Episode 4

4195 Words
Chapter 4 Ilang beses nang nagri-ring ang cellphone ng kaibigan ni Ash na si Vahn. Kanina pa niya ito tinatawagan ngunit hindi ito sinasagot ng binata. Nakaupo siya sa sofa sa sala nang makauwi galing sa main house. Hindi niya pa rin makalimutan ang sinabi ni Elise kanina. Ano kaya ang ibig nitong sabihin? "Vahn," panimula ni Ash nang sagutin ng kaibigan ang tawag. "I have a favor to ask," usal niya. "Yeah?" paos ang boses na tanong nito sa kanya. Mukhang napuyat ito kagabi at kagigising lang. "What is it?" usisa ng kaibigan. "I will email her photo. I don't know her name, that's why I need your help. I want to know her name," sabi ni Ash. "What!" bulalas ni Vahn. "Dude! Nakabingwit ka!" singhal nito at sinabayan nang malakas na tawa. "Quit laughing, you moron!" asik ni Ash. Pinagtatawanan siya ng kabigan. Sa ilang taong pagtataboy niya ng mga babaeng lumalapit sa kanya ay sigurado siyang nagmumukha siyang katawa-tawa sa kaibigan. Pakiramdam niya ay hindi siya nito titigilan. "Whatever, dude! Sige. Titingnan ko kung may magagawa ako," usal nito. "Of course! Ano ang silbi n'yang pagiging lawyer at detective mo? Mag-engineer ka na lang," sagot niya sa kaibigan. "Ewan ko sa 'yo. Sige na at baka magising 'tong katabi ko," anito. Mabilis nitong pinatay ang tawag. Napabuntonghininga na lang siya. Typical for Vanh to bring girls in his house. Girls! Girls! Maya-maya lang ay nakatanggap siya ng text. Dude! Ang ganda naman ng chicks mo! Anyway, her name is Isla Maureen del Rio. Nagpadala siyang ng mensahe sa kaibigan. Thanks! Maya-maya lang ay nakatanggap ulit siya ng text. 'Yon na 'yon? THANKS? May bayad ang serbisyo ko. Ani Vahn na may kasama pang-angry emoji. Tumawa siya. Ulol! Bayaran mo 'yan. Isang kiss lang naman. Natawa siya sa nabasa. Mabilis siyang nag-type ng reply saka iyon isinend sa kaibigan. Kadiri! Hindi niya na pinansin ang iba pang text nito. Napapaisip siya. Babae! Iyon ang nasa isip niya pagkauwi galing sa main house. Babae ba talaga ang kahinaan ko? Kung ganoon ay matagal na dapat siyang natali kay Elise. Aaminin niyang mahirap siyang lapitan at hindi niya kailanman sinira ang patakaran niya pagdating dito. Maliban sa isa. Ang babaeng mahimbing pa ring natutulog sa kanyang kama. Kailanman ay hindi niya naisipang mag-uwi ng babae at dito niya pa talaga dinala sa condo niya. Ito lang talaga ang namumukod-tangi. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya at naging ganito siya kahina pagdating sa dalaga. Naisipan niyang magluto ng makakain. Sigurado siyang kumakalam na rin ang sikmura nito. Malapit na rin kasing magtanghali. Pagkatapos ay lumabas ulit siya upang bumili ng engagement ring. Bumili rin siya ng mamahaling bulaklak para sa dalaga at pagkapatapos ay nakangiti siyang bumalik sa condo. "Don't let people in, I have a visitor," utos niya sa empleyado na nasa front desk. "Kapag may naghanap sa akin sabihin mong wala ako," wika niya. Aligaga itong tumango. Hindi yata nito inaasahan ang kanyang presensya. Sino ba namang mag-aakala na kakausapin niya ang kanyang empleyado? Pakanta-kanta siyang sumakay sa eksklusibong elevator na para lang sa mga nakatira sa taas. Kaya hindi nakakapasok si Elise sa kuwarto niya dahil hindi niya ito binibigyan ng VIP card. Nang makapasok ay maingat niyang ipinatong sa night stand ang singsing na nakabalot pa sa isang magandang box. Ang bulaklak ay nasa tabi lang nito saka siya nagtungo sa banyo para ayusin ang sarili. Para siyang tanga sa ginagawa niya. Ano ba'ng dapat kong sasabihin? "Puwede ba kitang maging asawa?" tanong niya sa harap ng salamin. Yuck! Parang timang lang. Inayos niya ang suot na polo. "Ahem. Can you be my wife?" tanong niya ulit sa sariling repleksyon. Paano kung ayaw niya? "Whatever! I just need to spill the beans and I'm good to go," pinal na wika niya saka tuluyan nang lumabas. Sa sala siya naghintay. Ayaw niya namang magmukhang rapist kung nandoon lang siya sa loob ng kuwarto at matamang nakatitig sa natutulog na babae. Inaliw niya na lang ang sarili sa panonood ng pelikula. Nasa kalagitnaan na siya sa pinapanood nang makarinig siya ng kalabog mula sa loob ng kuwarto. Baka gising na ito ngayon kaya naisipan niyang silipin kung tama ba ang hinala niya. "Huwag naman sana siyang makasira ng gamit," sabi niya. Bumuga siya ng hangin saka walang kangiti-ngiting tinungo ang pinto. Nakatayo siya roon. Nagdadalawang-isip kung papasok ba o hindi. Tatayo lang ba siya roon o aalis? Hindi siya makapag-isip nang maayos. Dahil sa kuryusidad ay binuksan niya rin iyon. Halos matumba siya sa gulat nang pag-angat ng kanyang paningin ay nasa harap na niya ang babae. Nakatayo at tulala. Gulat na gulat na animo'y hindi makapaniwalang nasa harap siya nito. Ganoon ba ako kaguwapo? Napangisi siya. Kung ganoon ay mas maganda ang una nitong impresyon sa kanya. Mas madali niya itong makumbinsing magpakasal sa kanya. "Why are you staring at me like that?" tanong niya sa dalagang nakanganga sa kanya. Palihim siyang napangisi, hindi man lang ito kumurap kahit isang segundo. Baka na stroke? O kaya na starstruck sa sobrang pogi ko? Silly thoughts. Damn it! Kailan pa ako nag-isip ng ganito? Masusuka ako sa mga naiiisip ko. "Ah, ano . . ." napapasinghap na turan nito. "W-why am I here?" utal na tanong nito sa kanya. Napangiwi siya sa tanong ng babae. Sasabihin ko ba na kaya siya narito ay dinala ko siya kagabi? Umiling siya. Baka masampal lang siya nito. Pinanatili niya ang walang emosyong mukha sa harap ng dalaga. "Oh, you don't remember?" nakangising tanong niya rito. "Nagpumilit ka lang namang sumakay sa kotse ko kagabi," pagsisinungaling niya pa. Hindi niya alam kung bakit niya nasabi iyon. Bigla na lang kasing lumabas sa bibig niya ang mga katagang iyon ng walang paalam. "Ako?" usisa ng babae habang nakaturo sa sarili. Nanlalaki ang mga mata. "Really?" hindi makapaniwalang tanong nito. "I have a video of you dancing in my room," dagdag na usal ni Ash. "Naked." Bakit ba kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig ko? Lihim niyang pinagagalitan ang sarili. "You wanna see it?" tanong niya. Ipinakita niya rito ang hawak na cellphone. Naisip niya na ring paglaruan ang babae. Kung talagang wala itong maalala ay makakalusot siya. At kung mayroon man ay malilintikan siya. "No, don't! Please delete that," pagmamakaawa nito. Nagulat siya. Wala ba talaga itong maalala? "Please," nakikiusap na saad nito. "Well, buburahin ko iyon kong papayag ka sa gusto ko," usal ni Ash. Ito na ang pagkakataon niya upang masabi ang gusto niya. Kahit wala naman talagang video ay ipinagpatuloy niya pa rin ang pagsisinungaling. Napaniwala naman niya ito sa kalokohang sinimulan niya. Masyado yata itong uto-uto. Palibhasa, probinsyana. Malayo siguro sa kabihasnan ang pinanggalingan ng babae at madaling utuin. Tumango ito bilang pagsang-ayon. "Sige, ano naman 'yon?" anito. Bumuntonghininga ang babae saka yumuko. "Hmm. It's simple, I want you to marry me," diretsong saad niya. Napatuwid ito nang tayo habang ang mga mata ay nanlalaki sa gulat. Marahas itong napabuga ng hangin. "Nasa tamang pag-iisip ka pa ba?" singhal nito sa kanya. "Sino namang maniniwala riyan sa sinasabi mo?" asik nito. Salubong na salubong ang kilay. Why? Do I look like I'm crazy? Crazy over you! Palihim niyang kinurot ang sarili. God! What's wrong with me? "I want you to marry me," pinal na sabi niya. Nalukot ang ilong ng dalaga. Sobrang straight-forward niya ba? Baka natakot ito sa kanya? Masyado yata siyang kampante. "Okay ka lang? Wala ka bang sakit o ano? Baka nasapian ka noong masasamang ispirito sa labas dahilan upang mag-alok ka ng kasal." "Look, woman. I'm serious. I'm so f**king serious," seryoso niyang sabi. "Kung ayaw mong i-post ko ito sa social media at kung ayaw mong kuyugin ng mga tagahanga ko ay papayag ka sa gusto ko," dagdag niya pa. Kailangan talaga ay mapaniwala niya ito. Ayaw niyang maikasal kay Elise. Puwede namang mag-divorce sila kaagad pero ayaw niyang mas lalong masaktan ang kababata. Kapatid lang ang tingin niya kay Elise kaya hindi sila puwedeng makasal. "Pag-iisipan ko," wika ng dalaga. "What?" naguguluhan niyang tanong sa dalaga. Bakit kailangan pa nitong mag-isip? "Wala! Nasaan ba ako, ha?" naiinis nitong tanong. Nakakainis ba talaga ako? Bumuga siya ng hangin bago sumagot. "We are at the top of VGC condominium," saad niya. "In my room." Napapitlag siya nang bigla itong tumakbo papalapit sa bintana. Napasinghap ito kaagad nang makita kung gaano kataas ang building na sinasabi niya. "Ilang floor ba 'to?" usisa nito. Bumalandra sa mukha nito ang takot. Paatras itong bumalik sa kinatatayuan nito kanina. Baka may phobia ito? "A hundred." "Sandali," pigil-hingang sambit nito. "Bakit inaalok mo ako ng kasal?" pang-uusisa ng dalaga sa kanya. "Hmm. Bakit? Gusto ko lang, and don't worry, I can offer you money if you want. Hindi mo na kailangang magtrabaho. Basta magpakasal ka lang sa akin." Tinungo niya ang upuan saka naupo roon. "At bakit parang sigurado kang magpapakasal ako sa 'yo? Ha!" sigaw nito. Biglang nag-iba ang timpla ng mukha nito. Galit itong tumingin sa kanya ngayon. "Because of money. That's what most women want from me," kibit-balikat niyang sagot. Napamaang ito sa narinig. "Ano ang akala mo sa 'kin? Mukhang pera? Hoy, I don't even know you!" singhal nito. Mas lalo yata itong nagalit dahil sa pinagsasabi niya ngunit mas nagulat siya dahil hindi siya nito kilala. "What? How come you don't know me? I am Ash Herson de'Vlaire for pete's sake and you don't know me?" bulalas niyang tanong. Paano nangyaring hindi siya nito kilala? Saang planeta ba ito nanggaling? "Wow! Hoy, Mister mayabang, hindi lahat ng tao ay nakasunod sa mga kilos mo. Hindi lahat ng tao ay may pakialam sa 'yo okay?" singhal nito sa mukha niya. Napailag siya. Baka hindi pa ito nagto-toothbrush. "What? You call me mayabang?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ako? Mayabang? "Bakit? Hindi ba?" "No way!" angal niya. "No way?" "You're driving me crazy, woman." Naihilamos niya ang kanyang mga palad sa sariling mukha. "Mas nababaliw ako sa mga pinagsasabi mo! Wala ka sa hulog. Tabi at lalabas na ako," singhal niya. Mabilis itong nagmartsa papalapit sa pinto. "Ewan ko sa 'yo. Uuwi ako! Alis!" pagtataboy nito sa kanya. Nakangiwi siyang napatingin sa kabuuan nito. Walang ligo, walang suklay ang buhok. Mukha itong walang matitirhan. "Pagtitinginan ka ng mga tao sa labas. Lalabas kang ganiyan ang suot?" tanong niya rito. "Oo, pakialam mo ba? Hindi ba ikaw ang nagdala sa akin dito? Bakit hindi mo ako ihatid? Kainis 'to!" singhal nito sa mukha niya. Pinagpag nito ang damit habang inis na inis sa kanya. Kunot na kunot ang noo ng babae. Nataranta siya nang diretso itong lumabas ng condo. Aksidenteng napatingin siya sa bulaklak at singsing kanina sa night stand. Wala ng laman iyon. Hindi niya napansin kung suot ba ito ng babae o hindi. Nagsuot siya ng cap at puting V-neck shirt. Sumunod siya sa babae. Sa elevator ng mga empleyado ito sumakay kaya mas mauuna siya rito. Nang makalapag ay kaagad siyang lumabas. Nagtago siya sa kabilang koridor nang tumunog ang kabilang elevator. Nakabusangot na lumabas si Isla. Yes, finally! I now know her name. Hindi niya kasi natingnan ang dala nitong purse kagabi. Ayaw naman niyang mangialam sa gamit ng babae. Baka masabihan pa siyang magnanakaw. Nagmamadali ito ngunit naagaw ng babae ang atensyon ng lahat ng naroon. Dinig na dinig ang boses ng babaeng nagsisigaw sa galit. Noon niya lang napagtanto na boses iyon ni Elise. "Why are you not letting me in?" reklamo nito sa front desk. "Ma'am, utos po ni Sir Ash na huwag kayong papasukin. May bisita po siya," aligagang sagot noong empleyado. Ano namang kaguluhan ito, Elise? "What? Bisita? Kailan pa tumanggap ng bisita si Ash?" hindi makapaniwalang tanong ni Elise. Nang lumingon si Elise ay namataan niya ang babae na nasa kwarto lang kanina ni Ash. "Hala, Ma'am," usal ng empleyado nang makita nito si Isla. Kaagad itong nagtakip ng bibig ng mapagtanto kung ano ang sinabi. "What?" napatingin rito si Elise nang marinig ang boses ng empleyado. D*mn, ano'ng gagawin ko? Mabilis na hinarap ni Elise si Isla. "Siya ba? Siya ba ang bisita?" nakadurong tanong ni Elise. Nagtataka namang tumingin rito si Isla. Natataranta si Ash. Napasinghap siya sa gulat. Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat na gawin. Kung lalapit ba sa dalawa o mananatili na lang sa kinatatayuan niya. Mas nagulat siya nang bigla na lang atakihin ni Elise ang nagtatakang si Isla. "Aray! Bitiwan mo ako!" singhal ni Isla. "What did you do? Kailan pa tumanggap ng bisita si Ash! Ha? Tapos babae pa talaga? Babae pa!" sigaw ni Elise habang hawak-hawak sa buhok si Isla. "Pakialam mo! Walang kayo!" "Malandi ka! Mang-aagaw!" "Bwisit ka!" "Ouch! You filthy b***h! Get off me!" "Don't english-english me," ani Isla. Sa sitwasyon nila ay natawa pa siya sa sinabi nito. Pilit na umaawat ang mga security sa kanila. "Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako ano ba!" singhal ni Elise kay Elise na parang unggoy kung makakapit. "You get your f*****g hands off of me!" balik na sigaw ni Elise pero hindi siya pinakinggan ni Isla. Natatawa lang si Ash na nakatingin sa dalawa. Dapat nga ay magalit siya kay Elise ngayon lalo na at hindi man ito muna nagtanong. Umatake ito kaagad. Ito ang unang nanakit. Nagpumiglas ang kababata niya at doon ito nabitawan ni Isla na kaagad namang hinawakan ng mga security guard na kanina pa umaawat sa kanila. "I will sue you! You ruined my dress," banta ng kababata niyang si Elise kay Isla. "Ha? Dress na 'yan sa 'yo? E, mukha naman 'yang daster! Duh, mukha kang nanay," pigil ang hiningang sigaw pabalik ng kakikilala niya lang na babae. Pilit itong kumakawala sa mga guard. Seriously, this woman! She's so funny. Biglang tumunog ang elevator kaya nagmadali siyang naglakad para malaman nilang may paparating. Umakto siyang kalalabas lang. Kunot na kunot ang noo na animo'y hindi nasiyahan sa nakita. Nagulat ang dalawang babae nang makita siya. "Ash!" biglang tawag ni Elise. Ngunit ang paningin niya ay nakatuon sa babaeng nag-aayos ng sarili. Mabilis na bumaling sa kanya si Isla nang marinig ang pangalan niya. "Hubby!" tawag nito sa kanya. Napalunok siya. Hubby? Tinawag niya akong Hubby? Or was she trying to escape from Elise's grasps? Nagtatakang mukha ni Elise ang nabungaran niya nang lumingon siya rito. "What happened?" galit ang tonong tanong niya. May kalmot sa mukha si Isla. Ngayon niya lang napansin. Napansin niya ring hinihilot nito ang sensitido. Marahil ay nahilo ito sa lakas nang pagkakahila rito ni Elise. Nakasimangot siyang tumingin kay Elise na kakikitaan nang pagkalito sa mga nangyayari. "That woman hit me!" sumbong ni Elise sa kanya. Naiiyak na. May mga kalmot at galos rin sa mukha ang kababata. Kung hindi mo sana sinimulang makipagsabunutan, tsk! "I'm not asking you Elise," inis niyang usal. Natigilan ang lahat nang marinig ang sinabi niya. "W-What?" naguguluhang tanong nito. Umiling nang umiling. "I'm asking my wife here," usal niya. Nakaturo kay Isla na may pilit na ngiti sa labi. "Wait, what? Wife? You call that woman your wife?" angil na tanong ni Elise. Tumango si Ash bilang tugon. Itinaas ng katabi niyang si Isla ang kanang kamay. Naroon sa palasingsingan ng babae ang diamond ring na binili niya kani-kanina lang. Suot nito iyon. Napangiti siya. Mabuti na lang at naisuot nito. May pang-rason ang babae. "What happened?" maotoridad na tanong ni Ash. "Well, that Elise monkey attacked me," galit nitong sambit. Nakanguso si Isla kay Elise. What? "Monkey?" natatawang tanong niya. Pinilit niyang itinago ang naglalarong ngiti sa kanyang labi. "Yeah. That Elise monkey, attacked me." Turo ni Isla sa nakasimangot na si Elise. "Bleeeeh!" anito saka dumila sa kaharap. Dahil doon ay binato ito ni Elise ng hawak na purse. Muntik pang matumba si Isla mabuti na lang at nahawakan niya ito kaagad. "Elise! I'm warning you!" pagbabanta niya sa kababata. Nang makarekober ay bigla na lang hinubad ni Isla ang suot na sapatos at ibinato iyon kay Elise. Tumama iyon mismo sa mukha ng babae. Rinig sa buong hallway ang sigaw nito dahil sa sakit at pagkagulat. Kailanman ay walang lumalaban kay Elise, ngayon lang nangyari ito. Masyado kasi itong spoiled brat. "Ouch!" sigaw nito. "Oh my God!" madramang sigaw nito habang sapo ang noo. Namumula iyon. "Ikaw ang nauna! May CCTV dito, huwag kang OA!" ngiwi ni Isla. "Stop it!" saway ni Ash sa dalawang babae. Hindi maganda ang ginagawa ng mga ito. "What, Ash! Are you not going to do something? She f**king hit me!" inis na singhal ni Elise. Lumingon siya sa gawi nito bago nagsalita. "Well, you hit her first, Elise. You're not a baby anymore." usal niya. Hinawakan niya sa kamay si Isla bago ito iginiya papuntang elevator. Narinig niya pa ang impit na sigaw ni Elise sa inis. Alam niya ring mayamaya lang ay kakalat na ang balita. Iwinaglit niya muna iyon sa kanyang isipan. "Are you okay?" sa halip ay tanong niya sa babae. "Medyo," tumatangong sagot nito. "Sino ba 'yon? Bigla na lang nang-aaway, ah!" usal nito. Mahihimigan sa boses ng babae ang pagka-inis. "Elise Vallejo. My childhood friend." "Sus! Friend lang pala kung makainarti akala mo asawa. Pwe!" nakasimangot nitong saad. "You're funny," natatawang usal ni Ash. Taas-kilay itong bumaling sa kanya. "Paano naman naging funny? Ikaw kaya ang bugbugin ko tingnan natin kung nakakatawa ba," banta nito. "Sorry." "Ewan ko sa 'yo." "Ihahatid kita sa inyo mamaya. Maligo ka muna." Napansin niyang dumistansya ito sa kanya. Inamoy-amoy nito ang sarili saka nakangiwing nagsalita. "Mabaho na ba ako?" tanong nito sa kanya. Suminghot-singhot pa ito. "Hindi pa naman, ah," komento ni Isla. "Not really. But you look like someone had f**ked you up," sinserong sabi ni Ash. Dahil doon ay masama siya nitong tiningnan. "Bastos!" "What? Ikaw ang bastos! Kung ano-ano ang iniisip mo," depensa niya sa sarili. "Psh! Ewan." Walang nagsasalita sa kanilang dalawa hanggang sa makarating sila sa unit niya. Tahimik lang din itong nagmamasid sa paligid hanggang sa makapasok ulit sa loob. "Isla," tawag niya rito. Kaagad naman itong bumaling sa kanya. "Go and take a shower. I bought some clothes for you. I don't know, kung kakasya sa 'yo," usal niya. Saka niya iniabot rito ang isang malaking paper bag. "T-Thanks," nahihiyang sambit ng dalaga. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" nauutal nitong tanong. "Uh, I just heard it last night." What should I say? I ask my friend to do an investigation about her? What am I, a f**king stalker? No way! "Okay," anito. Kaagad naman nitong tinanggap ang sagot niya. Aligaga pang pumasok sa banyo ang babae. Isang tawag ang natanggap niya mula sa kanyang ina. Alam na niya kung ano ang sasabihin ng ina. "Mom. Don't worry, I'll bring her tonight," sabi niya. "My God, Ash! Ang daming report dito. Naiinis na ang lolo mo," anang kanyang ina. "Sorry," bulong niya. "Well, basta dalhin mo siya rito mamaya," mariing utos nito sa kanya. "Yes, Mom, I will," usal niya. Buntonghininga siyang naupo saka pinatay ang tawag. "VGC Ceo, Ash Herson de'Vlaire was spotted last night with a woman wearing a stunning red dress. They were about to leave the famous bar together. At kanina lang ay nakatanggap tayo ng balita na engaged na ang binatang bilyonaryo sa naturang babae." Nasapo niya ang kanyang noo saka pinatay ang TV Parte na ito ng buhay niya pero nakakaubos ng pasensya. Hindi ba puwedeng huwag nilang pakialaman ang buhay niya? Hindi naman siya artista. "Yo!" bungad ni Vahn nang sinagot niya ang tawag nito. "I heard you're engaged. Is that true?" usisa ng kaibigan. "Yeah," nakangiting sagot ni Ash. "Whoa! Ang bilis naman gumalaw ng isang de'Vlaire," komento nito. "Nah, hindi niya pa sinasagot ang tanong ko. She thinks I'm creepy," pag-amin niya. Tumawa ito. "Yeah, masyado kang mabilis. Take it easy, bro," suhestiyon ni Vahn. Tumango siya kahit hindi siya nito nakikita. "I know," usal niya. "So, paano na si Elise? Sigurado akong magagalit iyon?" tanong ni Vahn. "She already know," sagot ni Ash. "She's here awhile ago. Nag-amok nga, eh," sabi niya. "What!" bulalas nito. Natawa siya sa reaksyon ni Vahn. "Yeah," wika niya. "Anyway, congrats! Sana naman totoo na 'yan," nakangiti nitong turan. "Mmm," nakangiting sagot niya. Pinatay na niya ang tawag. Aalis sila mamaya para sa dinner. Kailangan niya na ring mag-ayos. Ayaw niyang paghintayin si Isla. Naligo na rin siya. Pagkatapos ay pinunasan niya ang sarili bago ibinalot ang tuwalya sa kanyang beywang. Nang makalabas ay isang nakatamemeng Isla ang kanyang nabungaran. Animo'y hindi nito alam ang gagawin. "What's wrong?" usisa niya. Nag-aalala. "Ah, hindi pa yata tayo nagpakilala sa isa't isa. Right?" nakangiting sambit nito. Natauhan naman siya kaagad. "Oo nga," usal niya. Umayos siya ng tayo saka pormal na nagpakilala. "Ash Herson de'Vlaire," pagpapakilala niya sa sarili. Inilahad niya ang kanyang kamay sa babae. "Isla Maureen del Rio," anito. Kaagad itong nagkipag-kamay sa kanya. "Papayag na ako sa alok mo," anito. Napangiti siya. "Good, may family dinner mamaya. Ipapakilala na kita sa buong pamilya," pagbibigay alam niya rito. Bigla itong namula saka nag-iwas ng tingin. "I think you should get dressed," mahinang bulong nito. "Oh! Sorry!" bulalas niya. Noon niya lang napagtantong wala pa pala siyang suot na damit. Tanging tuwalya lang ang nakabalot sa ibabang parte ng kanyang katawan. Dali-dali siyang pumasok sa walk-in closet saka isinara iyon. How stupid of me to face her like that? Napatampal siya sa noo habang nagmamadaling magbihis. "Tapos ka na ba?" tawag nito mula sa labas. Bakit pakiramdam ko ang ganda nang boses niya? "Oo," sagot niya. Mabilis niyang inayos ang necktie. Pinlano na lahat ni Mommy ang mangyayari mamaya. Magkakaroon ng magarbong engagement party para sa kanila. Lumabas siyang kinakabahan. Napalunok siya nang makita kung gaano kaganda ang suot nitong pulang damit. Hapit na hapit iyon sa katawan nito na animo ay ginawa iyon para sa babae. Napakaganda nito. "You look hot!" bulong niya. Saka niya lang napagtantong nasabi niya pala iyon nang malakas nang marinig na tumikhim ang dalaga. "You too," komento nito. Nakangiti ito habang pinapasadahan siya nang tingin. "You look gorgeous!" sambit niya. Saka niya kinuha ang nakalaan ng alahas sa loob ng naluluma ng kahon. Binigay iyon ng kanyang ina noong ika-dalawampu't isa niyang kaarawan. Isa iyong family heirloom. Gusto nitong ibigay niya iyon sa kanyang mapapangasawa. Pumuwesto siya sa likuran ni Isla habang marahang iniipon sa kanyang kamay ang buhok ng babae saka niya isinuot rito ang kwentas na pinaka-iingatan ng kanyang angkan. Napangiti ang babae nang makita ang repleksyon sa salamin. "Bagay sa 'yo," komento niya. "Bakit mo nga pala ako inalok ng kasal? We barely know each other," anito. "Well, I guess it's love at first sight? Maybe." "Really?" "Yeah." "Paano na pala si Elise? She'll be mad at you," usisa nito. "Don't mind her. They just want my money that's why they want me," aniya. "Ayos lang kung gusto mong mag-file kaagad ng divorce papers pagkatapos ng kasal. Ayaw ko lang talagang maikasal kay Elise," dagdag niyang sabi. Napalabi ang babae. Hindi pinansin ang kanyang sinabi. "Paano na pala ang trabaho ko? Oo nga! May trabaho ako mamaya! Magagalit si Ate sa 'kin," natataranta nitong sabi. Hinanap nito ang purse na dala kagabi at hinalungkat nito iyon hanggang sa makita ang hinahanap na cellphone. "Ay, low battery! Naku, paano na? Masi-sisante ako nito!" namomroblema nitong usal. "Don't worry! You can work for me," presinta ni Ash. "Pwede ring huwag ka nang magtrabaho. I can give you what you want," suhestiyon niya. "No! I'm not like that. I want to work, and I want to pay my own bills," protesta ni Isla. "If that's what you want," sabi na lang ni Ash. Mukhang mahihirapan siya rito pero ayos lang. Sadyang ayaw lang talaga nito sa pera niya. Kung gusto nitong magtrabaho pababantayan niya ito. Kailangan ay may bodyguard itong kasama palagi. "You can work in my company." "Pag-iisipan ko." "Bakit naman?" "Duh! Ayaw kong palagi tayong magkikita." "What?" "Huwag ka na lang magreklamo! Ikaw nga 'tong mukhang tangang nang-aalok ng kasal out of nowhere, hindi ba? Sino ang hindi matatakot doon?" nakangiwing saad nito. Napaismid siya. St*pid! Takot ito sa kanya. Iginiya niya ito papalabas ng unit. Naka-angkla sa kanya braso ang braso nito. Panay ang pagsipol nito dahil sa kabang nararamdaman at ramdam niya rin ang panginginig nito. "Are you okay?" tanong niya nang makasakay sila sa kotse. "Kinakabahan ako. Ano ang gagawin ko doon?" "Just relax, Isla." "Paano? Natatakot ako sa Mommy mo," nakangusong wika nito. "Mom, won't eat you. She's eager to see you," pagpapakalma niya rito. Mabait naman ang kanyang Ina. Sigurado siyang magugustuhan nito si Isla. "Bahala ka." Ginagap niya ang kamay ni Isla saka marahan iyong pinisil. Habang nagmamaneho ay panay ang kwento nito. She's loud! "Sigurado akong sisigawan ako bukas ni Yannie. Naku! Nariyan pa si Ate Chris, masakit pa naman sa tainga ang boses niya," mangiyak-ngiyak nitong sambit. Inaalala ang mga naiwan nito sa bahay. "You can use my phone. You can call them," alok niya sa babae. "Or you can charge your phone here. I have a power bank in case of emergency," sabi niya. Saka niya iyon inilahad kay Isla. Tinanggap naman nito iyon nang nakangiti. "Thank you." "You're welcome," nakangising sagot ni Ash. Nakangiti siya buong biyahe. Iniisip ang mangyayari sa susunod na araw, buwan at taon. Bubuo sila ng isang masaya at mapayapang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD