Pedestal CHAPTER 21 Pumikit ako. Nakikiliti ako sa kamay niya na dumadampi sa dibdib ko at tiyan. Hanggang sa tuluyan na niyang nahubad ang damit ko. Hinayaan kong siya na din ang nagtanggal sa aking pantalon at tanging boxer short na lang ang suot ko. Umayos ako ng higa. Kinuha niya ang mga damit kong hinubad niya at tiniklop niya iyon. Tahimik siyang bumalik sa kama. Muli niya akong tinitigan. "Salamat dahil muli kang dumating sa buhay ko. Hindi mo lang alam na tuluyan mong binuo ang aking pagkasino." Bulong niya sa akin. Dumampi ang kaniyang palad sa aking pisngi. Lumapit ang kaniyang mukha sa mukha ko. Dahan-dahang niyang inilapit ang kaniyang labi sa aking labi. Hindi ko alam kung paano ko siya pipigilan. Hindi pa ako handa para pumasok sa isang relasyon. Nang gahibla na lang ang

