Nagalit si mama dahil napakatagal ko raw na binuksan ang gate. Hay! Bunganga talaga ni mama. Umagang-umaga. Sinabi ko na lamang na late ako nagising dahil nakipag-inuman ako kagabi. Ayun lalong nagbunganga, sermon ang inabot ko. Bakit ko raw iniwanan mag-isa si Leila. Naku ma, hindi mo lang alam baka lalong uminit ang ulo mo kapag nalaman mong may kababalaghang ginawa ang anak mo sa paborito mong manugang. Tinulungan ko silang ipasok sa loob ang mga dala nila. Napakaraming gulay at iba't ibang klase ang nasa basket. Pati prutas ay iba-iba rin at may isang basket rin para roon. Agad na dumiretso si mama sa kusina kung nasaan pa rin si Leila. "Kumusta ka rito kagabi Leila? Iniwanan ka raw ng magaling kong anak mag-isa rito?" Dinig kong tanong ni mama. Napailing na lamang ako. Lalo na

