Leila's PoV Nagpatuloy kami ni Nate sa ganoong gawi kapag may pagkakataon. Kung wala sina Mama o kaya kung tulog na sila. Nakakakaba pero exciting. Parang mas ginaganahan pa kaming dalawa dahil sa mga lihim naming pagtatagpo. Nalimitahan na nga lamang iyon noong lagi nang sinusumpong si Erickson ng pananakit ng ulo. May pagkakataong nag-iinitiate si Erickson na gawin namin ang bagay na ginagawa ng mag-asawa. Pero sa tuwing natitigilan ako. Sa tuwing hindi ako tumutugon, tumitigil siya. "Sorry, alam kong hindi pa ka handa," sabi niya minsan. Na-guilty ako. Katatapos lang namin ni Nate at ngayon sarili kong asawa ay hindi ko mapagbigyan. Hindi ko talaga kaya. Marami akong natutunan kay Nate. Nagiging mapaghanap ako. But not to the extent na gagawin ko sa kanilang dalawa. Si Nate lang a

