Chapter 34

1145 Words

Pagkatapos namin magsimba, napagpasyahan naming kumain sa labas. Malaki ang ngiti ko habang nag-oorder ng Chicken Joy at Spaghetti. Hiniling ko kasing doon na kami kumain sa Jollibee. Sina Mama, hindi sumama sa amin, ayaw daw nila doon kaya sa Mang Inasal yata sila nagtungo. Sumama sa amin si Nate. Tagabantay ko. Buti na lang walang Grace dahil kung hindi sirang-sira siguro ang araw ko. "Kain  na tayo," sabi ko at nilantakan ang Chicken Joy. Ngumunguya ako ng mapatingin sa dalawa. Nakamasid sila sa akin na para bang nagtataka. Pinapanood pa nila ako sa pagkain ko. "Bakit?" tanong ko na may pagtataka pero muling kumagat sa hawak na chicken joy. Umiling si Nate na nakanguso. Samantalang natawa naman si Erickson. "Mahal, parang isang taon kang hindi napakain ng Jollibee ah," sabi niya n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD