We spent our days left being together, namamasyal kami sa mall, but most of the time, we spent it making love. Wala siyang magawa kundi ang sumunod. At alam kong gusto rin naman niya iyon. It was our last night together. Sinamba ko ang buo niyang katawan, wala yata akong ibang parte na hindi nahalikan mula sa daliri ng kanyang paa hanggang sa himaymay ng kanyang buhok. Pagod ako, pero hindi ako makatulog sa gabing iyon. Mahimbing na ang tulog ng asawa ko samantalang ako, dilat na dilat pa rin ang mata. Kaya naman kinaumagahan, wala akong enerhiya para bumangon at gumayak na para ihatid siya sa airport. "Nate, bilisan mo naman ang kilos!" pakiusap sa akin ni Leil. Pero mas lalo kong binagalan. Nasa banyo kami. Katatapos niya lang maligo. Ako naman ay nakatayo lang habang pinapanood siyang

