresa." Giniya ako ni Lola doon. Nang makatapat kami sa teresa ay humampas na naman ang sariwang hangin doon. Kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. "Sinag..." "Po, Lola." "Uulitin ko ang tanong ko kanina," aniya. "Kailan nyo balak magpakasal ni Ej? Hindi nyo man lang ba bibigyan ng buong pamilya si Zk?" "Lola, wala naman po kaming relasyon ni Eris." "Wala kayong relasyon pero nabuo si Zk?" Napailing pa sya. "Mga kabataan nga naman." Yumuko ako. "Lumalaki na si Zk. Sooner or later, magtatanong na yan." "Alam ko po, Lola." "Oh eh bakit nga hindi nyo pa planuhin ang kasal? Alam mo bang tuwing bibisita si Ej at Zk dito ay inuulan ko din ng tanong si Ej tungkol jan. Buti at naisama ka ni Elvis, matagal na din kitang gustong makausap." "Lola, maayos naman po ang set up namin ni Eris." Ngumiti ako ng hilaw. Umirap si Lola sa akin. "Maayos bagang. May Zk na involve dito." "Lola, may nobyo po kasi ako kaya po hindi pwede." "Aba'y maharot ka! May anak kayo ni Ej tapos may nobyo ka? Aba! Hiwalayan mo yan ha!" Nanlaki ang mata ko sa dire diretsong sabi ni Lola Yolly. "Lola naman! Hindi po ganun kadali ang lahat." "Madali yun. Syempre sa apo ko ako. Hiwalayan mo iyang nobyo mo ha. Kailangan nyong makasal ni Ej. Pwede ba isipin mo ang anak nyo." Napasapo na ako sa noo ko. "Lola Yolly." "Huwag mo akong ma-lola lola jan. Sinag ha!" "Ayoko pong pakasalan si Eris." Tuluyan na syang umirap sa akin at iniwan akong mag isa sa teresa. Napabuntong hininga nalang ako. Matanda na yun Sinag, intindihin mo nalang. Sumunod din naman ako agad sa loob kaso isang irap na naman ang natanggap ko kay Lola Yolly. Napanguso nalang ako. Hindi ko kasi inexpect na ganito ang magiging unang pagkikita namin, although nagkakasalubong kami at nakikita ko naman sya dati pero iba to. Iba tong nalaman na nyang ako ang nanay ni Zk. Tahimik sa hapag, hindi pala tahimik dahil nag uusap si Zk at Lola na parang nagkakaintindihan talaga silang dalawa. Matapos ay ako na ang nagligpit ng mga kinainan namin. "Mama, matutulog na muna kami ni Merlie sa itaas." Ani Tito Elvis. "Sinag, kung may kailangan ka, kumatok ka nalang ha." "Opo, tito." Nang mawala sa paningin namin ang mag asawa ay binalingan ako ni Lola. "Maghugas ka na, mag lalaro lang kami ni Zk." Sinenyasan nya iyong mga kasambahay. "Hayaan nyo na si Sinag jan." "Babye Ma. Laro muna Zk." Kaway ng anak ko habang hawak sya ni Lola Yolly. "Pagkatapos mo ay ipagdilig mo ako. Baka nauuhaw na ang mga halaman ko ha. salamat Sinag." Napailing nalang ako sa trato ni Lola sa akin. Atleast hindi nya ako minamata at tinatarayan. Ginawa ko nga ang inutos ni Lola Yolly sakin. At nang bandang hapon ay naunang magpaalam sina Tito Elvis. Aniya'y may biglaang bisita sa mansyon. Gusto ko na nga din sumama ang kaso mabilis kaming napigilan ni Lola Yolly, amg sabi ay sya na daw ang magpapahatid sa amin sa bahay. Tahimik akong nakamasid sa mga puno dito sa likod bahay. Sariwa na naman ang hangin. Binagsak ko ang tingin ko sa cellphone ko. Kanina, tumawag si Cristian pero dahil busy ako sa mga pinapagawa ni Lola, hindi ko nasagot. "Sinag, hija. Ipagkuha mo kami ng meryenda. May bisita tayo." Minadali ko iyong puntahan. Doon ko nakita si Zk na nakahawak sa binti ni Ramgiorel. Ram immediately smiled at me. -- Binuhat ko ang tray at pinuntahan sila. Ngumiti iyong babaeng kasama ni Ramgiorel. She's a plus size pero ang amo ng mukha. Di sure pero girlfriend ata to ni Ram. "At ikaw, Danilo? Bakit ngayon ka lang pumunta dito? Akala mo naman kung sinong doctor na ito." Ani Lola Yolly "Lola..." Pinatong ko na ang tray doon ng tahimik. Kaso pati ako ay napansin pa ni Lola. "Isa ka pa, Sinag! Iwan mo na muna si Zk dito at ayoko ng stress ngayon." Sinenyasan ni Lola si Zk na lumapit sakanya. "Halika, apo. Gusto mo bang maiwan dito muna kay Lola?" "Gusto ko po, Lola. Pero gusto ko din po kasama ko si Mama." Napangiti ako kasi sumulyap sa akin si Zk. "Galit ako sa Mama at Papa mo, apo." Ismid ni Lola. "Lola naman..." ungot ko agad. "Bakit kasi hindi nalang kayo magpakasal ni Eris Jon? Nako, ang titigas ninyo ha." "Lola, hayaan nalang natin si Ej at Sinag sa gusto nila." Inakbayan ako ni Ramgiorel dahil napayuko nalang ako. "Para din naman kasi ito dito sa apo ko." Bumuntong hininga si Lola. "Hala, ako'y magbibihis na muna." Pagkaalis ni Lola ay agad kong tinabihan iyong anak kong busy na sa pagkain. "Pagpasensyahan mo nalang si Lola. Alam mo naman at tumatanda na." Natatawa pa si Ramgiorel. Tipid na ngumiti nalang ako at inayos ko ang buhok ni Zk. Medyo humahaba na kasi iyon. Nagkatitigan pa kami ni Vexy, agad syang ngumiti sakin. "Hi. Sorry sa nakita mo ha." Sabi ko. "You're Vexy Samonte right? Sinag Aguilar." "Yeah. Nice to meet you." We shooked our hands. "Boyfriend mo na ba si Ram?" Mapanuya kong sabi. "Sinag, ang daldal mo." Sita sakin ni Ramgiorel. "Tss. What? I'm just asking, okay. Ang bagal mo ha." Tumawa na ako. Pinanuod kong kumaway si Zk kay Ramgiorel at Vexy. Kinailangan na kasing umuwi ni Vexy kaya nauna na silang umalis. "Sinag, iwan mo na muna si Zk dito ngayong gabi." Ani Lola. Pagbaling ko ay nakasuot na sya ng comportbaleng damit. "Lola kasi, baka po hindi nyo kayanin ang sumpong nya." "Alam ko. Pero gusto ko lang syang makasama." Narinig ko ang buntong hininga ni Lola. "Dumito ka na din muna kahit ngayong gabi lang din. Ayokong puro kasambahay na naman ang kasama ko." Napangiti ako. "Sige po, Lola." "Huwag mo akong ngitian." Binalingan nya si Zk. "Apo, meron akong cookies at gatas dito. Gusto mo?" Tumango nalang ako sa sarili ko at kinuha ang cellphone ko para makapagpaalam kay Mama na dito muna kami matutulog ngayon sa kubong mansyon ni Yolanda Lausingco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD