PINAGMASDAN ni Pablo sina Lavender at Cassandra na magkayakap. Nang balikan nila ang bata sa kusina ay kaagad itong niyakap ni Lavender. “I’m sorry, baby,” sabi nito bago pinupog ng halik sa buong mukha at leeg. “I’m so sorry, Cassie.” Banayad na humagikgik ang bata. Nakikita niya na napamahal na ang dalawa sa isa’t isa. Kahit ano yata ang gawin niya ay masasaktan pa rin si Lavender kapag nahiwalay ito kay Cassandra. Ayaw din niyang paglayuin ang mga ito. Ayaw ipaalaga ni Lavender sa ibang tao si Cassandra. Kahit ang ate niya ay nagsasabing hindi madaling kumuha ng yaya ng bata o kasambahay. Hindi rin niya maikakaila na kailangan ni Cassandra si Lavender. “Why do you always say ‘sorry’ to the kid?” nagtatakang tanong niya. “Hindi ka naman niya naiintindihan. Wala na ring mababago sa sit

