CHAPTER 23 Pagkatapos marinig ni Elise Vallejo ang mga masasakit na salitang nanggaling kay Ash ay lumabas na siya ng building at pinaharurot ang kaniyang sasakyan patungo sa kaniyang paboritong bar. All she was thinking while driving was how painful those words she has heard from the man she loved. It felt like he shot her a thousand times that her heart stopped beating for a moment. Hindi niya maipaliwanag kung gaano kasakit ang mga salitang binitawan nito. It was too painful. Sa isang iglap, ang kaniyang mga hinanakit ay napalitan ng galit. Nilamon siya nang matinding galit. Kung hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman kanina ay mas lalong hindi rin niya maipaliwanag kung gaano kalaki ang galit na nagsusumiklab sa kaniyang puso sa oras na iyon. Nang makarating siya sa bar ay dumirets

