38

1166 Words

HINDI pinansin ni Lavender si Pablo kahit nasa tabi lang ito ni Cassandra. Nakahawak ang bata sa braso ni Pablo at tila ayaw iyong pakawalan. Hindi na niya mabanaag ang kahit kaunting takot sa mga mata nito. Ayaw sana niyang bumisita kina Pablo pero hindi niya matiis na hindi makita si Cassandra. Nais niyang alamin ang kalagayan nito. Nais niyang matiyak ang kaligtasan nito. Baka kasi basta-basta na lang nitong ibigay si Cassie kay Adolfo para makatakas sa responsibilidad. In her heart, she knew Pablo was better than that. Naramdaman niya ang pagmamahal nito kay Cassandra sa maikling panahon na kasama nila ang bata. Alam din niya na hindi ito ganoon kasama. Ngunit nagtatampo ang puso niya rito. Hindi nga niya masabi kung dahil iyon sa nangyari nang nagdaang araw o dahil sa napagtanto ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD