Nasa Club kami ngayon, doon nila ginustong pumunta after dinner. Ayaw ko sanang sumama pero kinantiyawan nila ako kaya nagpasya akong sumama, agad din lang naman akong uuwi. Pagbibigyan ko lamang sila. "Pare, inom pa oh!" yaya sa akin ni Jerome at inabutan ako ng beer. I raised my hand para iparating na tama na ang isang inumin. Ayaw kong malasing. "Woah! ikaw pa ba ang kaibigan naming tubig na ang alcohol kapag lumalabas?" palatak nito. Na nakakuha sa atensiyon ng ibang barkada na naroon. "Well, he's being KJ na. Laki ng pinagbago dahil sa fake marriage niya!" matalim kong tinitigan si Grace dahil sa sinabi niya. Nag-igting ang panga ko dahil sa pinipigilang galit. Tinitigan ko siya ng masama. Uminom lang siya ng hawak na vodka habang nang-uuyam ang tingin sa akin. "Bad influence ba an

