Chapter 6

2172 Words
Chapter 6 Kasalukuyang nagsasaya si Ash kasama ang mga kaibigan niya. Kakatapos lang nang pag-anunsyo ng Engagement nilang dalawa ni Isla. Ang ibang mga panauhin ay nagsi-uwian na at sila na lang na malalapit na kamag-anak ang naiwan sa de'Vlaire Hotel and Restaurant. Makulimlim na ang ilaw sa buong bulwagan. Lumapit sa kinatatayuan niya ang kanyang Ina ng may ngiti sa labi. "I like her, Anak," nakangiting saad ng Mommy niya nang umalis si Isla upang magpahangin sa labas. "Really?" namamanghang tanong niya sa Ina. "Yes. Gusto ko siya para sa 'yo. I don't mind about her family background. Kung ano ang trabaho niya, as long as she will stay with you. Mapapanatag ako," usal nito. Pinangiliran ng luha ang mga mata nito. "Mom," emosyonal niyang sambit. Tuwang-tuwa ang kanyang kalooban dahil sa sinabi ng Ina. Alam niya ang pinagdaanan ng kanyang kapatid ng pakialaman ng mga magulang nila ang desisyon nitong mag-asawa at nagpapasalamat siyang bukal sa loob ng mga magulang niya ang desisyon niya ngayon. Ang mag-asawa ng hindi nila ka-level. "I know you're having a hard time dealing with these people trying to take you down. Take care of your future wife and yourself. Okay?" "I will, Mom," tumatango niyang usal. Tinapik siya nito sa balikat bago naglakad palabas. Nang tuluyang mawala sa kanyang paningin ang Ina ay naglabas siya ng isang malutong na buntonghininga. Para bang nabunutan siya ng tinik sa kanyang dibdib. Naglakad papalapit sa pwesto niya si Vahn na may nakakalokong ngisi sa mukha. Nilalaro ng kaibigan ang hawak na kopita sa kabilang kamay. "Ano na naman kaya ang kailangan nito?" bulong na tanong niya sa sarili. "What?" kaagad na tanong niya nang tuluyan itong makalapit. "Sungit," natatawang komento nito. "Congrats!" masayang bati ni Vahn sa kanya. Napangiti siya. Sinsero ang pagkakasabi ng kaibigan at ramdam niya iyon. "Thanks!" nakangiting pasasalamat niya. "Are you sure about this?" tanong nito bago uminom sa hawak na kopita. Ngumiti si Ash. "Of course!" mabilis niyang sagot. "I love her now, I guess," usal niya. "I will never find any other woman like her." "Hmm. Kaya lang, galit na galit si Elise," anito. "Where is she?" tanong niya nang mapansing wala sa loob ang kababata. "Lumabas kanina pa," sagot ni Vahn na ininguso ang pinto. What? Baka awayin niya si Isla? "I need to find her," mabilis niyang turan na ikinabigla ng kaibigan. "Si Elise?" usisa nito. "No, si Isla," mabilis niyang sagot bago iginala ang paningin. "She's with your mom, Dre. Don't worry," usal ng kaibigan. Bigla siyang nakahinga nang maluwag. Hinawakan niya pa ang dumadagundong na dibdib dahil sa nararamdamang kaba. "Really?" paniniguradong tanong niya rito. Tumango ang kaibigan. "I saw them talking. Calm down, Dre. You're acting weird," komento ng binata. "Dre, hindi mo nakita kung ano ang ginawa ni Elise kay Isla noong nagkita sila sa lobby ng Condo ko," naiinis na usal niya rito. "Bakit?" tanong nito. "What did she do?" dagdag pa nitong tanong. "Sinabunutan lang naman niya si Isla, nahilo pa nga siya. Hindi pa siya nakontento, binato niya pa si Isla ng dala niyang purse. Mas lalo lang siyang nahilo dahil sa ginawa ni Elise," nakangiwing kuwento niya sa nangyari. Napasinghap ang kaibigan dahil sa narinig. "Really?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Tsk! Tsk! Unbelievable!" anito na sinabayan pa nang pag-iling. "Kaya hindi natin alam kung ano ang gagawin niya sa susunod, right?" "Tama," napapangiwing usal ng kaibigan. "Be careful," paalala nito. "Tsk, eh, ikaw? Kamusta na? Where's that woman you're talking about?" pang-gigisa niyang tanong sa kaibigan na mabilis pinamulahan ng mukha. "Who?" maang-maangang tanong nito na ikinatawa niya. "Don't play with me, Vahn! I know you!" singhal niya sa kaibigan. Malakas itong tumawa. "Wala, hindi ko alam ang sinasabi mo," pagsisinungaling nito. "Jerk!" "Don't ask me about her!" angil nito kaya tumigil na siya sa katatanong. Naging tahimik ulit ang paligid. Hindi na siya mapakali. Kanina pa lumabas si Isla kaya naman nag-aalala na siya. Mayamaya lang ay pumasok nang nakasimangot si Elise. Nagtataka siya sa hitsura nito ngunit napanatag naman siya dahil hindi nito kasama si Isla. "Saan kaya siya galing?" bulong na tanong ni Ash sa isip patungkol kay Elise. "What happened to you?" nag-aalalang tanong ni Vahn kay Elise nang makalapit ito sa puwesto nila. "Nothing. Don't mind me," walang ganang sagot ng dalaga. "Weh? Hahaha! Sungit n'yo ngayon, ah" pang-aasar ni Vahn. "Shut up!" gigil na singhal ni Elise sa kaibigan. "Hindi ka ba nagtataka, Elise?" "Nagtataka?" "Baka tayo talaga. Don't you think?" nakangiting saad ni Vahn na ikinalaki ng mga mata ng kausap. Maarteng umismid si Elise saka nakangusong lumayo. "Over my dead body," inis nitong sambit bago nag-iwas ng tingin. "Wow! Sineryoso mo naman! Malapit na rin naman akong ikasal," aniya bago nakangiting uminom ng alak. Ikasal? "Who's the lucky girl?" usisa ni Ash sa kaibigan. Hindi niya alam ang plano ni Vahn o mas magandang sabihing wala siyang alam. "Hmm. Secret! Hahaha! Ikaw ang unang makakaalam. I think Isla knows her," kinikilig na usal ng kaibigan. "Really?" "Yeah! Noong nag-bar tayo," nakangiting saad nito. "Oh! Okay," sagot niya. Naalala niyang may kahalikan nga pala ito bago nawala sa paningin niya nang mag-bar sila. Maybe, one of Isla's friend. "Ew? Sa bar mo lang nakilala?" "Bakit? Ano ang mali kapag sa bar lang nakilala?" naiinis na tanong ng kaibigan sa dalaga. "That's cheap!" komento ni Elise kaya napaismid siya. Sa bar ko lang din nakilala si Isla. Am I cheap? "Wala naman 'yan sa kung saang lugar mo siya nakilala. Nasa tao 'yan kung mahal ka ba talaga. Like you two, you grew together pero hindi pa rin ikaw ang pinili," pang-aasar ng kaibigan sa dalaga na mas lalong ikinalukot ng mukha ng babae. "Whatever!" singhal ng dalaga. Nakatanggap tuloy ang kaibigan ng isang malutong na kutos. Tinawanan lang ni Ash ang ginawa ng dalaga sa kaibigan niya. Napaka-bully talaga. "Bleeeeh!" pang-iinis ng kaibigang si Vahn sa kababata niyang si Elise. "Shut up, Giovanni!" gigil na singhal rito ng dalaga. "Oo na," sumusukong anito. Napatingin si Ash sa pinto ng may mahagip siya roon. Si Isla, naglalakad papalapit sa gawi nilang magkakaibigan. Nakangiti ito. Ang suot nito ay isinasayaw ng hangin. Ang buhok ay umaalon kasabay ng paglalakad nito. "Ash!" matamis na tawag nito sa kanya. Napangiti siya. Matamis na matamis na ngiti. "Yes, baby?" malambing niyang tanong rito nang makalapit ang dalaga. "Wosho! Kadiri, hahaha!" tumatawang pang-aasar sa kanya ni Vahn. "Stop it, Vahn," binatukan niya ito dahil sa inis. Mabilis namang umilag ang kaibigan. "Kailan pa naging malambing ang isang de'Vlaire? Dre, this is not you. Ano ang ginawa mo, Isla?" tanong nito sa katabi na sinabayan pa nang nakakalokong tawa. "Ah, wala naman akong ginawa," nahihiyang sagot ng dalaga sa kaibigan. "Hi, I'm Isla Maureen del Rio," usal ng katabi na inilahad pa ang kamay sa kabigan niya. Ngiting-ngiti rin ito kay Vahn. Dahil sa inis ni Ash ay binawi niya iyon kaagad saka pinagsalikop ang mga kamay nila. Nagtatakang tumingin sa kanya si Isla, nakataas ang kilay na animo'y nagtatanong kung ano ang ginagawa niya. "I just do not want this maniac touching my property," bulong na usal niya sa isip. "Ops! Giovannie Zakynthus de Gracia. Vahn for short," pagpapakilala ni Vahn na may nakakalokong ngisi sa mukha. "Ang sarap lang batukan," ismid ni Ash sa isip. Ang mas nakakainis pa ay nakangiti rito si Isla. "Ikaw lang yata ang nakapagpaamo nitong kaibigan ko, Miss Isla," komento ng kaibigan. Natigilan ang katabi ni Ash saka sumulyap sa gawi ng kaibigan niya. Nagkit-balikat lamang si Isla. "Bakit? Leon ba siya?" inosenteng tanong ng dalaga. Napa-ubo siya sa narinig. "What? I'm not a f*****g Lion!" singhal sa isip ni Ash. "Ah, hindi naman," natatawang usal ng kaibigan niyang si Vahn. "Masyado lang siyang masungit sa amin," dagdag pa nito na ang paningin ay nasa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay na tinawanan lang ng kaibigan. "Talaga?" gulat na tanong ni Isla bago tumingin sa kanya. "Hindi naman, ah," dagdag na komento nito. Ramdam niya ang mga titig nito sa kanya ngunit hindi siya nagpahalata. Ramdam niya rin ang pamumula ng kanyang tainga kaya kaagad siyang nag-iwas ng tingin. "Sa 'yo hindi, sa amin mukhang mangangain ng tao," tumatawang kuwento ni Vahn na sinabayan pa nang malakas na pagtawa. Nagtawanan ang dalawa. Mas lalo lang siyang nainis sa kaibigan. Hindi marunong manahimik. Nabubuko siya. "It's getting late," usal niya nang matingnan ang relos sa kanyang braso. "I think we should go," usal niya upang makuha ang atensyon ng katabi niyang kanina pa nakangiti sa kaibigan. Naiinis na siya. "Mauuna na kami," paalam niya sa mga ito bago hinila ang dalaga papalapit sa kanya bago lumapit sa iba pang naroon. Nagpaalam na rin sila sa mga bisita at magulang niya. Narinig niya ang pagtikhim ni Elise na hindi niya pinagtuunan ng pansin. Marahil ay hindi nito nagustuhan ang pag-alis nila ni Isla. "Ingat kayo, lover boy." Narinig niya pang pang-aasar sa kanya ni Vahn. "Shut up!" salubong ang kilay na singhal niya sa kaibigan. Nakaririnding tawa ni Vahn ang umalingawngaw sa loob ng hotel. Pati mga naglilinis ay nagtatakang napatingin sa gawi nito. Sabay silang lumabas ni Isla. Paglapit sa sasakyan ay kaagad silang sumakay. Kanina niya pa napapansing balisa ang dalaga. Hindi kumikibo at malalim ang iniisip. "What's bothering you?" tanong niya rito nang makaupo siya nang maayos. Hindi man lang ito tumingin sa kanya. "Wala naman. May iniisip lang ako," umiiwas nitong sagot. "What is it? You can tell me," pangungulit niyang sabi rito. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip ng dalaga. "Sa akin na lang 'yon. Masyado kang chismoso." Chismoso? Ako? "Ha?" bulalas ko. "Masyado? I'm just asking!" angal niyang sigaw. "Magmaneho ka na lang diyan," sa halip na sagutin siya nito ay inutusan pa siya nito kaya naman ay sumeryoso siyang humarap sa daan. "Sige. Sabi mo, eh," nagtatampong usal niya. Mukhang galit ito o masyado lang siyang maingay ngayon. Tahimik siyang nagmaneho. Nagulat siya nang bigla na lang nagsalita ang katabing kanina pa nananahimik. "Ihatid mo ako sa amin," usal nito. "Ha? You're going with me," kontra niya sa sinabi nito. "Ano? Hoy, hindi mo ako pag-aari. I-uwi mo ako sa amin kung ayaw mong makutusan," naiinis niyong sumbat. Napapitlag siya sa gulat. Sinisigawan na siya nito pero wala siyang magawa kundi ay ang sumunod sa gusto nito. "Sige. Saan ba?" napapahiyang tanong niya. "Gamitin mo 'yong Maze na app. Tinatamad akong magsalita," walang ganang sagot nito sa kanya. "Okay." Kanina niya pa napapansin ang pagiging balisa ng dalaga. May nangyari kaya kanina sa labas kaya tahimik ito ngayon? "Ano ang pinag-usapan nila ni mom?" bulong niyang tanong sa sarili. Bakit ayaw nitong sabihin? Nakatitig lang sa kawalan ang dalaga. Nagulat siya nang bigla nitong niyakap ang sarili at noon niya lang napansing wala pala itong dalang jacket. Kahit shawl ay wala. "Are you cold? We are almost there," tanong niya rito kahit halata namang giniginaw ito. "Okay lang," tipid nitong sagot. "Ayos ka lang ba talaga? Mukhang malalim ang iniisip mo, ah," usal niya. "Paano mo nalamang malalim?" "Well, you're sighing so loud. I can hear it." "Oh! Okay," anito. "Gusto ko ng magpahinga," mahinang bulong ng dalaga. Kaagad siyang pumarada sa tabi ng kalsada nang marating ang destinasyon dahil wala siyang makitang parking space sa harap ng bahay ng mga ito. Masyado ring masikip ang daan kaya nahihirapan siyang magmaneho. Nag-aalala siyang baka may mabangga siyang tao o kaya ay asong-gala. "Huwag ka nang pumasok. Ako na ang bahala," pigil nito sa kanya nang akmang bubuksan niya ang pinto ng kotse. "But," Gusto niyang makita ang loob ng bahay nila. Pero parang ayaw yata nito. "No buts," putol nito sa sasabihin niya. "Ayos lang. Ako na ang bahalang magsabi sa kanila," nakangiti nitong usal. "S-Sige," napapahiyang sagot niya. "Sige. Alis na," pagtataboy nito sa kanya. Ang atat naman nitong palayasin ako. Nakanguso siyang nag-iwas ng tingin. "W-What?" utal niyang tanong. "Umalis ka na. Ano pa ang ginagawa mo rito?" "L-Looking at you," nauutal niyang sambit, nahihiya. "Tss. Sige, mauuna na ako sa 'yo. Ingat," sabi nito saka tuluyan nang tumalikod. "Bye!" sigaw niya kahit hindi siya nito narinig. Nakasimangot siyang nagmaneho paalis hanggang sa makarating siya sa condo. Ibinagsak niya ang katawan sa kama nang makauwi siya. Pagod na pagod at masakit ang mga binti niya. Bumuntonghininga siya. Ngayon pa lang ay nami-miss na niya ang dalaga. Gusto na niyang liparin ang distansyang namamagitan sa kanilang dalawa ngunit sadyang napakabilis ng mga pangyayari. Siya na ang ko-kontrol sa kanyang sarili upang hindi makagawa nang ikagagalit ng dalaga. Padabog siyang tumayo upang maligo. Kailangan niyang mahimasmasan upang mawala ang init ng kanyang ulo. Masyado siyang nadismaya sa pagtataboy nito kanina. "I'm I that immature? Geez! Kakikilala mo lang sa kanya, Ash! Huwag kang masyadong mapang-angkin," pagpapaalala niya sa sarili nang humarap sa salamin. Nasapo niya ang noo. Masyado yata siyang agresibo kaya kailangan niyang iwasan ang ganoong kilos. "Take it easy," usal niya sa isip bago naligo. Pagkatapos ay kaagad siyang nagpatuyo ng kanyang katawan at natulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD