“NAKAKAINIS talaga,” sabi ni Lavender kay Iñaki habang nagtutuhog ng mga fishball. “Baka may kaibigan ka na puwede kong maka-date para makalimutan ko si Pablo.” “Huwag kang ganyan,” sabi nitong abala rin sa pagtuhog. “Unfair doon sa lalaking ipapa-date ko sa `yo kung gagawin mo lang panakip-butas.” Napabuga siya ng hangin habang isinasawsaw sa sauce ang fishball niya. Walang pasyente sa clinic kaya napagpasyahan nilang magpahangin sa labas. Nang may dumaang nagtitinda ng fishball ay hinarang iyon ni Iñaki. Mas maigi na raw iyon kaysa manigarilyo ito. Matagal na raw itong nag-quit sa paninigarilyo. Pareho silang hindi maselan sa mga ganoong street food. Malinis naman ang roving cart ni Manong. Nang mga nagdaang araw ay napapansin niyang balisa si Iñaki. Hindi man nito sabihin, alam niya

