Pagkatapos mananghalian, nagpasya ang lahat na pumunta sa beach para maligo. Tuwang tuwa si Leila at excited. Nakiumpok pa ito sa mga pinsan kong babae na excited din magswimming. "Sa wakas, maibabalandra ko na ang sexy kong katawan," humahagikgik na saad ng pinsan kong si Jemma. Kinantyawan ito ng iba dahil sa sinabi. Sa totoo lang hindi naman talaga siya sexy. Mataba pa at halos wala ng leeg. Coca-cola in can ang shape ng katawan niya. "Buti na lang nakapagdala ako ng sexy na swimwear." Si Nayumi naman ang nagsalita. Sexy at manipis ito kaya for sure bagay sa kanya ang mag-bikini. "Ikaw Leila, may bikini ka ba?" Para bang nagising ang buong sistema ko sa narinig na tanong ni Nayumi. Buong atensiyon ko ay nasa pagsagot ng asawa ko. Wala akong narinig na sagot niya pero nakita ko siyan

