Chapter 3
Nagising ang diwa ni Isla dahil sa bango ng comforter na nakabalot sa kanya. Ang malambot na kama ay mas lalong nagbibigay ng magandang pakiramdam sa kanya. Ngayon niya lang napansin na ganoon pala kalambot ang kanyang kama.
Kailan ko nga ba ito binili? Pikit-mata niyang niyakap ang unan.
Mabango.
Kailan pa naging ganito kabango ang unan ko? Hindi niya maalala. Dumilat siya. Maputing kisame ang bumungad sa kanya. Napabalikwas siya nang bangon at dahil sa biglaan niyang pagkilos ay nahilo siya. Muntikan pa siyang mahulog sa kama.
“Nasaan ako?” bulalas niyang tanong. Nahihilo siyang nagpalinga-linga nang mapagtantong nasa ibang kuwarto siya. Mali, hindi ito kuwarto, parang bahay na 'yon sa sobrang laki.
“Ano ang ginagawa ko rito?” tanong niya. Napatingin siya sa suot na damit. Nagpasalamat siya dahil suot niya pa rin ang damit niya kagabi. Sandali! Si Yannie? Hala!
Hinanap niya ang kanyang maliit na bag. Nasa tabi lang ito ng lamp-shade. Kinuha niya iyon saka hinanap ang cellphone. Nang makita niya ang hinahanap ay nanlaki ang mga mata niya dahil sa dami ng tawag at text mula kay Ate Christine at Yannie.
“Hala! Paano na ‘to? Anong oras na ba?” nalilitong usal niya. Napatayo siya nang makitang mag-aalas dos na ng hapon. Mahuhuli na siya sa trabaho. Pang-gabi pa naman ang iskedyul niya.
“Bakit ba ako napunta rito?” tanong niya. Habul-habol ang hiningang tinakbo niya
ang banyo. Mabuti na lang at mabilis niya lang nahanap at baka maka-ihi na siya sa sahig.
Kaagad rin siyang naghugas ng kanyang kamay bago naghilamos. May nakita rin siyang toothbrush na nakabalot pa kaya ginamit na niya iyon. Nagpunas siya gamit ang maliit na tuwalyang naroon saka inayos ang nagusot niyang damit.
“Kanino kaya ang bahay na ‘to? Baka na-kidnap ako dahil sa katangahan ko kagabi? Hala,” naghuhuramentado ang isip niya. Taranta siyang lumabas ng banyo at tinungo ang pinto ng kuwarto. Kinakabahan man ay tinatagan niya ang kanyang loob.
Hubby . . .
“A-Ano ‘yon?” utal na tanong niya nang biglang maalala ang mga piraso ng memorya ng nangyari kagabi. May lalaking lumapit sa kanya.
Lalaki? Sino? Hindi kaya sa kanya ang kuwarto na ‘to? Bigla siyang nahiya sa naisip. Bakit naman siya dadalhin ng kung sinumang tao sa pamamahay nito?
Napatili siya nang bumukas ang pinto. Iniluwa roon ang isang magandang lalaki na hindi niya maalala kung saan niya nakita. Napaatras ito nang makita siyang nakatayo roon.
Wait! Parang kilala ko siya, hindi kaya . . . Ash Herson de’Vlaire!
Ano ang ginagawa ko rito sa kuwarto niya?!
“Why are you staring at me like that?” tanong nito sa kanya.
“Ah, ano . . .” pigil ang hiningang usal niya. “W-why am I here?” utal na tanong niya.
Bahagya itong napangiwi dahil sa tanong niya.
May ginawa ba ako kagabi? Ano ang nangyari? My God, Isla, anong katangahan ‘to, ha?! Palihim niyang kinurot ang sarili dahil sa hiya.
“Oh, you don’t remember?” nakangising tanong ng lalaki. “Nagpumilit ka lang namang sumakay sa kotse ko kagabi,” pagbibigay-alam nito sa ginawa niya. Napamaang siya sa narinig.
“Ako?” tanong niya habang nakaturo sa sarili. Hindi makapaniwala sa narinig.
Ako? Nagpumilit? No freaking way! Ang isang Isla Maureen Del Rio. Ha! Isa akong probinsyana kaya hindi ko magagawa ang ibinibintang niya!
“Really?” tanong niya pa, hindi naniniwala sa sinabi ng binata.
“I have a video of you dancing in my room,” usal nito. "Naked." Bahagya pang tumawa ang lalaki. “You wanna see it?” nanghahamon nitong tanong sa kanya.
“No, don’t! Please, delete it!” pagmamakaawa ni Isla sa lalaki. “Please,” nakiki-usap na usal niya.
“Well, buburahin ko iyon kong papayag ka sa gusto ko,” anito.
Being the good girl that she is, she nodded her head in approval. “Sige, ano naman ‘yon?” usisa niya.
“Hmm, simple. I want you to marry me,” diretsong saad ng binata na ikinagulat ni Isla. Nanlalaki ang mga mata niya, maging ang ilong niya ay umuusok.
Simple? Nasaan ang simple roon?
“Nasa tamang pag-iisip ka pa ba?!” inis na tanong niya rito. Napabuntonghininga siya. “Sino naman ang maniniwala sa sinasabi mo?!” singhal niyang tanong dito.
“Ikaw. I want you to marry me.”
Bilib din naman siya sa confidence level ng lalaking ‘to. “Okay ka lang? Wala ka bang sakit? O, baka nasapian ka noong mga masasamang ispirito sa labas at naging dahilan upang mag-alok ka ng kasal!" singhal niya.
"Look, woman. I'm serious. I'm so f*****g serious," seryoso nitong sabi. "Kung ayaw mong i-post ko ito sa social media at kung ayaw mong kuyugin noong mga tagahanga ko ay papayag ka sa gusto ko," dagdag pa ng binata.
Bumuga siya ng hangin. Gusto niyang sakalin ito ngunit alam niyang isang pindot lang nito sa hawak na cellphone ay talo na siya. "Pag-iisipan ko," wika niya.
"What?" nalilito nitong tanong. Akala siguro ng lalake ay mapapayag siya nito ng ganoon kabilis. Kailangan niyang mag-isip.
“Wala! Nasaan ba ako, ha?” inis niyang tanong. Kailangan na niyang umuwi dahil may trabaho pa siya. At isa pa, kanina pa naghihintay si Christine sa bahay. Sigurado siyang babatukan siya nito dahil hindi siya nakauwi kagabi.
“We are at the top of VGC condominium,” anito. “In my room.”
Top? Ibig niyang sabihin nasa tuktok kami ng building? Napatakbo siya papalapit sa bintana at ganoon na lang ang gulat niya nang makita kung gaano kataas iyon. Nahugot niya ang hininga saka umatras ng ilang hakbang. Pakiramdam niya kasi ay hinihila siya nito pababa dahil sa taas niyon.
“Ilang floor ba ‘to?” usisa niya.
“A hundred.”
“Sandali,” pigil na usal ni Isla. “Bakit mo ako inaalok ng kasal?” pag-uusisa niya
“Bakit? Gusto ko lang, and don’t worry, I can offer you money if you want. Hindi mo na kailangang magtrabaho kapag nagpakasal ka sa akin.”
“At bakit parang sigurado kang magpapakasal ako sa ‘yo? Ha?”
“Because of money. That’s what most women wants from me.”
Mayabang ‘to ah! Ano ang akala niya sa sarili niya? Hindi niya ako madadala sa pera. Kainin niya ‘yang pera niya!
“Ano ang akala mo sa ‘kin? Mukhang pera? Hoy, I don’t even know you!” singhal niya sa mukha nito.
Wala akong pakialam kung masabihan niya akong asal-kalye, mukha naman siyang kanal, Pwe! May guwapo bang kanal? Napaayos siya ng tayo.
“What? How come you don’t know me? I am Ash Herson de’Vlaire for Pete’s sake!” hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.
“Wow! Hoy, Mister na mayabang, hindi lahat ng tao ay nakasunod sa mga kilos mo. Hindi lahat ng tao ay may pakialam sa ‘yo, okay?”
Ash mo mukha mo! Pangalan mo lang ang alam ko!
“What? You call me, mayabang?”
“Bakit? Hindi ba?”
“No way!”
“No way?”
“You’re driving me crazy, woman!" inis nitong turan.
“Mas nababaliw ako sa mga pinagsasabi mo! Wala ka sa hulog. Tabi at lalabas na ako!” malakas na singhal ni Isla. Pinigilan siya nito ngunit mabilis niyang natabig ang kamay ng lalaki.
“Uuwi ako! Alis!” pagtataboy niya rito.
Sino namang timang ang papayag maikasal sa isang arogante at mayabang na kagaya niya? At isa pa hindi kami magkakilala? Naalala niya si Yannie. Hindi kaya, totoong ibenenta niya ako? Humanda kang babae ka!
“Pagtitinginan ka ng mga tao sa labas. Lalabas kang ganiyan ang itsura?” tanong nito.
“Oo, pakialam mo ba? Hindi ba ikaw ang nagdala sa akin dito? Bakit hindi mo ako ihatid? Kainis ‘to!” singhal niya.
Kinakain na siya ng inis at pakiramdam niya ay sasabog na siya. Hindi niya na ito tiningnan pa at dire-diretso siyang lumabas ng condo. Muntik pa siyang matapilok dahil sa taas ng takong niya.
“Ang taas ng tingin sa sarili! Tse!” pagmamaktol niya sa loob ng elevator.
Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyan siyang makababa. Napapitlag siya sa gulat nang tumunog ang cellphone niya. Nanginginig ang mga kamay na sinagot niya iyon.
“Hoy, babae!”
Nailayo niya ang hawak na cellphone dahil sa lakas ng sigaw ng kaibigan niyang si Yannie sa kabilang linya. “Oh? Bakit?” nakangiting tanong niya kahit hindi siya nakikita ng kausap.
“Buwisit ka! Saan ka ba nagpunta kagabi? Ha? Mas lalo akong nahilo kahahanap sa ‘yo! Hindi mo sinasagot ang cellphone mo, tanga! Napagalitan ako ni Ate dahil sa ‘yo. Alam mo bang sinugod niya ako rito? Umuwi ka na!” paglilitanya ng kaibigan.
Nagitla siya sa narinig. Ngayon pa lang ay alam na niyang galit si Ate Chris. “Eh, ano kasi,” nauutal niyang sagot. Naghahagilap ng tamang sagot. “Nasa condo ako ni Ash,” pag-amin niya.
Walang sumagot.
“Hello? Yannie? Nariyan ka pa ba?” tanong niya. Katahimikan ang bumalot sa kabilang linya. “Hoy!” malakas na sigaw niya.
Napatalon siya nang bigla itong nagti-tili. Tumatawa na para bang tuwang-tuwa ito sa narinig.
“Tama ba ‘yong narinig ko? Nasa condo ka? Condo ni Ash Herson de’Vlaire? My God, Isla! Ang galing mo!” puri ni Yannie.
“Ano? Akala ko ba, nag-alala ka sa ‘kin? Bakit ngayon parang ayaw mo na akong pauwiin?!" singhal niya.
“Well, akala ko kasi nasa maling tao ka, ganoon. Supportive ako,” sabi nito at tumawa nang malakas.
"Buwisit ka! Uuwi na nga ako,” usal niya.
“Bakit? Pinalayas ka na? Ano? Naumay na kaagad sa ‘yo?” usisa ng kaibigan. Napangiwi siya.
“Ano ba’ng pinagsasabi mo riyan? Umay? Walang nangyari, kainis ‘to,” inis niyang turan.
“Wow! Naiinis ka kasi walang nangyari, ganoon? Sa akin ka pa talaga nagalit!” singhal ni Yannie.
“What? I’m not mad! My God, Yannie! Mag-usap tayo mamaya. Kailangan kong makalabas dito,” pinal na wika niya.
“Sige. Balitaan mo ako. Naku! Sigurado akong matutuwa si Ate Chris hahaha!”
“Gaga ka ba? Ako na ang magsasabi. Saka mas lalo lang ‘yong magagalit sa ‘kin.”
“Whatever! Bye, enjoy!”
Pinatayan siya nito ng cellphone.
Ano raw? Enjoy? Ano ang ma-e-enjoy ko rito? Panoorin ang sarili? Kakaiba talaga ‘to mag-isip si Yannie.
Nagmamadali siyang naglakad. Nasa front desk na siya nang biglang may nagwawalang babae. Galit na galit ito at nagsisigaw.
“Why are you not letting me in?!” inis na singhal ng babae sa nakayuko at papaiyak ng empleyado.
“Ma’am, utos po ni Sir Ash na huwag kayong papasukin. May bisita po siya,” nanginginig na usal ng empleyado.
“What? Bisita? Kailan pa tumanggap ng bisita si Ash!?”
Ash? Ibig niyang sabihin ‘yong mayabang? Hala! Ako ‘yon! Ano’ng gagawin ko? Papalapit na siya sa exit nang makita siya ng empleyado.
“Hala, Ma’am!” tawag nito sa kanya.
Sunod-sunod na umiling si Isla ngunit huli na ang lahat.
“What?” inis na usal ng babae. Nanlaki ang mga mata ng babae nang dumapo sa kanya ang paningin nito.
“Siya ba? Siya ba ang bisita?” usal ng babae habang tinuturo siya.
Bigla itong sumugod kaya napatili siya sa takot. Para itong tigre na handa nang kumain ng tao. Bigla siya nitong sinabunutan at hindi siya handa kaya naman napasigaw siya sa sakit.
“Aray! Bitiwan mo ako!” singhal niya. Mabilis niyang nahablot ang buhok ng babae. Kahit mukha siyang kaapi-api ay lalaban pa rin siya.
“What did you do? Kailan pa tumanggap ng bisita si Ash! Ha? Tapos babae pa talaga? Babae pa!”
“Pakialam mo! Wala namang kayo!” singhal niya rito kahit hindi niya alam kung kaano-ano ito ni Ash.
“Malandi ka! Mang-aagaw!”
“Buwisit ka!” sigaw niya sa inis. Hindi man lang muna nagtanong.
“Ouch! You filthy b***h! Get off me!”
“Huwag mo akong ma-english-english!” sigaw niya.
Mas hinigpitan ni Isla ang pagkakahawak sa buhok ng babae. Naramdaman niyang may nalalagas na buhok dito kaysa sa kanya at alam niyang hair extensions lang iyon. Paano ba naman, eh, ang arte-arte nang pagkakasabunot ng babae sa kanya. Pilit na umaawat ang mga security guard sa kanilang dalawa.
“Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako, ano ba!” sigaw niya. Nasasaktan na siya.
“You get your f*****g hands off of me!” sigaw pabalik ng babae. Nang mabitiwan niya ito ay kaagad siyang hinawakan ng mga security guard sa magkabilang balikat.
“I will sue you! You ruined my dress!” sigaw nitong banta sa kanya. Inirapan lang ito ni Isla.
“Ha? Dress na ‘yan sa ‘yo? Eh, mukha naman ‘yang daster! Duh, mukha kang Nanay!" inis niyang sabi. Nagpupumiglas siya dahil sa higpit nang pagkakahawak ng mga guard sa kanya.
Biglang bumukas ang elevator at lumabas doon ang nakakunot-noong si Ash. Nabitiwan siya ng mga guard kaya wala siya nagawa kung hindi ang tumakbo papalapit sa lalaki.
“Ash!” tawag ng babae pero sa kanya nakatingin si Ash.
“Hubby!” malambing na tawag ni Isla.
Pansin niyang nagulat ang lalaki ngunit kaagad nitong ikinubli ang emosyon. Naiiyak siya dahil nahihilo siya sa ginawa ng babae. Masakit ang ulo niya pati ang mga kamay. Umaatake rin ang migraine niya. Marahan niyang hinilot ang sentido dahil nasusuka siya.
“What happened?” galit na tanong ni Ash. Napangiwi siya nang makaramdam nang bahagyang kirot sa sentido. Kumapit siya sa damit ni Ash nang makaramdam ng pagkahilo.
“That woman hit me!” biglang sumbong ng babae.
Natigilan siya nang mataman siyang tinitigan ni Ash. Nanginginig na rin siya sa takot. Baka kasi makulong siya. Hindi niya naman kilala ang babae pero sigurado siyang kilalang tao ito. Kahit pa sabihing ito ang nauna manakit sa kanya, madali lang paikutin ng mga ito ang batas at siguradong wala siyang laban.
“I’m not asking you, Elise,” usal ng katabi niya. Natigilan ang lahat nang marinig ang sinabi ng binata.
“W-What?” naguguluhang tanong ng tinawag nitong Elise.
Elise pala pangalan niya? Parang pang-malandi, eh.
“I’m asking my wife, here,” saad ni Ash.
Napasinghap si Isla ng biglang magtama ang kanilang mga mata ng binata. Pansin niyang natatawa ito sa kanyang itsura. Hindi pa nga siya naliligo. Ang baho na niya siguro.
“Wait, what? You call that woman your wife?” hindi makapaniwalang tanong ng tinawag nitong Elise.
Itinaas ni Isla ang kamay saka ipinakita sa rito ang palasingsingan niya. Mabuti na lang at isinuot niya ang nakita niyang singsing sa night stand kanina at nakalimutan na niya iyong tanggalin. Naligtas tuloy siya ngayon. Bumaling siya kay Ash. Nakakunot ang noo nito habang pinasadahan siya ng tingin.
“What happened?” usisa nito sa kanya. Biglang nag-iba ang tono ng lalaki. Para bang ibang tao ang nagtanong niyon.
“Well, that Elise-Monkey attacked me,” sumbong niya.
“Monkey?” nakataas ang kilay na tanong nito. Hindi man ito tumawa ay nakikita naman sa mga mata nito na aliw na aliw ito.
“Yeah. That Elise monkey, attacked me.” Itinuro ni Isla ang nakasimangot na si Elise. “Bleh!” pang-iinis niya pa sa babae.
“Tss. Childish,” tumatawang turan ni Ash ngunit nasa kanya ang paningin ng binata. Bumaling ulit si Isla sa babae.
Nalukot ang ilong nito. Bigla siya nitong binato ng hawak na purse. Nasapol siya sa noo. Mabilis niyang nahawakan iyon. Mas lalo lang siyang nahilo dahil sa lakas nang pagkakasalpok niyon sa kanyang noo. Mabilis siyang dinaluhan ni Ash at tiningnan ang tinamaan.
“Elise! I’m warning you!” banta ni Ash.
Dahil sa inis ni Isla ay hinubad niya ang suot na sapatos saka ibinato iyon sa gawi ni Elise. Nasapol ito sa mukha! Nagulat siya dahil hindi niya intensyong tamaan ang babae.
“Ouch!” sigaw ni Elise. “Oh my God!” bulalas pa ng babae.
“Drama Queen! Ikaw ang nauna! May CCTV dito, huwag kang OA!” sigaw niya rito.
“Stop it!” mariing utos ni Ash kaya tumigil si Isla saka umayos ng tayo.
“What, Ash? You’re not going to do anything? She f*****g hit me!” sigaw ni Elise.
“Well, you hit her first, Elise. You’re not a baby anymore,” sagot ni Ash. Hinawakan siya nito sa braso saka iginiya pabalik sa elevator. Nakaramdam siya nang panghahapo. Tinanggal niya ang isang sapatos. Hindi niya kasi nakuha ang kapares niyon.
“Are you okay?” usisa ni Ash sa kanya.
“Medyo,” sagot niya. “Sino ba ‘yon? Bigla na lang nang-aaway, ah,” nakanguso niyang sabi.
“She’s Elise Vallejo, my childhood friend,” sagot nito.
“Sus! Friend lang pala kung maka-inarte akala mo asawa. Pwe!” singhal ni Isla.
“You’re funny,” tumatawang komento ng lalaki.
“Paano naman ako naging funny? Ikaw kaya bugbugin ko tingnan natin kung nakakatawa ba.”
“Sorry.”
“Ewan ko sa ‘yo.”
“Ihahatid kita sa inyo mamaya. Maligo ka muna,” utos ni Ash.
Inamoy ni Isla ang sarili. “Mabaho na ba ako?” tanong niya. Suminghot-singhot pa siya. “Hindi pa naman, ah,” usal niya.
“Not really, but you look like someone had f****d you up,” komento ni Ash.
“Bastos!”
“What? Ikaw ang bastos! Kung anu-ano ang iniisip mo,” depensa ng lalaki.
“Psh! Ewan.”
Hindi na lang siya umimik. Tahimik lang na sumunod si Isla sa binata hanggang sa makabalik sila sa kwarto ng lalaki. May nakahanda na roong damit at iba pang gamit na pangbabae. Tahimik siyang kumilos at hinanda na ang sarili.