“WHERE did you find her?” tanong ni Pablo sa private investigator na kausap niya sa cell phone. Lumabas siya ng klinika ng doktor ni Cassandra upang makapag-usap sila nang maayos. Ipinaalam nito sa kanya na nahanap na nito si Leanne, ang yaya ni Cassandra mula nang ipanganak ito. “Sa isang liblib na baryo sa Marinduque. Medyo nahirapan akong i-locate siya, Boss. Pinag-igihan niya ang pagtatago. Noong una kaming magkaharap ay nahirapan akong kumbinsihin siya na hindi ako inupahan upang patayin siya. Nang sabihin kong ikaw ang nagpapahanap sa kanya ay naging cooperative siya nang kaunti. Tinanong niya kung nasa mabuting kalagayan si Cassandra. Inalam niya kung nakarating nang maayos ang bata sa `yo. Nakita ko ang matinding concern niya sa alaga niya. Hindi raw niya gustong iwan na lang bast

