PEDESTAL Chapter 22 Nang tuluyang naglayo ang pagkakahinang ng aming mga labi ay tumitig siya sa akin. Pakiramdam ko ay binabasa niya sa aking mukha ang tunay na laman ng aking puso. Hindi ako umiwas ng tingin tulad ng nakagawian ko sa tuwing ginagawa niya iyon. Hindi ako kumarap o kaya yumuko. Sinalubong ko ang kaniyang pagkakatitig hanggang sa gumuhit ang matamis na ngiti sa kaniyang labi. Sumunod kong nakita ang pagngiti din ng kaniyang mga mata. Hindi naitatago ng mga matang iyon kung ano ang kaniyang tunay narararamdaman. Kaya nga sa tuwing gusto kong malaman ang tunay niyang nararamdaman sa kaniyang mga mata ako tumititig. "Mahal mo na nga ako. Sana hindi ka magbago. At kung sakaling panandalian lang ito, nagpapasalamat parin akong minahal mo ako. Hinding-hindi ako papayag na mawa

