Chapter 14

1702 Words
Chapter 14 I gasped, "Eris, are you even aware on what you are saying?" "I am. Sige, ilang linggo na kayong di nagkakausap? And what do you feel?" "Naiinis ako. Kasi iyon naman ang talagang maramdaman ko diba?" Tumitig sya sa mata ko. "Look at me in the eyes." "Eris ano ba!" "Break up with him and be with me." Aniya sa seryosong boses. "Ewan ko sayo!" I continue eating. Humithit sya sa vape nya at bumuga ng usok. "Takot ka, Sinag." aniya. "I'm not. Nirerespeto ko lang ang relasyon ko kay Cristian, please stop it." Ngumisi sya. "Hindi mo man lang naisip na baka may iba syang pinagkakabalahan kaya hindi sya natawag?" "Alam mo, hindi ka nakakatulong. Umuwi ka na nga." Humalakhak sya. "Chill babe. Uulitin ko, break up with him and be with me." "Naririnig mo ba iyang pinagsasabi mo?" Pinanliitan ko sya ng mata. "I know what I'm saying." He blow another set of smoke. "Take a risk. Ako muna habang wala pa sya. Or did you already broke up with him?" Ayokong isipin na baka nasabihan na sya ni Bryan kaya sya nandito at kung ano ano ang sinasabi. s**t! Bestfriend sila! "Consider this one. Again, break up with him and be with me. Be with Zk." HINDI ako nakatulog dahil sa naging pag uusap namin ni Emoji. Pasikat na ang araw pero dilat na dilat pa din ako. Ginulo ko ang buhok ko sa inis na nararamdaman. I took a glanced at my phone. Tulad ng dati, wala pa ding reply si Cristian. Dinampot ko iyong cellphone ko. Ako: I need space. Kung busy ka sa trabaho mo, hindi kita pipigilan. Ingat palagi. Break na muna tayo. Pikit mata kong sinend iyon. Wala nang bawian, Sinag. Tangina. Nagbilang pa din ako dahil baka magreply si Cristian pero wala. I visited his f*******: and leave him a message. Sinag Aguilar: Sorry but we need to broke up. Sorry. Naiintindihan kong mahal mo ang trabaho mo pero nakakapagod maghintay, Online sya ng 17 hours ago. See?! Nag online sya kagabi pero wala man lang syang reply sakin?! Ano bang tingin nya sakin? Tanga! Kung gusto nya dun sa trabaho nya, sabihin nya hindi iyong ganito. Idagdag pa ang kung ano anong sinabi ni Eris kagabi. Imbes na hindi ko pinaghihinalaan si Cristian. Ngayon, kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko. Paano kung nakabuntis na yun dun? Or baka may babae na! Muli kong ginulo ang buhok ko at tumayo. Kahit lutang ay lumabas na ako ng kwarto ko. Mabuti at wala akong trabaho ngayon dahil kung meron, baka isa na din ako sa nasigawan ni Mrs. Verjes. Si Mama ang naabutan ko doon sa kusina. Naghilamos ako sa lababo kaya nakita nya ako. "Ang aga mo ata. Wala ka namang trabaho ngayon ah." "Di na ko makatulog, Ma. May mainit na tubig na?" "Oo. Kakakulo lang." Gumawa ako ng kape, pangpagising lang sa sistema ko. Naupo ako sa upuan at tumitig sa kawalan. Maya maya pa ay naghain na si Mama ng pagkain at sabay kaming kumain. "Sasamahan ko nga pala si Merlie ngayon. Bibili kami ng tela para sa kurtina nya. Ibibilin ko sayo ang mga kailangan ng kuya mo ha." "Ma, kaya na ni kuya yun." "Osya. Gisingin mo na at ako'y liligo lang." Tamad na tumayo ako at kumatok sa kwarto ni Kuya. May kasama pang sipa iyon. "Oo na." Sagot nya. "Bilisan mo bumangon jan at kumain ka na." Pagtapos ay tumambay ako sa sala. Pinutulan ko na din ng kuko iyong kamay at paa ko dahil mahaba na. Ilang saglit ay may kumatok sa gate namin. Tamad na naman akong nilabas yun. "Magandang umaga, hija. Si Mama mo?" Si Tita Merlie pala, buti hindi ko nasungitan. Nagfroze iyong ngiti ko nang makita ko si Emoji. "Papahatid kami kay Ej sa bayan." Tumango nalang ako at pinapasok sila. Emoji is staring at me, pinakita ko talaga iyong irap ko sa kanya. Then i heard him chuckled. Saktong tapos na si Mama sa pag aayos kaya diretso na sila pag alis. Inasikaso ko si Kuya dahil makailang ulit na binilin ni Mama. "Kelan balik ni Zk?" "Baka bago magbirthday nya. Ba't?" Nilagay ni Kuya ang sapatos nya. "Ang boring pag wala yun dito." Nang makaalis si Kuya ay naligo na din ako pampawala ng antok. May text si Elizabeth na nagpapasamang magpacheck up sakin. May inaasikaso daw kasi si John, hindi naman daw nya ma-contact si Rain. Naku, nakadikit ata yun kay Earl sa manila ngayon. Ako: Oki. Bihis lg ako, daanan kita jan. Simpleng tshirt lang at maong shorts ang suot ko tyaka black slippers. Naglagay na din ako ng powder at cheek tint para hindi ako magmukhang putla. "Ate, samahan ko lang si Eli." Paalam ko kay Ate habang sinasakbit ang slingbag ko. "Okay." Lumakad na ako papunta kina Eli. At malayo pa naman ako sa kanila pero nakasimangot na iyon agad, tinawanan ko nalang at buntis iyon madaling mainip. "Ang tagal ha." "Ito naman. Thirty minutes lang yun." Nagpaalam na sya sa Nanay at Tatay nya. Pumara na agad ako ng tricycle. Besty: Be, may sahod na. Iniimagine ko ang itsura ni Betsy habang tinetext iyon. Wow, hindi ko namalayang payday na pala. Mamaya nalang ako pipindot. Forty five minutes nang makarating kami sa Mt. Carmel. Dito din ako nagpapacheck up noong buntis palang ako kay Zk noon. Nirecomend ko sya kay Doktora Pamela. Tinanong lang si Eli kung anong nararamdaman at pinakinig ang heartbeat ng baby. Mangiyak ngiyak nga ako kasi naalala ko na naman iyong unang narinig ko din ang heartbeat ni Zk. Parang dati lang, ang bilis ng panahon. Nirecord ni Elizabeth iyong heartbeat ng baby nya at ipaparinig nya daw kay John. Niresetahan din sya ng gamot at binilin na bumalik next next week. Bumili na din si Eli ng vitamins nya matapos magbayad ng sa check up. Emoji: Nasan ka? "Balita nga pala kay Cristian? Parang lately wala kang kwento sa kanya ah." Agad akong napasimangot. Hanggang ngayon, wala syang reply dun sa sinabi ko. Okay fine! "Wala na kami." Umaktong nagulat si Eli. "Ay? Na-gerald anderdon ka din? Ghosting?" Ako: Mt. Carmel. Y? "I don't know. Maybe." Kibit balikat ko. Nakalabas na kami ng Mt. Carmel. Pinili nalang namin maglakad dahil mas makakabuti daw sa kanya iyon. Napadaan pa nga kami sa tuhug-tuhog, dali daling bumili si Eli pero pinaalalahanan ko na hinay hinay lang sa pagkain noon. Emoji: Nagpapacheck up ka uli? Are you pregnant, Sinag? I almost rolled my eyes. Minsan ang tanga din ni Emoji ano? Ako: Sinamahan ko si Eli. Sya ang buntis. "Sinong katext mo?" Ani Eli sabay silip sa screen ng phone ko. "Opp." Mabilis kong naiwas yun. Umismid sya at nagbayad na. "Hmm.. for sure si Emoji ang katext mo. Ano kayo na? Rupok ka na uli?" "Hindi ah." Tinuro turo nya pa ako. "Asus. Kilalang kilala kita. Kunyari pang nakamove on na pero marupok pa din." "Tigilan mo nga ako, Eli." Tumawa lang sya at humawak sa braso ko. Ni-lock ko naman iyong phone ko. Hirap na baka may mabasa na naman si Eli. Pinagpatuloy namin ang paglalakad habang paulit ulit nyang sinasabi na excited na sya sa magiging baby nya. Napangiti ako, nakakaexcite nga iyon na nakakakaba. "Ay pusang kinain!" Tili ni Eli nang may bumusina sa amin. "Jusko! Buntis ako, bawal ang magulat sakin!" Inis nyang sabi. Kaso paglingon namin, iyong pick up pala ni Emoji iyon at nakangisi na sya. "Walangya ka, Ej! Maagasan ako sayo!" "Hi Elizabeth, long time." Ismid lang ang natanggap nya kay Eli. "Sakay na." "Aba't sasakay talaga kami. Matapos mo kaming gulating hayop ka!" NAtawa ako sa itsura ni Eli. Tarantang pinagbuksan ni Emoji ng pinto sa backseat si Eli. Ako na din mismo ang nagbukas ng pinto sa passenger seat. "So, kamusta naman, Ej?" Eli asked. "I'm good. Ikaw? Buntis ka na pala." "Ay oo!" Bakas ang excitement ni Eli sa boses. "Ikakasal na din. Invited ka." "Alright." Inabutan ni Emoji ng biscuit si Eli, ang bruha may pagpalakpak pa. "Salamat sa paghatid, napakabuti mo." May pagtapik pa sa balikat ni Emoji. Pinagmasdan ko si Eli na pumasok sa kanila. "Tara na, oy." "Turuan muna kita magdrive." "Now na? Wala ka bang trabaho?" "The Hotel can earn even when I am absent." Umirap ako. Yabang. Doon sya sa st. Jude village nagliko. Tinuro nya lahat ng mga kailangan, panay naman ang tango ko. "Okay, you try it." Excited akong lumipat sa driver's seat. Hindi pa nga naikakabit ni Emoji iyong seatbelt nya ng pinaandar ko na iyong sasakyan. Malutong syang napamura. I laughed really hard. "Focus on the street." I smirked and focus my sight on the street. Medyo nahirapan lang ako sa pagpaparking. But to my surprise, Emoji is patiently guiding me. "Gutom na ko." I said as I tapped my tummy. "Oh, let's eat then." "Okay pero ayoko sa fast food." Kumunot ang noo nya, "Saan tayo?" I grinned. "Just drive." Hila hila ko sya dun sa may gilid ng index, doon kasi masarap ang streetfoods. "Forty pesos na kwek kwek at benteng squidballs. At dalawang order ng cheesesticks." "Ikaw?" "Wala pa ba akong order dun?" Umiling ako. Natawa sya at binanggit na din ang order nya. Gumilid kami para mapagbigyan ng daan ang mga eatudyanteng bibili din. "Hmm?" Lumingon ako sa kanya nang na-ubo sya. "Juice? Or mineral? Tita, isa nga pong mineral water." Inabot ko sa kanya iyon at wala sa sariling hinimas ko ang dibdib nya. "Okay na?" "I guess so. May nakaalala lang ata sakin." Sagot nya. Ayan, si ate Sinag mo, parang shunga na pinahidan iyong gilid ng labi nyang mamasa masa pa. Hindi naman nagtagal ay inabot na sa amin ang mga order. Excited na naman akong kumain. And for Emoji, he's staring at me. "Thank you for this tyaka sa tyagang pagturo sa akin magdrive." "Anything for you." He slightly pinched my nose. Di ko na inusisa iyong pagbayad nya. Nagtake out kami ng cheesestick para sa bubwit namin. Tapos ako na ang pinagdrive nya pauwi. Testing me if I already know how to drive this pick up. Marunong naman ako eh, pero iyong sa hindi sosyal na sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD