Chapter 2

3473 Words
Chapter 2 Ibinagsak ni Isla ang kanyang katawan sa kama nang makauwi galing sa trabaho. Hinilot niya ang namamanhid na mga binti saka padarag na tumayo upang uminom ng malamig na tubig. “Nakakapagod!” bulalas niya pagkatapos. Kapapasok niya pa lang sa trabaho na hindi niya inaasahan. Ni hindi pumasok sa kanyang isipan na magtatrabaho siya bilang Saleslady sa isang sikat na 24/7 Convenience Store sa Maynila. Noong isang buwan lang siya rito. Mabuti na lang at may nagmagandang loob at tinulungan siyang makapaghanap ng trabaho. “Isla? Ikaw ba ‘yan?” tanong ni Ate Christine o mas kilala bilang Ate Chris, mula sa labas ng kanyang kuwarto. Isang maliit na babae. Palaging nakalugay ang pinong-pino at maikli nitong buhok. Konserbatibo sa pananamit ang babae. Sa edad na tatlumpu’t lima ay wala pa itong asawa. Ito ang kasa-kasama niya at libre siya nitong pinatira sa inuupahang apartment. Magkakilala kasi ito at ang kanyang namayapang lola. “Oo, Ate. Kauuwi ko lang!” pasigaw niyang sagot. Tumayo ulit siya at tinungo ang pinto saka iyon binuksan. “Mabuti naman at nakauwi ka na. Ano, ayos ba ang trabaho?” usisa nito. “Oo naman. Wala akong karapatang magreklamo. Kailangan kong magtrabaho para may makain, ate,” nakanguso niyang turan saka humarap kay Ate Chris. “Ay, aba, siyempre naman! Alangan namang sa kalye ka matutulog. Gusto mo ‘yon?” “Hindi, 'no! At saka, may mga kaibigan na po ako. Mga kasama ko sa trabaho,” kuwento niya. “Mag-iingat ka. Huwag kang masyadong magtiwala sa kahit na sino. Hindi mo alam kung sino ang tatraydor sa ‘yo, Isla,” paalala nito sa kanya. “Opo,” tumango siya. “Oh, siya nga pala, may pagkain na sa baba. Kumain ka muna nang magkalaman ang tiyan mo bago ka magpahinga,” anito. Nauna na itong bumaba. Pasuray-suray siyang sumunod. Masakit ang mga paa niya dahil magdamag siyang nakatayo sa trabaho. Pati ang kanyang mga mata ay sumasakit na rin. Hindi pa siya nasasanay sa trabaho. Gustong-gusto niya na ring matulog ngunit alam niyang pagagalitan siya ng kanyang Ate kung hindi siya kakain. “Day-off ko bukas, Ate,” pagbibigay-alam niya sa kasama. Kailangan niyang magliwaliw para naman maibsan ang pangungulilang nararamdaman niya sa kanyang Lola. Si Lola Nely na lang ang natitirang kamag-anak niya at ito ang bumuhay sa kanya, kaya naman nang mawala ito ay labis siyang nalungkot. “Talaga?” naniniguradong tanong nito. “Saan ka naman mamamasyal niyan? Gusto mong samahan pa kita o kaya naman ay baka gusto mo ring magpahinga na lang,” dagdag nitong usal. Humihigop ang babae nang kapeng katitimpla lang nito. “Sa bar lang ako. Gusto kong maranasan ang uminom,” inosente niyang turan. Naglagay siya nang kanin sa plato saka tumusok nang hotdog. “Bakit? Hindi ka pa ba nakakainom?” nagtataka niyang tanong. Umiling siya. “Hindi pa. Hindi naman ako pinapainom ni Lola noon. Gusto ko lang malaman kung ano ang lasa ng alak. Mga ganoong bagay, gusto kong maranasan ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa,” usal niya. “O, sige, basta ba mag-ingat ka,” anito. “Sa akin ka ibinilin nang Lola mo. Ayaw ko namang may mangyari sa iyo kaya mag-ingat ka. Lalo na at nasa Maynila tayo,” paalala ni Christine sa kanya. Mahihimigan sa boses ng babae ang pag-alala. Tumango siya. Nauna na rin itong umakyat sa taas. Maya-maya lang ay sumunod na rin siya at natulog. Sa gabi ang duty ni Christine sa pinagtatrabahuhan nitong call center kaya kadalasan ay magkakasunod lang silang darating sa umaga. Tanghali na nang magising siya. May nakahain na ring pagkain sa mesa. Naririnig niya pa ang ingay ng telebisyon sa sala pero wala roon ang kanyang Ate Christine. “Ate!” tawag niya mula sa kusina. “Nagsasampay ako ng mga labahin. Mauna ka ng kumain!” pasigaw nitong sagot mula sa labas. Maingay kasi sa baranggay na ito dahil sa rami ng mga taong nakatira dito. Hindi niya na lang ito hinintay at kumain na. "Ano kaya ang magandang suotin mamaya?" tanong niya sa isip. Sasamahan naman siya ni Yannie mamaya kasi mas sanay ang babae sa buhay sa siyudad. Ang inaalala niya ay kung makakaya niya ba ang mag-inom mamaya. “Pupuntahan ko pala ang kaibigan ko mamaya, Ate,” usal niya nang pumasok ito. “Pahihiramin niya kasi ako ng damit. Iyon bang kasama ko sa trabah, Ate,” wika niya. Nanghingi naman na siya ng permiso kahapon at pumayag naman ito. Ayaw niya namang bigla na lang umaalis ng bahay. “Oh, siya. Bilisan mo riyan nang makapaghanda ka na,” sagot nito. Nilalagay ng babae ang laundry basket sa loob ng banyo. Ipinatong nito iyon sa washing machine. “May nilagay po akong pera sa garapon, Ate. Pandagdag bayad sa bill natin. Ako na po ang mag-go-grocery.” “Ay, salamat. Sige, basta mag-ingat ka. Text ka kapag may mangyari nang masundo kita,” nakangiting anito. Bakit parang naiiyak ako? Bumuga siya ng hangin. Naalala niya kasi ang Lola niya rito. Magkalayo naman ang edad ng mga ito pero bakit pakiramdam niya ay kapatid ito ng Lola niya? Nagiging emosyonal siya kapag ganito mag-alala sa kanya ang kasama. Dahil ganoon na ganoon sa kanya ang Lola niya noon. Walang asawa si Christine at wala ring anak. Ayaw raw nitong mag-asawa dahil ayaw nitong matulad sa kapatid na binubugbog ng mister. Kaya noong nalaman ni Christine na darating siya ay lubos ang galak nito dahil may makakasama na ito Nagpaalam siya nang tuluyan saka nilakad ang daan papunta sa kaibigan niyang si Isabelle Anne Golez o mas kilala bilang Yannie. Magkasama sila sa trabaho. Nagpa-part time lang doon ang babae habang nag-aaral ng Office Administration. Mas nauna lang ito sa kanya ng ilang buwan. Ito kaagad ang unang taong kumausap sa kanya. Kalaunan ay naging magkaibigan sila. Ang babae rin ang nagtuturo sa kanya kung paano mamuhay ang mga taga-Maynila. “Yannie!” tawag ni Isla mula sa labas ng apartment ng babae. Isang magandang dilag ang nagbukas ng pinto. Matangkad ang babae. Pang-model ang hugis ng katawan. Matangos ang may kaliitang ilong, mahaba ang pilik-mata at mahaba ang buhok nitong kulay-abo. Nakangiti itong humarap sa kanya. Nakasuot ng sandong puti at isang maluwag na puting shorts. Ngumiti siya sa kaibigan. “Tuloy ka,” anyaya nito sa kanya. Pumasok siya habang ang paningin ay kung saan-saan dumadako. May kalakihan ang inuupahang apartment ng babae. “Kumusta?” usisa ni Yannie. Inangkla nito ang braso sa kanya saka iginiya siya ng babae sa munting sala nito. Sa dulo ay ang higaan. Malinis ang kabuuan niyon. Maayos ang mga nakasalansan na libro sa isang maliit na bookshelf. Maaliwalas ang loob ng inuupahan ng kaibigan niya. “Okay lang. Ikaw ba?” tanong niya rito. “Ano ba'ng plano mo?” usisa niya sa kaibigan. “Huwag kang mag-alala. Ako na'ng bahala sa ‘yo. Sigurado akong makakakuha ka ng guwapo roon,” nakangiti nitong usal. Ngumiwi siya. “Para mo naman akong binubugaw niyan,” usal niya. Nalukot ang ilong niya sa isiping magba-bar sila mamaya. Silang dalawa lang. At galing pa rito ang ideyang iyon. “Nasobrahan ka ng kainosentehan Isla,” irap ng kaibigan. Mabilis dumaan ang oras at maggagabi na. Binuksan ni Yannie ang tokador saka naghanap ng damit doon. “Malay mo, suwertehin kang makapag-asawa ng mayaman. Ano ka ba?” natatawang wika nito. Tumawa lang siya. “In your dreams!” mas lalong lumakas ang tawa niya. Ako? Makakapag-asawa ng mayaman? Parang imposible naman yata ‘yon. Unang-una, sakto lang ang pangangatawan ko. Hindi tipo ng mayayaman. Pangalawa, pang-middle class lang ang ganda ko. Kalokohan. “Pupunta ako roon para mag-inom, Yannie. Huwag mo akong ibenta,” pinal na saad ni Isla. Nangunot ang noo ng kaibigan ni Isla dahil sa tinuran niya. “Sus, kung ibebenta kita siguradong yayaman ako,” tumatawang anito. Naghagilap ang babae ng stiletto sa ilalim ng damitan nito. “You look like a model. Soft-spoken, yet fierce lady.” “Tss. Nasasabi mo lang ‘yan para gumaan ang pakiramdam ko.” “Seriously, Isla!” sigaw ng kaibigan. Pinandilatan siya ng babae. Ngumuso siya. “Whatever!” Pagtatapos niya sa usapan. Baka kasi mapunta pa sa kung ano pang paksa kaya mas mabuti nang tapusin na lang. “Gutom ka na ba?” nag-aalalang tanong nito. “Hindi pa naman,” sinserong sagot niya. Hindi pa naman siya nakakaramdam ng gutom. Excited lang talaga siya sa gala nila mamaya. Si Yannie na rin ang pumili ng isusuot ni Isla. Isang pulang damit at pulang stiletto ang iniabot ng kaibigan sa kanya. “Bakit ganito?” tanong niya. Nanlaki ang mata niya nang makita ang kabuuan niyon. “Bakit? Ano ba'ng gusto mo?” “Pantalon!” “Gaga ka ba?” napatampal sa sariling noo ang kaibigan dahil sa sinabi niya. “Ang ikli naman nito, Yannie! Kaloka ‘to oh,” tanggi niya. Mas lalo lang siyang napaiyak nang hinuhubad ni Yannie ang t-shirt niya. “Sus! Tigilan mo ako,” tawa nito. “Ano ka ba? Ito na lang ang susuotin ko, Yannie. Nakakahiya naman ‘to,” reklamo ko. “Huwag kang OA! Bagay nga ‘to sa ‘yo. Umayos ka!” singhal nito sa kanya. “Aayusan na kita,” anito. Itinulak siya nito papasok sa banyo. Wala siyang nagawa kung ‘di ang magbihis at huwag magreklamo. Hingal na hingal siya dahil hindi niya maabot ang zipper sa likod ng damit na isinuot niya. Hapit na hapit ito sa katawan niya na para bang ginawa iyon para sa kanya. Mahaba ang plantsado niyang buhok. Itim na itim iyon. Nakahinga siya nang maluwag nang matapos sa pagsara ng zipper. Lumabas siyang humahaba ang nguso dahil hiyang-hiya siya sa suot. Nakangiti si Yannie nang mabungaran niya ito. Nakapameywang nitong pinasadahan ang kabuuan niya. Kapagkuwan ay tuwang-tuwa itong pumalakpak sa ere. “Wow, Isla! Ang ganda mo!” tili nito. Ngiting-ngiti pumaikot si Yannie sa kanya. “Bagay na bagay sa ‘yo! Kaloka ka, may itinatago ka pa lang ganda, ah!” tukso nito. Malakas na tumawa ang kaibigan habang iniharap sa kanya ang heels. “Tss. Mambobola,” singhal niya. Pigil na pigil niya ang sarili kahit na natatawa na rin siya sa inasta ng kasama. “Duh! Ayan ka na naman. Kontrabida,” ngiwi nito. “Umupo ka na rito at aayusan na kita.” Turo nito sa silyang nakaharap sa salamin. Tahimik siyang sumunod sa gusto ni Yannie. Wala siyang nagawa kung ‘di ang umayos ng upo at huwag ng magreklamo. Kung ano-ano'ng mga bagay ang inilalagay nito sa mukha niya. Pakiramdam niya ay ang lagkit ng balat niya. Dumadagdag pa ang mainit na panahon. Mabuti na lang at may aircon sa kwarto. Pagkatapos ng kaibigan sa ginagawa ay saka tumayo si Isla. “Look at yourself, girl! My God! Parang girl crush na kita!” natatawang sambit ng kaibigan. Kilig na kilig ito. “Thank you. Wow! Hindi ko makilala ang sarili ko!” namamanghang sambit ni Isla. Saktong-sakto lang sa kulay ng balat niya, ngunit parang pulang-pula naman yata ang labi niya. “Sexy na, maganda pa. Ay sus, baka nga hindi ka na makakauwi mamaya sa inyo, eh,” komento ni Yannie. Natakot si Isla sa tinuran ng kaibigan. “Bakit naman? Ibebenta mo ako?” kinakabahan niyang tanong. Napahawak siya nang mahigpit sa suot. Biglang nandilim ang paningin ni Yannie dahil sa sinabi niya. “Gaga ka ba? Bakit naman kita ibebenta? Kaloka ka,” nakangiwi nitong turan. Kaagad naman siyang nakampante. “What I mean is, baka mamaya may mag-uuwi sa iyo. Baka nga makahanap ka mamaya ng mapapang-asawa mo. Ganoon ‘yon. Huwag kang praning!” asik nito. Ito naman ang pumasok sa banyo upang magbihis. Napabuga siya ng hangin. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang may mangyayari mamaya? Bakit parang natatakot ako sa mga sinabi ni Yannie? Magkatotoo kaya ang mga ‘yon? Bumuntonghininga siya saka pinasadahan ng tingin ang sarili. Ngayon lang siya nagsuot ng ganito kagandang damit. Malakas ang dating. Napangiti siya. Maganda ang pagkaka-make up sa kanya ni Yannie. Napakurap siya nang mapagtanto kung gaano niya pala hindi napapansin ang sarili. Lahat nagsasabi na maganda raw siya ngunit hindi niya iyon makita. Hindi niya iyon maramdaman. Nang makapagbihis si Yannie ay ito naman ang nag-ayos sa ng sarili. Todo naman si Yannie sa pagtuturo sa kanya kung paano maglagay ng kolorete sa mukha. Kung ano ang tamang nilalagay sa pisngi at iba pang parte ng mukha. Kung ano ang dapat gawin at kung paano. Tahimik lang siyang nakikinig sa pinagsasabi ng kaibigan. Nagmamadali silang pumara ng taxi. Sa daan ay aligaga si Isla. Kinakabahan siya at hindi niya alam kung bakit. Siguro kasi first time niyang gumala ng gabi? First time niyang iinom. Siguro nga. Masyado lang siguro siyang excited kaya ganito ang pakiramdam niya ngayon. Nanlalamig sa kaba. “Dito na lang, Kuya,” para ni Yannie. Dinala ni Yannie si Isla sa The ZKEs. Isang sikat na bar. Mag-aalas-nuwebe na kaya marami na ang tao nang makapasok sila. Regular na costumer si Yannie rito kaya kilala na ito ng mga bartender. Ang ibang waiter ay kaibigan na rin nito. Pakiramdam ni Isla ay wala siya sa lugar dahil siya lang ang hindi pamilyar sa ganoong klase ng pag-iinom. Nagpalinga-linga siya. May mga nagtatawanan sa kabilang table. Ang iba naman ay nasa harap ng counter habang matamang nakatingin sa bartender na nagsasalin ng alak sa baso. Maganda ang lugar. Maaliwalas at hindi magulo. Krema ang kulay ng tiles sa sahig habang grey naman ang kulay ng pader. May mga iba’t-ibang kulay ng ilaw. Pakiramdam ni Isla ay nahihilo siya. “Madalas ako rito,” panimula ni Yannie. Nauna itong naglalakad sa kanya. Nanginginig siyang sumunod sa kaibigan. “Just relax, Isla. Masyado kang tensyonado,” pahayag ni Yannie nang mapansin ang pagiging balisa ni Isla. Hinawakan nito ang kamay ni Isla saka marahang hinila. “Kasi naman, ang daming tao rito. Nahihilo ako,” reklamo ni Isla. Ngumiwi siya pero hindi iyon pinansin ng kaibigan. “Akala ko ba gusto mong uminom?” tanong nito. Iginiya siya nito sa isang bakanteng upuan. “Dito tayo,” anito. Sabay silang naupo. Tahimik lang siyang nakatingin sa paligid. Naliliyo siya sa labas-masok na mga tao. Mga sumasayaw sa dance floor. May nagtatawanan, nagsisigawan dahil sa lakas ng musika. Hindi siya sanay sa ganitong buhay. May naglapitang mga kaibigan ni Yannie, nagpapakilala pero wala sa mga ito ang atensyon ni Isla. Si Yannie na rin ang nag-order ng maiinom. “Ano ba'ng sa ‘yo?” tanong nito sa kanya. “Hindi ko alam. Ano ba dapat?” nag-aalangang tanong ni Isla. “Hmm. Sige, akong bahala,” nakabungisngis na sabi ni Yannie na ikinatakot niya. “Don’t play with me, Yannie,” reklamo niya sa kasama. “Of course not! Huwag kang praning. Mag-enjoy ka lang d'yan.” “Aasahan ko ‘yan.” “Duh! Ako ang bahala sa ‘yo.” Pinabayaan ni Isla si Yannie sa kung ano ang gusto nitong gawin. Palipat-lipat ang babae ng mesa habang nakikipag-usap sa kung sino-sino. Hindi na lang umimik si Isla. Tahimik siyang uminom ng sariling inumin. Ayaw niya itong istorbohin dahil aliw na aliw ang kaibigan sa ginagawa. “Hey,” untag ni Yannie sa kanya. Tumaas ang isang kilay ni Isla. Pakiramdam niya ay may masamang balak ang kaibigan at nakikita niya iyon sa paraan ng pag-ngisi ng kasama. Ramdam niya na rin ang tama ng alak sa kanyang katawan. Pumungay ang mga mata ni Yannie saka ininguso ang gawi kung saan naroon ang isang lalaking kanina pa tinitingnan ni Isla. “Do you see that guy? That’s Ash Herson de’Vlaire, the CEO of de’Vlaire Group of Companies. Mailap ‘yan sa mga babae,” pagkukuwento nito. Tumaas ulit ang isang kilay niya. Hindi siya interesado pero nai-intriga siya. “So? What’s with him?” usisa ni Isla. Kahit iniisip niyang hindi siya interesado sa lalaki ay sadyang hindi niya maiwasan ang magtanong. Sabi nga nila, curiousity kills. “Well, I want you to hook up with him. Just this night,” hamon ni Yannie. Ngumiwi si Isla ngunit kaagad din namang napangisi. “Whatever,” usal niya. Hindi na siya nagreklamo. Walang masama kung gagawin niya ang hamon ng kaibigan. Tumawa lang si Yannie saka umalis na naman. Hindi alam ni Isla kung pang-ilang baso na niya ang iniinom dahil basta-basta lang siyang uminom. Hanggang sa namalayan niya na lang ang sariling naglalakad sa dagat ng taong nagsasayawan. Dinala siya ng kanyang mga paa sa harap noong lalaking hindi niya kilala. May naka-angkla ritong babae ngunit kitang-kita sa mukha nang lalaki na hindi niya ito gusto. “I’ve been looking for you, love,” usal ni Isla. Muntik na siyang madura dahil sa sinabi. Ash Herson de’Vlaire! That’s his name. Bagay na bagay sa lalaki ang pangalan nito. Makinis at mapusyaw ang balat. Halatang hindi naaarawan. Ang perpekto nitong panga ang nakakuha sa kanyang atensyon. Maitim ang pino nitong buhok. Matangos ang ilong at ang makakapal na kilay ay nakakadagdag sa maganda nitong mukha. Maganda ang hubog ng katawan. Sigurado siyang palagi itong nag-i-ehersisyo. Nakaupo ang lalaki ngunit pansin niyang matangkad ito. Kung tatayo ang binata ay sigurado siyang titingalain niya ito. Napansin niya rin ang pagtaas-baba nang adams apple ng binata. Lihim siyang napangiti. Mukhang gumagana ang panghi-hipnotismo niya sa lalaki gamit lamang ang kanyang simpleng ganda. Hinimas niya ang pisngi nito, pababa sa kanyang matigas na dibdib. Napalunok ang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Epekto ba ‘to ng alak? O sadyang malikot lang ang aking mga kamay? Lumapit pa siya ng bahagya. Napaatras ang unang babaeng lumapit sa binata. “Nandito ka lang pala,” usal niya rito. Hinalikan ni Isla ang tungki ng ilong ni Ash, napapitlag ito sa gulat. Ngumiti si Isla saka binalingan ang babaeng nakataas ang kilay sa kanya. Halatang naiinis sa ginagawa niya. “Sorry, he’s with me,” wika niya sa babae. Ibinalik niya ang paningin sa lalaki saka hinigit ito papalapit sa kanya. Hindi nakaimik ang binata. Kahit ang gumalaw ay hindi nito magawa. Para bang naestatwa ito sa kinauupuan. Siniil niya ito ng halik. Nandidiri at galit na umalis ang babae sa harap nilang dalawa. Doon lang si Isla natauhan sa kanyang ginawa. Gusto niyang sampalin ang sarili. Kahihiyan. Kahihiyan ang bumalot sa kanya nang sandaling iyon. Hindi na siya iinom pa. Bahagya niyang itinulak ang lalaki at lumayo ng kaunti. “W-What?” naguguluhan tanong ng lalaki sa kanya. Ang mga mata nito ay halatang dismayado na para bang nanghihinayang at tinapos kaagad ni Isla ang ginawa niya rito. Ngumiti siya habang nagpupuyos ang binata sa inis at pagkapahiya. “Are you teasing me?” inis nitong tanong. Naiinis din naman si Isla sa kanyang sarili. Ikinuyom niya ang kamao upang pigilan ang hiyang naramdaman. Ano ang ginawa mo, Isla? Inipon niya ang natitirang lakas ng loob saka humarap sa lalaki. Pigil-hinga siyang nagsalita. “Ganito ba talaga ang sinasabi nilang Ash Herson de’Vlaire? Ha! You’re easy to get, buddy,” wika niya rito. Hindi niya alam kung bakit iyon ang naisatinig niya. Gusto niyang batukan ang sarili. Ang nainom na alak ang sinisisi niya. “Nagpapatawa ka ba?” inis na tanong ni Ash sa kanya. Napamaang ito sa sinabi ng babae. “Of course not,” nakangising usal ni Isla. “Bakit? You want proof?” binigyan niya ito ng ngiting nakakainis. Lumapit pa siya saka hinimas ang bukol sa pagitan ng mga hita ng lalaki. Bahagya itong napapitlag sa gulat. Ano’ng nangyayari sa ‘yo, Isla? Lihim siyang napalunok. “Eh, ano ‘yan? Bakit nagkaganyan ‘yan, ha?” natatawang asar niya sa lalaki kahit pakiramdam niya ay namumula na siya sa hiya. Ibinalik niya ang paningin sa hawak na bote ng beer. Marahas siyang uminom doon. “Niligtas lang kita mula sa babaeng haharot sana sa ‘yo kanina. Just be thankful. Anyway, I’m not into you,” pagbibigay-alam niya rito. Bigla siyang nakaramdam nang pagkahilo. Kailangan na niyang lumabas. Nahihilo siya dahil sa dami nang mga tao sa loob. “Thanks for the kiss, Handsome!” nakangiting usal niya. Mabilis siyang tumayo at inayos ang suot. “I hope you’re having a hard . . ." sambit niya. Ngumisi pa siya saka sumulyap sa ibabang parte ng katawan nang lalaki bago nagsalita ulit. “. . . time,” malambing niyang usal. Malalaki ang kanyang mga hakbang nang tuluyang lisanin ang lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD