Leila POV Tahimik akong umiyak habang sakay ng tricycle. Ang bigat sa dibdib ng ginawa ko, ang sakit-sakit dahil hindi ko kayang ipaglaban ang nararamdaman ko. Oo, mahal ko na si Nate. Hindi ko alam kung kailan o paano. Basta siya na ang tinitibok ng puso ko. Pero paano ko ipaglalaban iyon? Hindi ko kayang maging masaya sa piling niya kung may tao naman akong labis na masasaktan. Taong alam kong ako lang ang kinakapitan sa oras ng madilim nitong kalagayan. Kagabi, noong umalis si Nate, gusto ko siyang sundan. Gusto ko siyang pigilan. Ngunit hinawakan ako ni Erickson sa kamay. Nang mapatingin ako sa kanya, nagsusumamo ang kanyang mga mata at nakikiusap. Nakikiusap na manatili ako sa tabi niya. Mahal ko rin si Erickson. Siya ang lalaking minahal ko ng labis noon. Isa siyang taong mas uun

