33

1946 Words

PAGOD na pagod si Lavender pero pinilit pa rin niyang dumaan sa bahay nina Pablo. Nais niyang makita si Cassandra. Nami-miss na niya ang alaga niya. Aminin man niya o hindi, nami-miss na rin niya si Pablo. Ang sabi ng kawaksi na nagbukas sa kanya ng pinto,  nasa studio raw ang mag-ama. Doon na raw nananghalian at nag-merienda ang mga ito. “Nakakatuwa po ang mag-ama, Ma’am,” sabi pa nito nang papasukin siya. “Ngayon ko lang nakita na ganoon kasaya si Sir Pablo.” “Aakyat na ako, ha?” “Sige lang po. Kayo pa, ang lakas n’yo kay Sir.” Puno ng panunudyo ang tinig nito. Natawa na lang siya. She was excited to see them. Kulang na lang ay dalawahin niya ang paghakbang sa mga baitang. Pagdating niya sa studio ay bahagyang nakaawang ang pinto niyon. Sa halip na kumatok ay sumilip muna siya sa s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD