37

1035 Words

HINAPLOS ni Pablo ang buhok ni Cassandra nang maramdaman niyang gumalaw ito. Nakaupo siya sa sahig sa malapit sa kama at nakabantay sa pagtulog nito. Hindi na niya mabakas ang matinding takot na nakita niya kanina rito. Kulang ang sabihing nagulat siya sa naging reaksiyon ng anak niya. Habang hinihintay niyang dumating ito at si Lavender ay kinakain ng selos, inggit, at insecurity ang puso niya. Inaasahan kasi niya na kapag nakita uli ni Cassandra ang nakagisnan nitong ama ay matutuwa ito. Nailarawan niya sa diwa niya na nakangiting tatakbo si Cassandra palapit kay Adolfo. Ganoon ang naisip niya dahil na rin sa mga kuwento ni Adolfo sa kanya. Napakarami niyang nais itanong kay Adolfo ngunit napupuno ng galit ang puso niya. Galit na pilit niyang nirerendahan dahil ayaw niyang makasaksi u

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD