CHAPTER 18 Hapon ng Sabado nang maisipan ni Ash na dalhan ng ice cream si Isla. Nagdidilig ito ng halaman sa labas at alam niyang pagod na ito dahil kanina pa ito pinagpapawisan. "I made some ice cream waffles for you, Wifey!" masayang anunsyo niya habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ni Isla. Nagpupunas ito ng pawis sa noo at nang makalapit na siya ay nakangiti nitong tinanggap ang isang mangkok ng ice cream. "Thank you, Hubby!" nakangiting pasasalamat nito saka mukhang batang nilantakan ang ibinigay niya rito. "You are welcome, Wifey!" nakangiting sambit niya rito bago ito hinalikan sa noo. "Bakit ang sweet-sweet mo ngayon?" taas-kilay nitong tanong. Natigilan siya. "Why? Do I need to have a reason to be sweet to you?" mahinang tanong niya rito, naguguluhan. "Hindi nama

