CHAPTER 7:: the babysitter
ANNALYN POV
"Si boss na daw bahala don sa kalat kagabi." Saad ni Ayuni sa akin.
Nasa school na kami ngayon dahil may pasok, kasabay ko sila Iyah at si Calet na lang ang hinihintay namin.
"Tara!" Sigaw sa amin ni Calet na nasa may pintuan pa lang ng cafeteria.
"Punta na kami Ayuni." Pag papaalam ko dito, tanging tango lamang ang isinukli nito sa amin.
Mamaya pa ang pasok n'ya, mga kalahating oras pa dahil iba naman ang strand n'ya
"Kamusta?" Tanong ni Calet habang nag lalakad kami, alam ko naman na ang tinutukoy niya ay ang naging mission ko na natapos lang kaninang madaling araw.
"Hmm ayos lang naman, madali lang sana kung yung isa jan ay hindi ako tinulugan." Sagot ko habang nag palarinig sa katabi.
"Sorry na Lyn, hindi ko naman kashi nakita na mapasok na pala sa s'ya sa kwarto niya and hindi ko rin alam na kwarto pala n'ya yoon." Pag papaliwanag sakin ni Iyah pero pinag taasan ko lang ito ng kilay, dahil alam kong wala na kaming patutunguhan if pipigain ko pa siya para mag paliwanag.
Wala na rin naman na issue sa akin ang nangyari pero sana naman ay hindi ako naalala ni Saffron, kung ano man ang nangyari sanay di na n'ya maalala.
Nawala na ang first k*ss ko but it's ok basta hindi ang vîrginity ko
"Look si president, ang sama ng tingin sayo Calet." Saad ko na may mapag larong tono.
Hahayaan ko na lang muna kung anong nagyayari sa kanila dahil labas ako sa away mag asawa, baka masabunutan pa ako.
"Tsk, wag mong pansinin ang kuhol." May bahid na inis nito habang nag sasalita.
Something isda talaga.
"Kayo bang dalawa ay close huh?" Biglang tanong ko dito habang naka taas kilay pa rin.
Tumigil din muna kami mag lakad dahil may pipigain ko pa si Calet.
"At bakit mo naman yan na isip, aber?"
"Wala lang, kasi parang lagi kang galit sa kanya or pikon ba..pero hindi naman kayo nag uusap or nag tatagpo dito sa school, even record ng away ganon." Mahabang paliwanag ko dito habang nag salong baba pa.
Nakita ko naman sa kanya ang pag kailang, dahil alam kong wala siyang masasagot sa akin.Halos sa lahat nang pag kakataon ay mag kakasama kami pag nasa loob ng paaralan kaya ayan ang naging reaction n'ya.
"Ah basta! Tara na. Final."
——
Alas tres pa lang ng hapon pero tinutungo ko na ang bahay ko, dalawang subject namin na panghapon ang walang pasok o bakante kaya pauwi na ako.
May sasabihin din si mommy so mas mabuti ito ang plus makakapag pahinga din ako ng maayos, walang inwan na task or projects ngayong araw kaya talagang 'pahinga'.
Pag kadating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng isa naming maid dahil pinapapunta daw ako ni mommy sa likod bahay, kung saan naan doon ang swimming pool.
Tinungo ko naman agad ang pool area para hindi na ako baba mamaya after mag bihis. Pag kadating ko doon ay bumungad agad sa akin si mommy na may kausap.
Ang kausap niya ay nakatalikod sakin pero base sa katawan niya ay lalaki ito, matangkad din ito at saglit..familiar s'ya.
Lumapit na muna ako kay mommy para mag beso bago ko hinarap ang kausap n'ya, tama nga ako dahil si Saffron ito.
Anong ginagawa n'ya dito? Baka about business lang ni mommy.
"Lyn, I have something to tell you..hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa but our maids and drivers is on their vacation." May ngiting saad sakin ni mommy.
"Amm ok po, anything else?"
"Yes hija, mag babakasyon kami ng daddy mo sa mga lola ang lolo mo..tutulungan din namin don ang lolo and lola mo sa business dahil nagiging medyo tabingi ito..hindi naman alam kung ilang buwan kami mawawala." Sagot niya sa tanong ko.
Wala naman sa aking issue ito dahil mukang mag iisa ako dito sa bahay, wala ang mga maids and drivers. Mukang yung sumalubong at sumondong driver sa akin ay paalis na din.
"Ok lang mommy" maikling tugon ko sa kanya.
Pwedi ko naman na kasamahin si Iyah if ever or kahit sinong kaibigan ko dito.
"Isa pa hija ang magiging kasama mo dito sa bahay ay si Saffron." Halos tumigil ang mundo ko dahil sa gulat sa sinabi ni mommy.
Nanlalaking mata akong napabaling kay Saffron pero agad ko rin na binalik kay mommy ang titig.
"Wait, bakit s'ya?" Walang kisap na tanong ko kay mommy habang itinuturo si Saffron.
"Hija alam ko naman na gusto mong makasama ang mga kaibigan mo at hindi ko iyon pipigilan but I want Saffron to babysit you dahil alam kong maproprotektahan ka n'ya" pag papaliwanag nito na ikinanganga ko.
Mommy kung alam mo lang na pûmapatay ako ng tao, gumagamit ng barîl at ginagawang abo ang kalaban siguro, hindi mo yan masasabi.
Parang gágo lang ah.
I can protect my self dámn this.
"How can you say mom na ma proprotektahan ako ni Mr.Saffron? and beside, Mom kailan ba ako napahamak or may lumapit sa akin na kapahamakan?" Sunod-sunod kong tanong dito.
Alam kong parang nakakabastos ang sinabi ko lalo na para kay Saffron but bakit sa dinami-dami s'ya pa?
Yaman man ng babysitter ko: isang business tycoon na millionaire.
"Well, he will guarding you, drive and be a maid for you honey. Bahala na siyang mag banatay sayo dahil makakasama mo s'ya dito sa bahay, sabay kayo papasok..he will drop you in your school before go to his work and marunong siyang mag luto, alam naman nating wala kang talent sa pag luluto at baka masunog pa ang bahay or ang mga kainin mo is not healthy...may kampante ako kung lutong bahay ang kakainin mo." Sagot nito sa mga tanong ko.
Wait abay instant 4 in 1 pala ito.
Babysitter ko
Cook or maid ko
Driver ko
Security guard ko pa.
Lumapit ako ng kaunti kay mommy para bumulong. "Mommy, sabihin mo nga sakin.." taas kilay naman itong tumingin sa akin dahil bitin ang sinabi ko pero lumapit pa ako sa kanya ng kaunti at bumuling ulit.
"..paano mo yan napikot?"
"WHAT!? Of course not!" Sigaw ni mommy kaya naman bahagya akong napalayo sa kanya.
Anong not?
Ngayon hindi na talaga ako mag dududa kung saan ako nag mana ng pagiging over reactor and pataas-taas ng kilay.
"Mom your such a reactor, Im just stating my thoughts." I said with my cute smile.
"Hija hindi ko s'ya pinikot and wala ka na sa business kung pano ko napalayag na maging babysitter mo yan, sundin mo na lang yan si Saffron s***h your babysitter..wag kang pasaway sa kanya..aalis na kami mamayang gabi ng dad mo para bukas ng umaga ang dating namain don...dito na rin yan si Saffron mag gagabihan at ipag luluto ka n'ya." Saad nito ng may pag bibilin na boses kaya tumango na lang ako.
"And Annalyn, one more thing, wala na rin mamaya ang mga maids kaya mamayang gabi ay si Saffron na ang mag aalaga sayo...have a good night both of you ang Lyn I love you." Saad nito sa may malambing na boses.
"I love you too mom, and please say my I love you to dad..mag iingat kayo don and tatandaan ko ang mga bilin n'ya but I can't promise na hindi ako magiging makulit but if Mr. Saffron is not invading my business then we're good." I said to mom.
Hindi ko na rin nilingon si Saffron dahil magiging magkasama namn kami ng ilang buwan, I think?
"Ingat din kayo..and go to your room Lyn and get changed." Utos nito kaya naman ngumiti na lang ako bilang sagot at nilingon k omuna si Saffron para yumuko ng kaunti, bigay galang dahil aalis na ako.
Mukang may pag uusapan pa sila kaya they need privacy.
Namayang gabi is our first night na mag kakasama dito sa bahay and as I said if he invades my privacy then I will make his baby to be a dangerous one.
Umakyat na ako sa taas papunta sa kwarto ko para makapag palit. Nakasalubong ko rin si daddy at nakapag usap naman kami ng mahigit kalahating oras. Nakapag paalam din ako ng maayos sa kanya.
Ang sabi ni daddy ay mga five in the afternoon ang alis nila ni mommy pero ang sabinjamn no mom ay gabi ang alis nila and one more thing is no need na daw na ihatid sila.
Ayos lang iyon sakin dahil sanay naman ako na umaalis sila dito sa bahay and parang hindi man sila babalik, Im not a child anymore na nag hahabol sa magulang pag umaalis but if, they want ihahatid ko sila pero pinangunahan na ako ni dad na wag na silang ihatid so, it's a no
Sila kuya naman ay may kailangan asikasuhin at wala na ako don pakialam.
It's their business not mine.
—
END OF THIS CHAPTER
✿Hi thank you for reading sana po nagustuhan nyo.Sorry for typo and wrong spell pls. Don't bash or judge my work this is just from my imagination, this is my first time to be a writer✿