CHAPTER 22 Hinahagod pa ni Ash ang kaniyang tiyan nang pumasok siya sa opisina. Sa dami ba namang pinakain sa kaniya ni Isla ay talagang sasakit ang kaniyang tiyan. He has always been on a diet ngunit sa araw na iyon ay wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod na lang sa asawa. Magrereklamo na nga siya kanina ngunit pinandidilatan lang siya nito at sinabihang nagsasayang lang daw siya ng pagkain. "Damn! My stomach hurts!" bulalas pa niya nang makaupo sa kaniyang swivel chair. He loosened his belt to release the pressure and sighed in relief. Nagsimula na siyang magtrabaho. Marami na naman ang tambak na mga gawain dahil sa mga nakalipas na araw ay nakatunganga lang siya sa kaniyang asawang si Isla. Ayaw niya kasing wala itong kasama lalo na sa mga monthly check-ups at iba pa. Gusto niy

