Chapter 7

3308 Words
Chapter 7 Bumungad kaagad kay Isla ang ate niyang si Christine nang magising siya kinaumagahan. "Hindi ka ba magtatrabaho?" tanong ng huli nang makalabas siya sa kaniyang silid. May hawak na itong isang baso ng kape. "Hindi ko alam. Awol na po ako, eh," nalulungkot niyang sagot rito. Kailangan niya ng pera pambayad sa bills nila ngayon. Kawawa naman ito kung hindi siya makakasahod lalo pa at kapapasok pa lang niya sa trabaho. "Pero sabi ni Ash ay pwede akong magtrabaho sa kompanya nila, Ate," pagbibigay alam niya sa kaharap. Pero nahihiya siya at isa pa nandoon palagi si Elise. Baka guguluhin lang siya nito. "Eh, di, doon ka! Ano pa ang ginagawa mo rito? Magbihis ka na nang makaalis ka! Ay, naku!" singhal nito sa kanya. "Pinapalayas n'yo na po ba ako?" nanlulumong tanong ni Isla sa kasama. "Ano? Sinabi ko lang magbihis ka, hindi pinapalayas," nakangiwing sagot ni Christine sa kanya. Muntik pa siya nitong makurot mabuti na lang at nakaiwas siya kaagad. "Sino 'yon?" tanong ng kaharap nang marinig ang malakas na busina mula sa labas. Lumapit ito sa bintana saka sumilip doon, nanlalaki ang mga mata nito habang napaatras sa gulat. Nagtaka naman siya sa reaksyon nito. "Sinusundo ka yata, Isla!" pabulong na singhal nito habang nakatakip ang kamay sa bibig. Napasinghap siya sa narinig saka nagmadaling lumapit sa kinatatayuan ni Christine. "Ano ang ginagawa niya rito?" gulat niyang tanong nang makita ang nakatayong si Ash sa harap ng bahay nila. Nakasandal ito sa pinto ng kotse at nakapamulsa habang palinga-linga sa paligid. "Wala kaming usapang magkikita ngayon," inis niyang usal sa sarili. "Harapin mo na! Huwag mong paghintayin 'yong tao, Isla," sermon ni Christine sa kanya kaya nakanguso siyang tumalima. Nakangiting si Ash ang sumalubong sa kanya nang lumabas siya ng bahay. Nakasimangot siyang lumapit sa binata. "What's with that look?" nakanguso nitong tanong halatang natatawa. Nagkibit-balikat lamang siya. "What are you doing here?" Nakasimangot niyang tanong. "I'm here for you," anito. "Bakit? Wala tayong usapan, ah," nakangusong saad ni Isla sa kaharap. "Nah, I can wait," usal ng binata. "Just go and change," utos pa nito sa kanya. "Wala ako sa mood, umalis ka na," pagtataboy niya rito. Kaagad nalukot ang ilong ni Ash dahil sa inasta niya. Mataman siya nitong tinitigan bago ngumisi nang nakakaloko. "May muta ka," pagbibigay-alam nito sa kanya. Natigilan siya. "A-ano?" nauutal niyang tanong rito. "Ano ba ang pinagsasabi nito?" inis niyang tanong sa isip. "I said, may muta ka," anito sabay turo sa mata niya. Napahawak siya sa mukha niya. Napangiwi siya nang mapansin ang pagiging mamantika niyon. Yuck! Nahugot niya ang hininga nang mahawakan ang buhok niyang mukhang pugad ng ibon. Napabuga siya ng hangin at kaagad niyang natakpan ang ilong nang maamoy niya ang sariling hininga. "Oh my God!" malakas na sigaw niya habang nagtatakbo papasok ng bahay. Malakas na tawa ni Ash ang umalingawngaw sa buong kabahayan. "Hoy, napapa-ano ka?" nag-aalalang tanong ni Christine nang madatnan niya ito sa sala. "Hindi pa pala ako nakaligo!" malakas na sigaw ni Isla sa pagkataranta. Nagtatakbo siya papasok ng banyo saka nagmadaling naligo. "Sabi ko naman sa 'yo! Hindi ka nakinig, ayan. Pahiya ka tuloy," narinig niyang sermon nito. What the heck, Isla? Nakakahiya ka! OMG! Halos masabunutan niya ang sarili dahil sa pagmamadaling makatapos. Ayaw niya namang paghintayin ang binata nang matagal. Ngunit naalala niya ring wala nga pala silang usapang magkita ngayon at kusa lang itong pumunta sa teritoryo niya kaya maghintay talaga ito ngayon. Binagalan niya ang kanyang kilos. Feel na feel niyang manghilod ngayon kaya naman ay ginawa niya ang iniisip. Pagkatapos niyang maligo ay nag-ayos na siya ng sarili. Namili siya ng ilang pantalon na medyo maganda pa ang itsura. Iyong magmumukha siyang mayaman. Dahil sa bagal nang pagkilos niya ay kinatok na siya ni Christine bago ito pumasok. Binatukan siya nito. "Ang tagal mo! Nabuburyo na 'yong tao," sermon nito sa kanya. "Sandali lang!" reklamo ni Isla habang nag-aayos ng sarili. "Bilisan mo kasi riyan! Ano ba ang ginagawa mo at napakatagal mo riyan?" tanong nito. "Nagbibihis! Alangan namang natutulog. Tsk!" singhal niyang sagot kaya naman nakurot siya niyo. "Umayos ka, ah!" singhal rin nito sa kanya. Sanay na siya na para silang aso't pusa ngunit nandoon pa rin naman ang respito niya sa babae. Sadyang magkasundo lang talaga silang dalawa kaya naman ganoon ang trato nila sa isa't isa. "Oo na!" sumusukong usal ni Isla bago pa siya ulit makatikim nang kurot sa singit. Nang matapos sa ginagawa ay hindi niya sinasadyang mabalibag ang pinto nang isara niya iyon. Nakita niya pa ang pagtayo sa kinauupuan ni Ash dahil sa gulat. Nagtatakang napatingin sa kanya ang binata. "Sorry," hinging paumanhin niya rito saka nagtuloy na sa sala. "Are you mad that I'm here?" mahinang tanong nito sa kanya. Umiling siya. "No, hindi naman. Medyo lang," nakangiwing usal niya. "Oh," nanlulumong saad ng binata. "Huwag kang mag-drama, Isla. Wala ka namang gagawin," usal ni Christine nang makalabas ito galing kuwarto. Narinig pala nito ang sinabi niya. "Ano pa ang ginagawa ninyo? Alis na!" kaagad na pagtataboy nito sa kanila. "We're going out. Do you want to come?" biglang tanong dito ng binata na ikinagulat niya. Kaswal na kaswal ang pag-uusap ng dalawa na para bang matagal na itong magkakilala. Nagpalipat-lipat ang paningin niya sa mga ito. Hindi kaya kapatid ni Ash si Hans? "Hindi na. Kailangan kong maglaba," walang ganang sagot ni Christine bago pumasok ng kuwarto. Bumuntonghininga lang ang katabi ni Isla bago tumalikod at tinungo ang pintuan saka dire-diretsong lumabas. Naiwan siyang nakanganga ngunit sumunod rin naman sa binata. "Sorry, I thought you're already here," hinging paumanhin ni Ash nang makita siyang nagmamadaling sumunod sa binata. Psh! Ano ang nangyari at ganoon na lang ito kung makipag-usap kay Ate? "Ayos lang," sabi niya. "Saan ba tayo?" tanong niya nang makasakay sa kotse. Hindi niya na hinintay na pagbuksan siya nito. May mga kamay naman siya. "Sa rest house namin," anito nang makapasok sa driver's seat. "Old man wants to talk to you. In private," dagdag nitong sabi. "Old man?" naguguluhang tanong ni Isla. "May grandfather." "What? You're calling him old man?!" hindi makapaniwalang tanong niya rito. "Tubuan ka sana ng tigyawat sa puwit," pananakot niya sa binata. "What?" naguguluhang tanong nito sa kanya nang marinig ang sinabi niya. "Wala!" singhal niya. Napakawalang-galang naman nitong taong 'to, oh. Bigla ay dinalaw siya ng kaba. Naalala niya noong gabing engagement nila ay hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng Lolo ni Ash . Hindi niya alam kung bakit. "Don't be scared. It's alright, love," anito. Ew! Love mo mukha mo! "Ewan ko sa 'yo." Tumahimik na lang siya habang ang paningin ay nasa labas ng bintana. Malalim ang iniisip kung paano nahantong sa ganito ang buhay niya. Noong isang linggo lang ay kayod-kalabaw siya upang makabayad sa mga bayarin. Trabaho rito, trabaho roon. Tapos ngayon nandito na siya sa loob ng sasakyan ng isang de'Vlaire. Parang masyadong kakaiba ang nangyayari sa paligid niya. Masyadong hindi inaasahan. Nakakagulat kung tutuusin. "What do you want for dinner?" biglang tanong ni Ash kaya gulat siyang napabaling sa binata. "Dinner?" gulat na tanong niya saka umayos ng upo. Tumango-tango ito habang ang paningin ay nasa unahan. "Yes. We will stay late tonight," kaswal na saad nito. "Sino naman ang nagsabing pumayag ako? Aba! May trabaho 'yong tao, kailangan kong mag-ipon," asik niya rito. Ayaw ko talaga iyong wala akong alam. Ano ang akala niya sa akin? Puppet niya? Nanggigigil ang isip niya. "Why? May problema ba ro'n?" "Of course, Mr! Wala kang sinabi. Bigla-bigla ka na lang nagpapakita tapos ki-kidnappin mo pa ako?" "I'm not a kidnapper, woman!" pa-ubong sigaw nito. "Ewan ko sa 'yo. Hindi tayo puwedeng magpa-gabi. Ayaw kong mapuyat," nakangusong sambit ni Isla kahit ang totoo ay pang-gabi naman talaga ang trabaho niya sa Convenience Store. Naiinis siya sa binata sa hindi niya malamang dahilan. Tsk! "I'm sorry for dragging you into this, baby." "Sus! Kunwari!" She rolled her eyes. Dahil sa nabuburyo siya ay binuksan niya ang radyo. It was playing Taylor Swift song's for awhile now. And it made her wonder, does this man likes Taylor's songs? "Hindi ko alam na isa ka pa lang Swiftie," komento niya. Gulat itong bumaling sa kanya. "What's that?" kunot-noong tanong nito. "You're a Swiftie," kaswal na sagot niya habang napapangiti. "What? I am a de'Vlaire! What are you talking about?" nalilito nitong tanong. "I mean, mahilig ka pala sa kanta ni Taylor," sagot niya habang pinipigilan ang inis. Natigilan ito habang kunot ang noo. Napa- 'ah!' ang binata saka mahinang tumawa nang maintindihan ang sinabi niya. "Bakit? What's wrong with it? I mean, her songs are amazing," komento nito habang tumatango. "Alam ko," kinikilig na saad niya. Gusto ko rin naman ang mga kanta niya. Bakit hindi? Sino ba ang hindi gusto ang mga kanta ni Taylor at nang masapak ko! "Here we are," anunsyo ni Ash nang pumarada ito sa garahe ng Villa ng mga de'Vlaire. "Hay! Salamat naman at nakarating din tayo," buntonghiningang sabi ni Isla saka mabilis na tinanggal ang seatbelt. Binuksan niya ang pinto ng kotse at nag-inat ng katawan pagkalabas. "Do you want to swim?" tanong ni Ash sa kanya habang hawak ang munting bag na may laman ng gamit niya. "We have a swimming pool here." "No, liligo ko lang," tanggi niya. Hindi pa naman siya mabaho. "I'm just asking." "Yeah." "Let's go," anito saka nauna nang naglakad papasok. Ang daming punong nakatanim sa paligid. May maliit na fountain na napapalibutan ng mga bulaklak. Ang ganda siguro kung dito ako nakatira. Mapayapa at maganda sa pakiramdam ang dulot nitong katahimikan. May maririnig na huni ng mga ibon sa malapit. "Ang ganda. Gusto ko rito. Sana ay may ganito rin kami, kaso wala, eh," komento niya habang iginagala ang paningin. "It's ours." "Sa 'yo." "We're getting married so it's ours." "Okay. Ikaw na mayaman." "Tss." "Bakit? Ayaw mo no'n?" "I don't like it when you're calling me that." "Totoo naman, ah!" "Ssh," saway nito sa kanya dahil napalakas ang pagkakasabi niya. Wala naman sigurong tao rito bakit ba nagagalit siya? Baka may multo rito o kaya engkanto? Naku! Baka isumpa ako at maging palaka sa sobrang ingay ng bibig ko. Kaya hindi ako magagalit at sinaway niya ako. Pinakalma niya ang sarili. "Are you hungry?" tanong nito sa kanya nang tuluyan silang makapasok. Inilapag ng binata sa katabing sofa ang bag na dala bago naupo sa isang mahabang sofa.Naupo naman siya sa pang-isahan. Iniiwasang makatabi ang binata. "They'll be here, later. Do you want to look around?" anito. "You're not tired, right?" "Not really. Titingin lang ako sandali," paalam niya bago inilibot ang paningin sa buong Villa. Naglalakihang puno at mga bulaklak ang nasilayan niya. "Okay." Rinig niya pang sagot nito habang kinakalikot ng binata ang cellphone. Naglakad na siya palabas at nilibot ang buong Villa. Naaliw siya sa ginagawa at hindi na niya namalayan ang oras. Kapapasok niya pa lang sa loob ng bahay ay ang nag-aalalang mukha ni Ash ang nabungaran niya. "Where have you been?" nag-aalalang tanong nito habang pinasadahan siya ng tingin. "Naglibot ako. Bakit?" inosenting sagot ni Isla sa binata. Nagtataka siya sa reaksyon nito. "Tsk! I was dizzy looking for you!" mataas ang boses na anito. "Ang laki nitong Villa, tapos hindi mo man lang dinala ang cellphone mo!" nakabusangot na saad ng binata. Napanganga siya. Hinahanap pala niya ako? "Nawala lang ako ng fifteen minutes, ganiyan na ang reaskyon mo? Asus, kadramahan," nakangiwing asik niya rito. Ang OA! "Kahit na! What if something happened to you? How can you contact me when you're not carrying your phone!" singhal nito sa kanya. "Galit na galit ka na riyan! Pagod ako, mamaya mo na ako pagalitan," inis niyanh sambit. Nagtuloy-tuloy siya sa pagpasok hanggang sa kusina. Kumuha siya ng isang baso ng tubig saka ininom iyon. "Kasi naman, Isla!" giit nito. Bumuntonghininga siya saka kunot ang noong bumaling sa binata. "Ano? Ano na naman? Hindi pa tayo nag-a-asawa ganiyan ka na! Tsk!" inis niyang sigaw. Nagsusuntukan ang mga kilay niya dahil sa inis. "Sorry!" mabilis na sambit nito at parang batang ngumuso sa isang tabi. "Umayos ka!" "I already said, sorry," nakangusong saad ni Ash sa kanya. "Hindi pa kita pinapatawad, ah," usal ni Isla. "Sorry na nga, eh." "Tumigil ka. Mas naiinis ako." "Sorry." "Ssh!" Hindi niya na lang ito pinansin. Inayos niya ang kanyang mga gamit sa kuwarto. Mga ilang minuto lang ang lumipas ng may nagsidatingang sasakyan sa Villa. Hindi niya na tiningnan kung sino dahil paniguradong mga de'Vlaire ang mga iyon. "Hello, Brother!" maligayang bati ng bagong dating na lalaki nang lumabas siya ng kuwarto upang salubungin ang bisita. Kung titingnan, mas bata ito kay Ash ng ilang taon. "Why are you here?" masungit na tanong ni Ash sa bisita. Bigla namang sumimangot ang kaharap nito dahil sa inasta ng mapapang-asawa niya. "Nabuburyo ako sa bahay. Gusto ko ring makita ang fiancee mo," nakangising sabi ng lalaking hindi pa alam ni Isla kung ano ang pangalan. "Don't you dare touch my woman!" giit na asik ni Ash na nginiwian lang ng lalaki. Bigla itong bumaling sa kinatatayuan ni Isla kaya agad siya nitong nakita. "Oh!" nakangiting usal nito. "Hi there! I'm Sean," biglang bati nito sa kanya saka diretsong naglakad papalapit sa kanya. Hindi nito alintana ang mababangis at nakamamatay na mga tingin ni Ash. "Don't mind my cousin. He's just a bit, childish," nakangiwing ani Sean habang nakalahad ang isang kamay sa kanya. Ikaw yata ang childish. Nag-aalilangan siyang tanggapin ang kamay nito dahil sa umuusok na ang ilong ni Ash nang balingan niya ang binata. Lihim siyang natawa sa hitsura nito. "Tsk!" singhal ni Sean saka agarang hinawakan ang kamay niya upang makipagkamay. "Don't be scared with that stupid dictator!" anito na ininguso ang naiinis na si Ash sa likuran niya. Tumawa siya nang bahagya, aliw na aliw sa kanilang dalawa. "I'm Isla. Nice to meet you," pagpapakilala niya kay Sean. "You're gorgeous!" "Thank you!" nakangiting sambit niya sa lalake. "Stop it!" pigil ni Ash sa pinsan nitong panay ang buntot sa kanya. "Bumalik ka na nga sa inyo!" mariing utos ng katabi ni Isla ngunit hindi man lang natinag ang pinsan nito. "Ayaw ko!" matigas na saad ni Sean. "Dito lang ako," dagdag pa nitong sabi saka diretsong pumasok ng bahay. Napamura na lang sa inis si Ash dahil sa kakulitan ng pinsan niya kaya kinurot niya ito sa puwit. "Ouch!" "Profanity!" "Sorry!" "Tss!" "Sorry!" "Whatever!" asik ni Isla saka pumasok na sa loob. Nasa hapag na ang lahat. Nahihiya man si Isla ay mahigpit naman ang pagkakahawak ni Ash sa kamay niya upang sabihing maayos lang ang lahat. Hindi siya sanay sa mga titig ng pamilya ng binata. Ang lolo nitong diretso ang tingin sa kanya, nakakunot ang noo habang pinag-aaralan ang kabuuan niya. Ang mommy nitong ngiting-ngiti sa kanya na animo'y nakahanap ng babaeng anak sa katauhan niya. Ang daddy ni Ash na nakaalalay lang sa asawa nito. May ngiti rin sa labi. "Everyone! Meet Isla, my future wife." masayang pakilala ni Ash habang ngiting-ngiti sa tabi niya. "Hi!" nahihiyang usal ni Isla. Hindi malaman kung magsasalita ba siya o hindi. "Hello, Dear!" maligayang bati sa kanya ng Ina ni Ash. Ginagap nito ang kanyang mga kamay sabay yakap sa kanya. Mahigpit iyon kaya nahirapang huminga si Isla. Nagpakilala ang bawat isa hanggang sa nagkuwentuhan sila sa hapag. "So, when's the wedding?" kaagad na tanong ng lolo ni Mr. Mike, ang lolo ni Ash. "Next week," mabilis na tugon ng katabi niya kaya kaagad niya itong nasiko sa gulat. "Bakit ang bilis?" kunot-noong tanong ni Isla sa fiance. "Why? What's wrong?" nakangusong tanong ni Ash habang kumakain ng hinog na manga. "Oo nga naman. There's nothing wrong with it, Iha," komento ng Mommy ng binata. "Ah, kasi. . . " "Don't worry about it, please," mabilis na putol ni Ash sa sasabihin niya. "Just make sure to let us know. Okay?" tanong ng Daddy ni Ash. "Okay, Dad," nakangiting tugon ng binata sa kanyang Ama. Ngumiti na lang din si Isla. Ayaw niyang masira ang impresyon ng mga ito sa kanya. Hanggang sa mag-uwian ang mga bisita ay ramdam niyang masaya ang kasama niya. "Ngiting-ngiti ka riyan," nakangusong usal niya nang makita ang mukha ni Ash habang titig na titig sa kanya ang loko. "Itigil mo nga 'yan!" saway niya rito. Naiirita kasi siya sa mukha ng binata, nahihiya na rin. Ano ba ang mayroon sa mukha ko at hindi niya mapigilang tumingin. Kainis! "Tss." "Ano?" "You're beautiful!" biglang banat nito na hindi niya inaasahan kaya namula siya sa hiya. Baka naman kinikilig lang ako, shuta! "Tss." ngiwi nito ng wala itong makuhang reaksyon mula sa kanya. Manigas ka riyan! "Tumigil ka nga! Tusukin ko 'yang mata mo!" banta niya rito na tinawanan lang ng katabi. Ayaw talaga tumigil. "Don't stop me," reklamo nito sa kanya. "Ayaw mo talaga tumigil?" asik ni Isla saka siya kumuha ng tinidor at itinutok iyon sa binata. Napaatras ito sa gulat. "That's dangerous!" kaagad na sabi nito. "Ano ba naman 'to! Hindi pa kayo kasal nagpapatayan na kayo." Sabay silang napalingon sa nagsalita at nagulat nang makilala ito. "What are you doing here?" singhal ni Ash sa pinsang nitong nakaupo sa sofa. "I'm staying," pinal na usal nito saka humilata pa. "No! Get out!" pagtataboy ng fiance ni Isla sa binata. Natatawa siyang tingnan ang dalawa. "Hyung! Wala na akong masakyan! They left me!" reklamo ni Sean. "Mag-bus ka!" "Ayaw ko nga! Dito na lang ako, please?" "Sean de'Vlaire!" nauubusan ng pasensyang singhal ni Ash kaya natawa si Isla. Ang cute nilang dalawa. "Please?" anito na parang tuta sa pagpapa-cute para lang payagan ng pinsan. "Don't do something stupid!" utos ni Ash kaya tumango si Sean. "Tingnan mo, dictator nga siya. Don't marry that old man, Isla," biglang usal ni Sean kaya binusalan ito ni Ash. Tawa nang tawa si Isla sa kakulitan ng dalawa. "Tumigil na nga kayo!" saway niya sa mga ito. Umubo-ubo pa siya dahil sa katatawa. Sumakit ang lalamunan niya. Uminom siya ng tubig saka tumayo at nag-ayos na ng mga gamit. Maliligo siya sa pool. Mabuti na lang at nagdala siya ng extrang damit. Dito lang daw sila matutulog at tinatamad bumiyahe ang driver niya. Naisipan niyang tawagan si Yannie. "Oh? Kailangan mo?" matigas ang boses na sagot ng kaibigan sa kabilang linya. "Wala lang. Bakit? Bawal na ba tumawag ngayon?" nakangiwing tanong niya kahit hindi siya nito nakikita. "Wala ako sa mood," walang ganang sagot nito kaya mas lalo siyang napangiwi. Ano kayang nangyari. "Bakit?" nag-aalalang tanong niya rito. "Some stupid guy dumped me! Grrr!" Ramdam niyang nanggagalaiti ngayon itong kausap niya. Siguro umuusok na ang ilong nito saka malapit nang puputok ang mga ugat nito sa leeg dahil sa inis. "Sino naman?" usisa niya. Wala naman siyang kilalang boyfriend nito. "Some random guy nga." "Weh? Bakit wala akong alam? Kailan pa?" hindi niya mapigilang magtanong. "Noong nagbar tayo." "Oh? Sino?" "Hindi na kailangan. Hindi naman 'yon importante. Tsss." "Whatever." "Eh, ikaw? Anong ganap?" "Nasa Casa de'Vlaire ako. Nagpapahinga," pagbibigay-alam niya sa kaibigan. "Taray!" "Hindi ako nagtataray. Nagsasabi lang ako ng totoo." "May sinabi ba ako?" "Ewan ko sa 'yo." "Oh sige na. May gagawin pa ako," paalam nito bago pinatay ang tawag. Nagmamadali? Ipinatong niya ang cellphone sa night stand. Nagbihis siya ng isang two-piece bikini saka dumiretso sa pool area dala-dala ang isang tuwalya. Sumisid siya nang sumisid hanggang sa mapagod siya kalalangoy. Naaliw siya kalalangoy hanggang sa maramdaman niya na lang bigla ang mga kamay sa kanyang baywang bago siya hinigit papalit sa nagmamay-ari nito. Mabilis siyang lumingon bago pa man siya mayapos nito at isang guwapong-guwapo at makisig na Ash Herson de'Vlaire ang bumungad sa kanya. Bigla na lang kumabog ang dibdib niya sa hindi malamang dahilan. Am I inlove with this handsome and charismatic man?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD