“SINO ang batang `yan, Lavender?” Pilit na nginitian ni Lavender ang nakatatandang kapatid ni Pablo na si Elizabeth. Sa palagay niya ay nagmukhang ngiwi ang pilit na ngiti niya. Ito ang nagbukas ng pinto para sa kanya. Paalis na yata ito ng bahay. Isa itong obstetrician-gynecologist. May regular clinic hours ito sa Love Clinic. “Uhm... Good morning, Ate Eli,” bati niya. Inisip niya kung sasabihin na ba niya rito ang nalaman niya o uunahin muna niyang sabihin kay Pablo. “Paalis ka na yata. Ang aga mo naman.” “May nagle-labor akong pasyente sa ospital. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Sino `yang batang bitbit mo? Pasyente?” Sa halip na sumagot ay ibinigay na lang niya rito ang sulat na binuksan niya. Napagtanto niyang kailangan niya ng tulong sa pagsasabi kay Pablo. Hindi niya iyon

