Chapter 15
"Gusto ko medyo glamurosa." Sabi ni Lola habang tinitingnan ang mga brochure namin.
"Ito, Lola. Maganda po iyan."
Tinuro ko iyong black and gold theme na lately lang namin nadiscover. Si Betsy ang nagsuggest nun.
"Oo nga no. Ayan, ito nalang."
"Ayos na po ba? Or gusto nyo pang dagdagan ng ibang designs?" Tanong naman ni Betsy.
Nandito kami ngayon sa bahay kubo mansyon ni Lola Yolly para sa nalalapit nyang birthday party na bale next month pa talaga. Masyado lang syang excited pag usapan at kung anong theme ang babagay dito.
"Oo hija. Tama na ito, may tiwala naman akong magiging maganda ang birthday ko." Pumalakpak pa si Lola at sinabi ang mga gusto nyang gawin.
Nakinig lang kami ni Betsy sa kanya. Ultimo pagsa-suggest nya, pulido at talagang pinag isipan nya.
"Ilang taon ka na, Hija?" Tanong nya kay Betsy.
"Twenty po."
"Ay ang bata mo pa. May nobyo ka?"
Umiling si Betsy at sumimsim sa juice.
"Ipapakilala kita sa apo ko. Tutal ayaw naman ni Sinag doon."
"Lola naman." Suway ko. Inirapan nya ako.
Natawa naman si Betsy. "Naku, Mrs. Lausingco. Huwag nyo na pong balakin. Ayaw ko din naman po kay Ej. Mas matanda po sya sa akin."
"Mas maganda nga iyon eh. Ahead sayo ang lalaki."
"Kahit na po."
Umirap na naman si Lola Yolly at pinagbubuklat ang mga brochure.
"Kelan sisimulan ang planning para dito?"
"Two weeks before the said date, Ma'am." Si Betsy ang sumagot.
Nanahimik nalang ako sa tabi ni Lola Yolly. Actually, sanay na ako sa ugali nya.
After Lunch ay nagpaalam na si Betsy dahil may lakad pa daw sya. Sasabay na sana ako kaso pinaiwan ako ni Lola. Wala na akong nagawa kundi ang kumaway sa kanya habang lulan ng van.
"Lola, sigurado po ba kayong ayos na iyon? Hindi na natin dadagdagan?"
"It's fine. Ang mahalaga ay makapagbirthday ako." Tinapik nya ang tabi nya. Mabilis akong naupo doon. "Kumusta naman ang apo ko? Hindi mo sya sinama."
"Trabaho po kasi ito, tyaka nakina Eris po sya ngayon."
She nodded. "Wala pa din ba kayong plano ni Ej?"
"Lola, ayos naman po kami sa pagiging magkaibigan." Pinilit kong ngumiti kay Lola.
"Ano ba iyan. Ang hina hina talaga ni Ej." Natawa sya. "Eh kelan ko naman makikilala itong nobyo mo? Kikilatisin ko."
Natigilan ako. These past few days, bihira akong magbukas ng messenger ko. Tyaka hindi ko naiisip si Cristian dahil nga para sa akin, wala na kami. Hindi na nya ako nirereplyan eh. Tyaka hindi naman nya ako kinakamusta.
"Huwag kang mag alala, hindi ko naman tatarayan iyon. Ano nga bang trabaho noon?"
"Photographer." Sagot ko. "Lola, may pansit pa po ba? Nagugutom pa ako eh." Sana ay hindi nahalata ni Lola ang ginawa kong pag iwas sa mga tanong nya.
"Nandoon sa lamesa. Kuha ka lang."
Tumango ako at binitbit ang plato ko doon. Napapabuntong hininga pa nga ako dahil nawala talaga sa isipan ko si Cristian, kundi pa babanggitin ni Lola Yolly, hindi ko maaalala.
---
Dahil busy talaga sa trabaho. Pinagluto nalang ni Mama ng spaghetti at fried chicken si Zk noong birthday nya at may maliit na birthday party sa kanya sa hardin ng mga Lausingco para sa mga kalaro nya.
Pareho kaming late ni Emoji sa mismong birthday ni Zk. Balewala lang iyon dahil tuwang tuwa na naman ang anak ko sa mga natanggap nyang laruan.
Nakalatag ang mga iyon sa sala ng mansyon pagkadating namin. Gayunpaman, inabot pa din ni Eris ang regalo namin sa kanya. Bakas na bakas sa mukha ni Zk ang kasiyahan.
"Kumain na kayo ni Ej." Ani Mama. "Muntik na kayong malate."
Natawa ako sa sinabi ni Mama. Sinenyasan ko si Eris na samahan na akong kumain, busy sya sa pakikipag usap sa anak.
"Mamaya na iyan, kumain ka na muna." Hinila na sya ni Mama patayo. Humagikhik naman si Zk sa Papa nya.
Tinungo ko ang kusina, naabutan ko pa nga doon si Rain at Earl na naglalampungan--nag uusap lang pala.
"Oy! Late kayo!" Tinuro ako ni Rain nang makita akong pumasok.
"Whatever." Irap ko.
Dumampot na ako ng pinggan, naramdaman ko si Emoji sa gilid ko na humawak sa baywang ko. Inabot ko sa kanya iyong pinggan nya.
"Magkakanin ka?" He asked.
"Oo, ikaw ba?"
"Sige. Konti lang."
Tumango ako at nilagyan na ng kanin iyong pinggan ko. Nilahad naman nya iyong kanya at nilagyan ko din, pati nang kung anong ulam.
"Chopsuey?" Aniya.
Nilagyan ko din iyon bago ko narinig ang pagtikhim ni Earl.
"Kukuha lang ng pagkain, kailangan nakapulupot pa ang braso, Eris Jon?" Taas kilay ni Rain.
Tumawa si Emoji sa tenga ko bago lumayo. Naupo na sya malapit kina Rain, kumuha lang ako ng juice bago naupo na din sa katapat nya.
"Akala ko naman tutupadin nyo na iyong hiling ng anak nyong Family time." Si Earl.
"Mangyayari yun but not now. I'm really busy." Sagot naman ni Emoji.
"Busy with Sinag?" Usisa pa ni Rain. Mabilis ko syang kinurot sa tagiliran nya. "What? Masakit ha!" Reklamo nya.
"Kung ano ano kasi sinasabi mo."
"Well, napapansin ko lang iyon." Bumaling sya kay Emoji. "Ano pre? Kikilos ka na ba?"
"Musta nga pala kayo ni Cristian? Haven't heard anything from him." Singit ni Earl at tinakpan ang bibig ni Rain.
Ngumuso ako sa kanya. Ito namang si Rain tinanggal iyong kamay ni Earl na nakatakip sa bibig nya.
"Don't be sensitive, Pump. Wala na sila. Na-gerald anderson sya. Hashtag, ghosting." May pag irap pa iyon ha. "Kasi, nagkaroon lang ng malaking event, nalimutan si Sinag? Kapag lang talaga nalaman kong may iba na iyon doon, sinasabi ko sa kanya!"
Dahil sa sinabi ni Rain, iyong mata ni Emoji nasa akin na. Inangatan nya pa ako ng kilay.
"Totoo, Sinag?" Si Earl.
"Hindi pa naman pero tinatry ko pa din syang kontakin. Kailangan pa din naming mag usap."
"Mahirap talaga ang LDR." Tumatangong tango na sabi ni Earl. "But atleast try to contact him again. Para malinaw."
"Ano ka ba, Pump! Wala na sila." Pinagdidiinan ni Rain iyon.
"Ssh! Hindi natin masasabi yun."
Umismid si Rain at tumayo para kumuha ng pagkain pa uli. Nag usap naman si Earl at Emoji tungkol sa Hotel, pinagpatuloy ko naman ang pagkain ko. Ilang saglit pa ay kumatok si Mama sa sala.
"Mauuna na kaming umuwi, ikaw ba Sinag?"
"Tapusin ko lang to, Ma."
"Sige, ikaw na din ba magsusundo kay Zk bukas? Sa bahay na sya uli diba?"
"Ako na po maghahatid, Tita." Sagot ni Emoji. Tumango si Mama bago muling nagpaalam sakin.
"Ma, di pa antok si Zk?" Tanong naman ni Emoji kay Tita Merlie ilang saglit.
"Kinukusot na iyong mata. Ako na magpapatulog. Alam kong pagod kayo sa trabaho."
"Salamat po, Tita." I smiled.
Ako na din iyong nagpresintang maghugas ng ibang plato pero hindi ako hinayaan nina Manang sa kadahilanang baka mapasma daw ako.
"Hatid ko lang si Strawberry."
Sumunod ako kay Earl sa salas. Nagpapaalam na si Rain kay Zk na panay ang halik sa anak ko.
"Babye baby! I love youuu."
"Ailabyu." sagot ni Zk.
"Happy Birthday uli." Kinurot pa ni Rain iyong pisngi.
"Penkyou Tinang."
"Ang cute talaga ni Zk. Pahiram nga ako ng mga dalawang araw jan."
"Kaya mo tantrums nan?" Singit ni Emoji.
"Nandyan naman si Earl. Kamukha mo, para pag naghanap ng Papa, ipapakita ko si Earl. Diba, Pump?"
"Anything you say."
"Under." Emoji coughed.
"Halika na. Inaantok na ko eh." Humalik na sa pisngi ko si Rain at kay Emoji.
"Huwag mong ilalock iyong gate. Babalik ako, pasabi kay Manang." Bilin ni Earl bago tuluyang nahila ni Rain palabas.
"Ito na ang feeding bottle ni Zk." Ani Tita Merlie.
Tumayo si Zk at binitawan ang mga laruan nya. Sinalo naman ni Tita Merlie si Zk na halata na ang antok.
"Ma, huwag mo nang buhatin."
"Hayaan mo na at antok na ito. Maiwan ko na muna kayo jan."
Tinungo ko ang mga laruan ni Zk at isa isang niligpit at nilagay sa box doon. Naramdaman komg naupo si Emoji sa sofa, at alam kong pinapanuod nya ako.
He cleared his throat.
"Sinag... Hayaan mo yan jan. Bukas ikakalat uli yan ni Zk." Aniya.
"Nakakahiya kina Manang."
"Sanay na iyong mga iyon sa anak natin."
Iba pa din kapag naririnig kong anak namin si Zk. Tinabi ko pa iyong box sa gilid para hindi nakakalat.
"Can you sit here."
Pagbaling ko sa kanya, tinatapik tapik nya iyong tabi nya.
"Come here, let's talk."
"Kung tungkol ito sa binanggit ni Rain kanina. Forget it, Eris."
Tumayo sya at humawak sa braso ko. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya.
"Sabihin mo sakin. Totoo bang nakipahiwalay ka na?" I can sense him smiling.
"Oo pero huwag mong isipin na dahil sayo. Nayayamot lang ako na hindi na nya ako tinatawagan. Ano iyon? Nilamon sya noong trabaho nya?"
"Ssh... I'm always here to hear your thoughts. Anong nasa isip mo ngayon?"
"I wanted to talk to him. Gusto ko lang iklaro kung ano na ba? May hihintayin pa ba ako?"
Tumikhim sya. "Ako? May hihintayin pa ba ako sayo?"
Lumingon ako sa kanya. Nagkatitigan kami ng segundo ata iyon. He took a deep sighed.
"Gusto kong magsaya dahil narinig ko iyon. Pero sa nakikita ko sa mata mo ngayon, para ayaw ko na. Nakikita kong nalilito ka at nasasaktan. Siguro nga mahal mo talaga si Cristian."
Hindi ako nakasagot agad.
"You two talk. Para hindi ka nalilito ngayon."
I nodded. "I will."
"Iyong family time. After ko sa trabaho. Nakapagpa-book na ako sa Unisan sands."
"Okay. I'll clear my schedule for Zk."
"Halika na. Hatid na kita."
Naglakad lang kami papunta sa bahay. Nakasalubong pa nga namin si Earl na may tangay na yosi.
Ginulo nya iyong buhok ko bago kami nilampasan. Yakap yakap ko ang sarili ko dahil sa lamig ng hangin.
"Ingat ka pabalik. And thank you."
"Alright. Good night, Sinag." Aniya sa paos na boses.
Lumapit sya sa akin and he bend down to place a soft kiss on my forehead. Automatically, my heart skip a beat.
"Sweet dreams." I nodded.
Pumasok na ako sa bahay at naupo na muna sa sofa doon habang dinadama ang tangang puso ko na nagwawala na naman.
Emoji, ano ba! Mas lalong nagulo ang utak ko.
My phone vibrated. Smiling, because I thought it was Emoji but it was Cristian.
After two months, ngayon lang sya nagka-oras?
Tinitigan ko iyong tawag hanggang sa mawala. Sunod ay pumasok ang text galing sa kanya.
Cristian:
You are not breaking up with me. Mag usap tayo pag uwi ko, wait for me.
Bumuntong hininga ako at piniling tumipa ng irereply sa kanya.
Ako:
Ayoko na. Ayoko na ding maging sagabal sa trabaho mo. Ingat palagi.
After sending that, napaisip ako. Tama bang maghiwalay kami?
Tumunog na naman ang cellphone ko at pumasok ang isang text.
Emoji:
I am home. Tulog na tayo, I love you.
My smiled widen. Malandi ka, Sinag.
At habang nakatitig ako sa text ni Emoji, I realize that I lost it again. Sorry, Cristian.