“HOW DID Benjamin propose to you?” tanong ni Pablo kay Julliana habang abala ito sa harap ng canvass nito. Halos patapos na ang ipinipinta nito. Dinalaw niya ito dahil hindi na niya alam kung kanino siya hihingi ng payo. Hindi matinong kausap si Ceferino dahil ilang araw na itong abala at kulang na kulang ang tulog. Wala raw itong maisip na ideya kung paano niya mapapapayag si Lavender na magpakasal sa kanya. Nanlumo pa siya sa mga sinabi nito. “Mas malaki ang posibilidad na tanggihan ka niya. Unang-una, ang pangit ng naging proposal mo. Dahil naunahan ka ng yabang mo, ni hindi mo pinaghandaan. Nakabili ka na ba ng engagement ring? Nagbigay ka man lang sana ng kahit isang tangkay ng rosas o kahit ng kalatsutsi o bougainvillaea. Ang hina mo kasi. `Yan ang tawag sa tumanda na hindi sanay n

