NALAMAN ni Pablo na hindi pala talaga security guard si Tulfo sa klinika. Ipinadala ito ng agency ni Albert Montero upang magbantay kay Cassandra. Ibinigay niya rito ang schedule ng counseling ng anak niya. Iyon ang unang araw nito at napasabak agad ito sa aksiyon. Hindi iyon sinabi sa kanya ng ama ni Benjamin kaya hindi niya alam. Ang sabi lang nito ay ito ang bahala sa proteksiyon ng anak niya. Labis siyang nagpapasalamat dito. Kung wala ito, malamang na pare-pareho silang napahamak. Kinausap niya ang psychologist na kung maaari ay sa bahay na nito i-counsel si Cassandra. Iniisip niyang makakasama sa kalagayan ng anak niya kung patuloy nitong maaalala ang mga nangyari sa lugar na iyon. Pumayag naman ito. “How’s my Boo?” magiliw na tanong niya kay Cassandra habang inihihiga niya ito s

