Chapter 5

2045 Words
Chapter 5 Pagdating nila ay pumukaw kaagad sa atensiyon ni Isla ang boses ni Ash. "Nandito na tayo," wika nito sa kaniya. Napalingon siya sa labas. Mga mamahaling sasakyan ang nakaparada sa malawak na bungad ng de'Vlaire Hotel and Restaurant. Naunang lumabas ang binata at saka ito pumaikot sa sasakyan. Binuksan nito ang pinto bago dahan-dahang bumaba si Isla. Nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa kanila nang mamataan sila ng mga medya. Halos hindi siya makatingin nang maayos sa dami nang nagsisipagkuha ng imahe nila ni Ash. Napakapit siya nang mahigpit sa binata. Nababalisa siya. Gusto niyang umatras. Gusto niyang tumakbo papalayo. Ngunit nang bumaling siya sa kanyang katabi ay tila ba hinihila siya nito papalapit gamit ang magaganda nitong ngiti. Gumanti siya ng ngiti, ngunit ramdam niyang hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. "Let us all welcome. The Ceo of de'Vlaire Group of Companies, Ash Herson de'Vlaire and the stunning lady in red, Isla Maureen del Rio!" malakas na sigaw ng emcee sa mikropono. Palakpakan ng mga taong naroon ang tanging naririnig ni Isla nang tuluyan silang pumasok. Mga matang humahanga ang ipinukol ng mga naroon kay Ash. Masaya ang lahat na para bang sinasamba nila ito. Ngunit nang mabaling sa kanya ang paningin ng mga tao ay kaagad na nag-iba ang mga reaksyong makikita sa mga mukha ng mga ito. Mga matang nanghuhusga at nang-uuyam na mga tingin ang ipinukol sa kanya ng mga naroon. Sinuklian naman niya iyon ng isang matamis na ngiti. Hindi siya magpapatinag. "She's after his money!" rinig niyang bulong ng isang babae sa katabi nitong matamang nakatingin sa kanya. "Hmm. Ano pa nga ba!" puna ng isa pa na sinabayan ng isang matinis na tawa. "Mas bagay sila ni Elise, 'no?" "Girl! Manahimik ka," saway ng babaeng nakikinig sa dalawa. Ilan lang 'yan sa mga bulungan na naririnig ni Isla. Dahil sa kaba at galit na naramdaman ay naikuyom niya ang kanyang kamao. Bakit nga ba ako narito? Bakit ako sumama? Bakit nga ba? Dahil sa pisteng videong hawak ng lalaking 'to ay nandito ako ngayon. I should have known that this will happen. Pero mukhang walang kaalam-alam itong katabi niya sa nangyayari sa paligid. Hindi nito iyon napapansin. Kapansin-pansin rin ang masaya nitong mukha. Halatang aliw na aliw sa nangyayari. Umakyat sila sa entablado saka humarap sa maraming tao. Ngumiti si Isla kahit alam niyang naging ngiwi iyon. Hilaw na hilaw. Hindi niya na pinakinggan ang sumunod na mga sinabi ng emcee. Inanunsyo lang naman nito na engage na nga ang binatang bilyonaryo. Kaagad na naghiyawan ang mga tao pero wala siyang kibo. Kahit nakangiti siya ay wala siyang maramdamang iba maliban sa kabang namumuo sa kanyang dibdib. "Are you okay?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Ash. Tumango siya. "Yeah, medyo nahihilo lang ako. Maraming tao. Hindi ako sanay," nakangiwing sagot niya. Bahagyang natawa ang binata. "Pasensya ka na, nadamay ka pa," hinging paumanhin nito saka ginagap ang kamay niya at marahang pinisil iyon. "Hindi! Ayos lang," mabilis niyang sagot. "Naisip ko rin naman kung bakit ba ako narito ngayon. Ginayuma mo yata ako, eh," nakangiwi niyang usal. Napaawang ang labi ng binata dahil sa narinig. "No! I didn't do anything. You agreed to come with me, right?" paniniguradong tanong nito sa kanya. Napamaang siya. Nakalimutan na yata ng lalaking ito na tinakot siya nitong ilabas ang video niyang nakahubad. Bumuntonghininga siya bago sumagot. "Oo naman. Pero hindi pa ako pumapayag sa kasal. Ano lang, gusto ko lang maranasan ang party," sagot niya bago tumikhim. Narinig niya itong marahang tumawa. "Hmm. Interesting," tanging sagot ng binata. Malapit nang matapos ang party. Nag-iinuman na ang iba habang ang ibang bisita ay nagsipag-uwian na. Naisipan ni Isla na magpahangin muna doon sa labas. "Lalabas muna ako," bulong niya sa katabing si Ash na kanina pa hindi binibitawan ang kamay niya. Pinagpapawisan na iyon ngunit hindi man lang iyon alintana ng binata. "Okay. Take care. Huwag ka masyadong lumayo," sagot nito bago siya tumalikod. Nagmamadali siyang naglakad palabas. Their bored gaze suffocates her. Umiwas siya sa kahit na sinong madaanan niya. Hindi siya tumingin kahit kanino. Lumanghap siya ng sariwang hangin nang makalabas siya nang tuluyan. May harden doon na puno ng naggagandahang bulaklak. Naupo siya sa isang bangko na naroon at pinagmasdan ang buong paligid. "Ano ang ginagawa ko rito?" naguguluhang tanong niya sa sarili. Napaiyak siya sa inis. Kung sana hindi siya pumayag sa deal ng binata ay sana wala siya rito ngayon. Bakit nga ba ako nandito? "Ano na ang gagawin ko?" nalilitong tanong niya sa sarili. Napabuga siya ng hangin. "Oh! Look who's here." Mabagal na palakpak ang narinig niya kasunod ng mga katagang iyon. Babae ang nagsalita sa likuran niya. Ramdam niya pa ang hininga nito na dumadampi sa balat niya. Napatayo siya sa inis. Lumingon siya upang harapin ang nambulabog sa pananahimik niya ngunit napawi ang inis niya nang mabungaran ang nakangiwing si Elise. Nanlilisik ang mga mata ng dalaga. Napalitan ng takot ang kaninang inis na naramdaman niya. "Ano ang kailangan mo?" kinakabahan niyang tanong sa dalaga. "Well, as you can see. A nobody stole my Ash. They got engaged and now I'm left alone," panimula nito. Tinulak-tulak siya nito gamit ang hintuturo at napapa-atras siya dahil sa lakas niyon. "Tumigil ka nga!" singhal niya rito bago tinampal ang kamay ng dalaga. "Ouch!" sigaw nito sa sakit. Hala! Napalakas yata! "Ayaw ko ng away! Kung sino ka mang unggoy ka, umalis ka rito," pagtataboy niya kay Elise. Napamaang ang babae dahil sa narinig na kaagad ring nakabawi sa pagkabigla. "What a foul-mouthed you have there, Sweety," komento nito. "Mala-eskuwater ang bibig. I wonder, what did you do to Ash? Paano mo nagawang ma-engage sa kanya? Did you do some witch craft?" nang-iinis na tanong ni Elise. "Ano?!" singhal na tanong niya sa kaharap. "What? You can't understand English? Poor, you!" pang-aasar nito. Bumuga ng hangin si Isla bago sumagot. "Sa totoo lang, ayaw ko lang magsalita ng Ingles dahil nasa Pilipinas po tayo. Ano ang mapapala mo kasasalita ng Ingles? Ang masabihang sosyal? Ang pangit naman ng basehan nila ng pagiging sosyal. Tingnan mo nga itsura mo, mukha kang baboy na bente ang anak!" pasiring niya dahil sa inis. Nainsulto siya sa sinabi ni Elise. Hindi niya alam kung saan siya humuhugot ng lakas ng loob upang patulan ito. Hindi siya mahilig makipag-away kaya hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Naalala niya si Yannie. Marahil ay sa dalaga niya nakukuha ang ganoong kilos at salita. "What did you say?" nagugulat nitong tanong. "Mukha kang baboy na 20 ang anak," pag-uulit niya sa sinabi niya kanina lang. Gusto nitong marinig ang mga katagang iyon kaya pinagbigyan niya ito. "What?" "Ano, hindi mo makuha ang ibig kong sabihin? Babae, umalis ka rito. Hindi ko kailangan ng unggoy na kakapit sa akin," pagtataboy niya rito. "Ha! You think you can just talk to me like that? I promise I will make your life miserable. Just wait and see," anito bago nagmartsa paalis. Doon siya nakaramdam nang kakaibang kaba. Ang panoorin ang bulto nitong papalayo ay para bang nagbabanta na iyon. Nanghahapo siyang napaupo. Napahilamos siya ng wala sa oras. "Iha." Napabalikwas siya nang tayo ng may magsalita na naman. "Po?" tawag niya nang makita ang babaeng nakatayo sa harap niya. Ang Mommy ni Ash. "I'm glad you're safe. Hindi ka dapat narito sa labas ngayon," nakangiting usal ng ginang bago lumapit sa kanya. "Thank you for trusting my son. I was so happy noong hindi niya tinanggap ang alok nilang maikasal siya kay Elise. I'm glad he declined," mangiyak-ngiyak nitong wika habang nakahawak sa kanyang mga kamay. "And now, you're here. Sana pumayag ka. You'll save him from this madness, Iha. I hope. . ." buntonghininga nito. "I hope malalagpasan niyo ito." "Bakit po? May mangyayari ba?" naguguluhan niyang tanong. "We don't know. As much as I want to say something to you, may umaaligid sa atin. Bumalik ka na sa loob. Be careful," anito saka marahan siyang tinulak pabalik sa loob. "Kayo po?" "Dito na muna ako. Sige na. Hinahanap ka na ng anak ko." Tumango siya saka mabilis na naglakad papasok ng hotel. Palinga-linga siya sa paligid, hinahanap ang lalaking nagdala sa kanya rito. Medyo wala na masyadong tao dahil kanina pa nagsipag-uwian ang iba. "Ash!" tawag niya nang makita itong nakikipagtawanan kay Elise at sa iba pang naroon. May nakita siyang isang lalaki na nakangiti sa kanya. Naalala niyang ito 'yong kahalikan ng kainigan niyang si Yannie noong gabing nag-bar sila. "Yes, baby?" malambing na tanong ni Ash nang makalapit siya. Namula siya. Hindi siya sanay na tinatawag ng ganoon. "Wosho! Kadiri! Hahaha!" pang-aasar ng kaibigan ng binata. "Stop it, Vahn!" inis na singhal ng binata sa katabi. Nakangiwing umiwas nang tingin si Elise pero hindi na ito pinansin ni Isla. "Kailan pa naging malambing ang isang de'Vlaire? Dre, this is not you. Ano ang ginawa mo, Isla?" tanong ng lalaking katabi ni Ash na sinabayan pa nang nakaririnding tawa. Isla? Paano niya nalaman ang pangalan ko? Magkaibigan sina Ash at ang lalaking ito kaya panigurado ay pinag-uusapan siya ng mga ito. "Ah, wala naman akong ginawa," nahihiyang sagot niya rito. Maliban sa tinakot ako n'yang kaibigan mo... Ngumiti siya sa lalaki saka naglahad ng kamay. "Hi, I'm Isla Maureen del Rio," pagpapakilala niya sa binata. Dahil sa ginawa ay kaagad na binawi ni Ash ang kamay niya nang akmang hahawakan iyon ng lalaki. "Ops!" nakangising sigaw ng lalaki na ang paningin ay naroon kay Ash. "Giovannie Zakynthus," pagpapakilala nito sa sarili. Tall, dark, and handsome. He has a deep set brown eyes, a full lips, black hair and a narrow ears. "He's gorgeous," bulong ni Isla sa isip. "Vahn for short," usal nito na nakapagpabalik sa kanya sa huwisyo. Ngumiti ito nang nakakaloko sa katabing nitong si Ash. Gumanti nang ngiti si Isla sa binata. "Ikaw lang yata ang nakapagpaamo nitong kaibigan ko, Miss Isla," komento ni Vahn. Napakurap siya. "Bakit? Leon ba siya?" nagtatakang tanong niya rito. "Ah, hindi naman," natatawang sagot ni Vahn. "Masyado lang siyang masungit sa amin," dagdag na wika nito sa kaniya. "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Isla. "Hindi naman, ah," komento niya pa bago bumaling kay Ash. Namumula ang tungki ng ilong ng binata pati ang tainga nito ay pulang-pula rin. Nag-iwas ito nang tingin nang makitang nakatitig siya rito. "Sa 'yo hindi, sa amin mukhang mangangain ng tao 'yan," natatawang kuwento ni Vahn. Tumawa rin siya sa kalokohan ng binata. "It's getting late. I think we should go," pukaw ni Ash sa atensyon ng lahat bago siya nito hinawakan sa kamay. "Mauuna na kami," paalam nito sa mga kasama nila. "Ingat kayo, lover boy," pang-aasar ni Vahn sa katabi ni Isla na salubong ang kilay. "Shut up!" angil ni Ash sa kaibigan. Palihim na bumungisngis si Isla. Narinig nila ang malakas na tawa ni Vahn hanggang sa makalabas sila. Kaagad siyang sumakay sa kotse ng binata na sinundan naman nito. Tahimik lang ang biyahe nila hanggang sa binasag nito ang katahimikan sa pagitan nila. "What's bothering you?" untag na tanong nito sa kanya. Lumingon siya rito saka nagkibit-balikat. "Wala naman. May iniisip lang ako," sagot niya sa binata. "What is it? You can tell me," presinta nito. "Sa akin na lang 'yon. Masyado kang chismoso," nakangiwing saad niya. "Ha?" bulalas na tanong nito. "Masyado? I'm just asking!" singhal nito na ipinagwalang kibo niya lang. "Magmaneho ka na lang diyan," utos niya rito. "Sige. Sabi mo, eh." "Ihatid mo ako sa amin," usal ni Isla na ikinatigil ng binata. "Ha? You're coming with me." "Ano? Hoy, hindi mo pa ako pag-aari. I-uwi mo ako sa amin kung ayaw mong makutusan," inis niyang singhal sa binata. Masyadong possesive ang binata para sa kanya. "Sige. Saan ba?" sumusukong tanong nito. Nakahinga siya nang maluwag. "Gamitin mo 'yong Maze na app. Tinatamad akong magsalita." "Okay." Sinabi niya rito ang address saka tumahimik na. Nakaharap lang siya sa bintana buong biyahe. May kalayuan din naman ang pinagdalhan nito sa kanya. Ang daming pumapasok sa isip niya. Iniisip niya kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ng ina ni Ash. Iniisip niya kung ano ang gagawin sa kanila ng mga taong sinasabi ng Ina nito. Ano ba'ng dapat kong gawin? Ang umatras sa kasal o ang ipagpatuloy ito? "You'll save him from this madness." Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit iyon sa kanyang isipan. Ano ang ibig nitong sabihin sa mga katagang iyon? Napabuga na lang siya ng hangin bago niyakap ang sarili. "Are you cold? We are almost there," tanong ni Ash na nagpabalik sa kanya sa reyalidad. "Ayos lang ako," mabilis na sagot niya. "Ayos ka lang ba talaga? Mukhang malalim ang iniisip mo, ah," usisa ng binata. "Paano mo naman nalamang malalim?" "Well, you're sighing so loud. I can hear it." "Oh! Okay," nakangiwing sambit ni Isla. Napapahiya. "Gusto ko ng magpahinga," usal niya. Nang makarating sila sa destinasyon ay kaagad siyang bumaba sa nilulanang sasakyan. "Huwag ka nang pumasok. Ako na ang bahala," pigil niya sa binata nang akmang bubuksan nito ang pinto. "But," nalilitong usal nito habang nakaturo sa bahay nila. "No buts," putol niya sa sasabihin pa nito. "Ayos lang. Ako na ang bahalang magsabi sa kanila," nakangiting usal niya. "S-Sige," nauutal nitong sambit. "Sige. Alis na," utos niya habang ininguso ang daan pabalik. "W-What?" "Umalis ka na. Ano pa ang ginagawa mo rito?" "L-Looking at you?" Napalabi siya sa narinig. She bit the insides of her cheeks to stop herself from smiling. Bigla yatang namula ang kanyang mukha. "Tss. Sige. Mauna na ako sa 'yo. Ingat," paalam niya rito saka tuluyan nang tumalikod. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa bahay nila. Patay na ang ilaw sa loob. Sigurado siyang tulog na si Christine. Sumilbato si Ash hudyat nang pag-alis kaya lumingon siya sa pinanggalingan nito. Nakatingin lang siya sa papalayong sasakyan saka napabuntonghininga. Is his life in danger? Or is it mine? Ibinagsak ni Isla ang kanyang katawan sa sofa nang makapasok. Gumawa iyon ng ingay nang saluhin ng sofa ang bigat niya. Ngayon niya lang naramdaman nang tuluyan ang pagod na iniinda niya kanina pa. Bumuntonghininga siya ulit. "Sino 'yan?" Boses iyon ni ate Chris. Bigla itong kumaripas papunta sa gawi niya habang may hawak na baseball bat sa kaliwang kamay. "Anak ka ng kagang, Isla!" napasigaw ito sa gulat nang makita ang kabuuan niya. Hindi pa kasi siya nito nakikitang nakasuot ng mahabang damit at stiletto. Kaya siguro gulat ito ngayon sa hitsura niya. "Saan ka ba nanggaling? Ilang beses kitang tinawagan hindi ka man lang sumasagot! Ang sabi ni Yannie ay papauwi ka na pero ngayon ka lang dumating? My God! Isla, madaling araw na!" malakas na singhal ni Christine sa kanya. Nailayo niya ang mukha rito saka umayos ng upo. "Napagod ako, Ate," napapahiyang usal ni Isla. Hindi man lang niya nasagot ang tanong ng kasama. "Saan ka ba kasi nagpunta? Teka, bakit ganiyan ang suot mo? Ano 'yan?" tanong nito habang nakaturo sa suot niya. "Galing ako sa party," sabi niya saka ipinakita rito ang palasingsingan niyang may suot na mamahaling diamond ring. "Eh, ano naman? Ano ang gagawin ko riyan?" nalilitong tanong ni Christine. "Engaged na ako, Ate," pagbibigay alam niya na ikinagulat ng kaharap. Napamaang itong humarap nang maayos sa kanya. "Ha? Paano? Eh, tomboy ka!" singhal nito sa mukha niya. Napangiwi si Isla dahil sa narinig. "Hindi po ako tomboy, Ate." "Paanong hindi? Eh, mukha kang lalaki kung manamit. Naku! Ano ang nakain mo? Buntis ka ba? Ano? Paano nga, eh, wala kang nobyo!" sambit ni Christine saka pinagsusundot siya sa tagiliran. "Ate naman, hindi ako tomboy," angal ni Isla nang nakangiwi. Napaismid si Christine bago nagsalita. "Sus! Mas barako ka pa nga kung tumayo kaysa sa tunay na lalaki," komento nito. "Hindi nga!" natatawang sigaw ni Isla. "Hindi ko nga alam! Bigla na lang akong inayang magpakasal. Hindi naman ako makatanggi," nakangusong sabi niya. "Sino naman? Baka naman gagawin ka lang katulong n'yan," paalala ni Christine sa kanya. Umiling siya bago sumagot. "Kilala mo ba ang mga de'Vlaire?" tanong niya rito. "Isang de'Vlaire?" gulat na tanong Christine nang marinig ang pamilyar na apilyedo. Bigla itong nanlamig saka napalunok. Tumango ito. "Ano? Paano? Kailan? Bakit?" dagdag nitong tanong. Hindi makapaniwala. "Hindi ko alam. Basta lumapit lang siya sa 'kin tapos 'yon, inalok niya ako ng kasal." "Unbelievable! Baka ibebenta ka niya, Isla! Baka set-up 'yan?" kinakabahang tanong ni Christine sa kanya. "Hindi naman po siya ganoon, Ate. Mabait siya sa akin. Pero sa mga kaibigan niya, ang sungit niya," pagkukwento niya. Nakangiti niyang inalala ang mga nangyari sa kaunting panahon na nagkasama sila. Hindi naman pala masama ang binata katulad ng sinasabi ng iba na masama ito, nakakatakot at suplado. Masungit at palaging galit. Parang facade lang nito iyon. "Nangingiti ka na riyan? Kinikilig ka na n'yan?" pang-aasar na tanong ni Christine sa kanya. "Hindi naman. Ang tanda ko na para kiligin, Ate." "Sabi mo," nakangusong usal ng kaharap. "Eh, ikaw, Ate. Bakit hindi ka nag-asawa? Ang bata mo pa, ah," tanong niya rito. "Ah, ayaw ko. Niloko na ako ng isang beses. Wala ng dahilan para magpaloko ulit ako sa iba," kibit-balikat nitong sagot bago bumuntonghininga. "Ikinasal kasi siya sa iba. Hindi naman niya mahal ang babae kaya lang utos ng pamilya niya. Kailangan niyang gawin para sa kompanya. 'Yong mga gawain ng mayayaman ba para palaguin ang mga negosyo nila, ganoon. Kaya nagpaubaya na lang ako. Ano ang magagawa ng isang 'Nobody' na kagaya ko? 'Diba," dagdag nitong kwento. Tumayo ito saka may kinuhang kahon sa ilalim ng lumang cabinet. Naaagnas na ang kahoy niyon ngunit nagagamit pa naman. Puting kahon na maliit ang inabot nito roon. Dinala iyon ng babae sa harap ni Isla. "Ito 'yong mga pictures namin noon. Inipon ko saka iningatan. Ito na lang ang kayamanang iniwan niya sa akin," nanghihinayang na usal ni Christine. "Ayaw kong magaya ka sa akin na 'yong tipong mahal mo na, saka ka pa iiwan. Mag-iingat ka. Matutulog na muna ako," paalam nito saka tumayo na at pumasok sa kwarto. Naiwan siyang nag-iisip sa sala. Sino kaya ang lalaki? Bakit parang ramdam na ramdam ko ang sakit at kirot na naramdaman ni ate Chris? Nagtingin-tingin siya sa mga litratong naroon. May mangilan-ngilan ring sulat ang nakapaloob sa maliit na kahon. From: Hans Adam de'Vlaire To: Christine Rose del Valle Napatakip siya sa kanyang bibig ng hindi niya mapigilan ang mapasigaw sa gulat. Impit siyang sumigaw. de'Vlaire! Isa siyang de'Vlaire! Oh my gulay! Siya ba ang dahilan kaya hindi na nag-asawa si ate?! Kaano-ano ng lalaki si Ash?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD