Chapter 20 Nang lingunin ko siya ay nakita kong mabilis siyang sumakay sa sa kotse niya. Bumilis ang takbo namin at ganoon din siya. Desperadong pigilan ang pag-alis ko. Hanggang nang paliko na kami ay may nakasalubong kaming isang sasakyan din. Oovertake sana siya sa amin ngunit hindi niya alam na may padating ding sasakyan. Tumigil ang ikot ng aking mundo nang makita ko sa side mirror ang malakas na pagbangga ng sasakyan niya sa isang pader. Wasak ang harapan ng sasakyan niya at basag ang salamin. Alam kong hindi siya mabubuhay kung wala siyang suot na seatbelt. Hindi ako makahinga. Parang napakabilis ng mga pangyayari. Nasapo ko ang ulo ko sa pagkabigla. "Pa! Si Mark! Papaaaaaaa!" sigaw ko. Itinabi ni Papa ang sasakyan. Mabilis kaming lumabas ni Tzekai at sumunod din si Papa Pat para

