CHAPTER 21 Nagising si Isla nang umagang iyon na masakit ang ngipin. Ilang buwan na rin ang lumipas at mapapansin na rin ang unti-unting paglaki ng kaniyang tiyan. Limang buwan na siyang buntis kaya medyo nahihirapan na siyang tumayo, umupo, humiga at pati paghinga ay sobrang hirap dahil parang dinaganan ang dibdib niya at hindi siya makahinga. "Ang sakit ng ngipin ko!" ngawa ni Isla habang naglalakad patungo sa kusina. Nakahanda na ang pagkain niya sa umagang iyon. "Good morning!" nakangiting bati ni Ash sa kaniya. Napansin niyang mas malambing ito ngayon at mas maalaga sa kaniya. Panay rin ang pagkausap nito sa anak nila. Kinakantahan niya, kinukuwentuhan ng mga pambatang kuwento. Minsan natatawa na lang si Isla sa kanya dahil kahit hindi pa naman nito nakikita ang anak nila ay si

